SINUBUKANG hilahin ni Astrid ang braso mula kay Revor nang matanaw niya ang Alfa Romeo sa parking, pero hindi pa rin siya nakawala mula rito. She sighed in exasperation at matalim na tiningnan ang binata. "Bitiwan mo na'ko, pwede? Hindi kita tatakbuhan," mariing sabi niya. Revor studied her. Itinaas niyang mabuti ang mukha rito. She met his piercing eyes. Kung hindi sa naaalala niyang eksena nito at ng babaeng kasama kahapon sa coffeeshop ay baka hindi siya ganoong katapang. At baka imbes na iritasyon ay kasabikan ang rumehistro sa mga mata niya sa muling paghaharap nila ng binata, at ikakahiya niyang makita nito iyon. He released her wrist. Hinilot-hilot niya ang nangainit na braso. Pairap na tumalikod siya at lumakad papuntang sasakyan. Agad niyang naramdaman ang pagsunod ni Revor. S