PARA bang naulit lang ang eksena kanina sa silid ni Astrid. Pero sa pagkakataong iyon ay ang Daddy na niya, na nagliliyab sa galit ang mga mata, ang sumugod at dalawang kamay na dumaklot sa kamiseta ni Revor bago pa makatayo ang huli. "Hayop ka! Anong ginagawa mo sa anak ko, ha?" "T-Tito..? S-Sir..!" "D-Dad, w-wait!" sigaw niya sabay balikwas ng bangon. Itinapon ng Daddy niya si Revor at sa dingding sumadsad ang gulantang pa rin na binata. Naalog ang iilang frames niya na nakasabit doon. "Daddy, stop it!" Napatingin siya sa nasa pintuan na si Ate Vicky. Umaasang aawat ang isang iyon subalit, tulala pa rin ito. Tinakbo na niya ang distansiya sa ama. "S-Sir... m-mag...p-papaliwanag po ako..." Bakas ang takot sa imahe ni Revor habang humaharap dito. May namumuong pawis sa noo nito. "Ca