TBWB - I

1033 Words
“ARRANGE MARRIAGE?!” Natawa si Lissandro sa naging reaksyon ng kaibigan niyang si David pagkatapos niyang sabihin dito ang malaking surpresa sa kaniyang buhay. Tumango siya at ngumiti. “I am getting married soon, and it’s an arrange marriage.” Itinapon niya sa ibabaw ng lamesa ang mga baraha na kaniyang hawak. Wala na siya sa mood upang ituloy ang kanilang paglalaro. Diretso siyang naupo sa couch at pinag-ekis ang kaniyang mga binti. “It’s for the sake of my throne and power. Hindi ako ang susunod na magiging tagapagmana ng upuan ng papa kung hindi ako maikakasal. It’s our tradition.” Hindi lamang ang mamanahin na kayaman ang kaniyang tinutukoy kundi na rin ang mataas na posisyon sa underground world kung saan nabibilang ang kaniyang pamilya sa mayroong matataas na antas. He is a son of a mafia big boss, and he’s soon to inherit the throne. Tradisyon na ng kanilang pamilya ang ipasa ang trono at kayamanan sa panganay na anak, ngunit mayroon iyong kaakibat na kwalipikasyon—kailangang kasal muna ang tagapagmana at kaagad na makabuo ng supling upang magpatuloy ang tradisyon at pagpapasa ng katungkulan sa mga henerasyong darating. “I see,” wika ni David habang titig na titig sa kaniya, ”Hanggang hindi ako makapaniwalang kaharap ko ang anak ng isang underground big boss at siyang nalalapit na tagapagmana.” Natatawa itong napailing. “You’re incredible. Anyway, who is this lucky lady—” “She’s not lucky,” he cut him off. Kinuha niya mula sa suot na coat ang isang kaha ng sigarilyo at itinaktak ito. Kumuha siya ng isa, isinubo ito at sinindihan. Inipit niya ang stick ng sigarilyo sa pagitan ng kaniyang mga daliri at ibinuga ang usok sa hangin. “I actually don’t know my bride yet, and I have no time to meet her now.” “Wait, what?” Hindi naintindihan ni David ang kaniyang sinabi. “How would you get married without knowing you soon-to-be bride?” He chuckled. “They will arrange everything for me. I have no time to find my own bride or even meet her.” He sighed and sipped his cigarette. Talagang wala siyang pakialam sa kung sino man ang kaniyang pakakasalanan. Ang tanging bagay na mahalaga sa kaniya ay ang mamanahin sa oras na maikasal. Wala naman talaga siyang ibang dapat isipin kundi iyon lamang, walang saysay kung makikilala niya ang mapapangasawa o hindi. Wala namang magbabago na ikakasal lamang ito sa kaniya dahil sa tradisyon. “But you know what?” Bigla siyang may naalala. “I remember Gwen, gustong-gusto niyang maikasal sa ‘kin noon. I wonder where is she now.” Dahil napag-usapan ang kaniyang bride, naalala niya tuloy ang isang babae na patay na patay sa kaniya noon. “Gwen?” David asked confused. Sinimulan nitong isipin kung sino ang tinutukoy niyang babae. “Gwen Tyson, our college classmate when we were in third year. Palagi siyang nakasuot ng malapad na salamin sa mata.” Then he remembered something again. “Oh, hindi na nga pala Gwen ang pangalan niya ngayon, she’s Tally Tyson now and a model. I can’t imagine her complete transformation, from nerd to a model.” He chuckled. “Okay, naalala ko na. Siya ‘yong nag-propose sa ‘yo sa isang wedding booth noong college.” Natawa si David nang maalala ang nangyari noon. Talagang eengot-engot itong babae na kanilang pinag-uusapan. Hindi nila akalaing magbabago pa ito at aaysuin nang bongga ang sarili. “I haven’t seen her again. Modelo na pala siya.” “Yes, but not quite popular yet.” Muli niyang hinithit ang hawak na sigarilyo. “Well, this time may chance na siya para pakasalanan ako. That is if she still wanted to marry me.” Biro lamang iyon, dahil talagang ang kasal na tinutukoy niya ay laro lamang sa kaniya. He never imagine himself being stuck in one woman and married. “Don’t worry, isu-suggest ko ‘yan kila Uncle,” tatawa-tawang sambit ni David, “Siya nga pala, lalabas kami nila Marco mamaya. Would you like to come? Siya ang nagsabing imbitahan kita. Pampalipas oras lang. But if you’re busy I can tell him—” “Sure, count me in.” Hindi niya na kailangan pang magdalawang isip kapag nag-aya ang kaniyang mga kaibigan. Naiinip din naman siya sa pagiging seryosong tao niya sa buhay. At alam niya kung ano ang pampalipas oras na sinasabi ni David. Hindi ito ang normal na gawain ng magkakaibigan upang gawing masaya at masigla ang libre at boring nilang oras. They knew something that can really make their nights fun and exciting. “So, saan?” “Sa bar nila Stephen ulit.” Pilyong tumawa si David. “Kaya minsan hindi na kita gustong ayain eh, alam ko namang papayag ka kaagad.” “Great.” Ipinatong niya sa isang babasaging ashtray ang stick ng sigarilyong hawak at saka sinimulang ayusin ang mga baraha na nasa ibabaw ng lamesa. “Next time, sumama ka sa ‘kin mag-traget shooting with dad. Para hindi naman sa babae mo lang ipinuputok ang armas mo.” “Fvck you, Bro.” Nagtawanan silang dalawa. “But seriously, maganda rin naman ‘yang sinabi mo. Bukod sa nakasama ko ulit si Uncle, naturuan ako ng isang big boss kung paano nga ba talaga humawak ng baril. Maybe next time I can come.” Hinahangaan ni David ang ama ni Allisandro sa lahat ng bagay. May edad na ito ngunit maganda pa rin ang pangangatawan. Nakatinding ang matipunong dibdib; ang lahat ay sasaludo sa kakaibang awra nito. Dati rin itong sundalo na may mataas na katungkulan, ngunit dahil sa tradisyon ng pamilya at paghahangad pa ng kapangyarihan ay nalihis ang landas nito. He became the big boss and a real billionaire. Ngunit wala namang pinagsisihan ang ginoo. “Great, hindi mo ‘yon pagsisisihan.” Tumunog ang telepono ni David. “I have to go, Lissandro, may kailangan lang akong i-meet today.” “Woman?” He chuckled. “I’ll tell you soon.” “Nah, no need. Alam ko na ‘yan. You’re dating an innocent girl again, fvcking playboy.” They both chuckled.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD