"ILANG araw ka sa Cebu, Dad?" tanong ni Ybram sa ama sa pagitan ng pagnguya. "I hope makabalik ka kaagad bago ako umalis ulit." "Of course, Hijo. Naririto na ako sa araw ng flight mo pabalik ng States," sagot ni Tito Samuel na nasa kabisera nang mahabang mesa. Nasa kanan nito si Tita Barbie at sa kaliwa si Ybram. Nasa tabi naman siya ng nobyo. Sa gitna ng masaganang dinner na iyon ay madalang marinig ang boses niya. Si Tita Barbie ay panakanaka lang din humahalo sa usapan na dominado ng mag-ama. Kanina ay ang tungkol sa kompaniya ang pinag-uusapan ng mga ito hanggang sa napunta na sa business summit na pupuntahan ni Samuel sa isang linggo. She thought it was a good opportunity. Mas matutuon kasi ang pansin ni Ybram sa kaniya kapag wala ang ama nito. Hindi dahil gusto niya ang atensiyon