Chapter Six
-JAX-
Andito ngayon ako sa pad ko dahil masama ang pakiramdam ko dahil ilang araw na akong puyat para hanapin ang black ninja na tumulong saming magkapatid.
Ilang araw na ring hindi nagpapakita sakin si Marie. Dati rati kahit andito ako sa pad ko ay bigla na lang ito susulpot sa harap ng pinto ko at magdala ng kahit na anong pagkain, pero ngayon kahit anino nito ay hindi ko maramdaman.
Napapailing akong tumayo dahil parang binibiyak yung ulo ko dahil sa sobrang pagkahilo nito, parang akong uminom ng magdamag kagabi. Pero kahit anong klaseng alak ay hindi nasayadan ang lalamunan ko.
Nasabihan ko na rin naman si Migs, na ayusin muna nito ang mga trabaho ko sa opisina dahil kahit na kanang kamay ko ito ay ito rin ang personal secretary ko. Ayaw ko kasi kumuha ng babaeng secretary at nauuwi lang sa paglalandi sakin.
At isa pa madalas sa mga naging secretary ko ay nagiging kalaban kaya naman si Migs nalang ang gumagawa ng lahat para sakin.
Muli akong naupo sa isang upuan ko dito sa sala ng marinig kong tumunog ang doorbell ng pintuan ko, napangiti pa ako at inaasahan na si Marie ito ay may dalang pagkain tulad na lagi nitong ginagawa.
Mabilis kong binuksan ang pintuan kahit nakakaramdam pa ako ng matinding hilo. Pero si Migs ang nakita ko at may dala itong paperbag na halatang pagkain ang laman nito.
Lalo atang sumama ang pakiramdam ko dahil sa maling tao ang inaasahan kong makita.
“Master, it looks like you expect someone else to visit you today ah.?” Nakangisi nitong sabi habang inaayos ang pagkain sa center table ko.
“Don't go with my headache and I might forget who you are.” Naniningkit ang mata kong tinignan ito.
Napaayos naman ito ng tayo sa harapan ko at inabot ang ipad nito sakin para ipakita ang ilang trabaho ko na kahapon pa nito binabanggit.
“Just say what you need, I don't want to r******w because my head really hurts.” Nakapikit kong sagot dito at ang ulo ko ay nasandal sa upuan habang ang aking kanang kamay ay nakapatong sa aking mata.
“We have already found out who the black ninjas are, but for now we are still making sure everything. As good as they are at hiding, there is no record of whose group they belong to.” Malinaw nitong salita sakin at randam ko na ang pag-upo nito sa tapat kong upuan.
“When you are sure then give me the record. But for now, keep a close eye on the hospital, I'm sure the enemies will come back to kill Julo. You know they are traitors and I'm sure they will take advantage of it being in the hospital.” Salita ko dito sa ganon paring ayos.
Tumayo na ito at nagpaalam na ito pero iniwan nito ang ipad na dala nito kanina para mamaya ay mabasa ko ang mga ito. Halos ilang araw talagang masama ang katawan ko at walang ganang kumilos pa.
Palagi naman andito si Migs para tignan ang kalagayan ko o kung kaylangan ko ng magpadala sa hospital.
Lumipas pa ang halos tatlong araw ay naging mabuti na rin ang pakiramdam ko at nakapasok na akong aking opisina. At tulad ng inaasahan ay marami akong tambak na trabaho kaya nagsabi ako kay Migs na ayaw kong mapaistorbo dahil gusto kong matapos ang lahat ngayon dahil bukas ay lalabas na si Julo.
At gusto kong ako mismo ang maghahatid sa bahay nito. Nakatuon ang pagbabasa ko sa isang folder na kumatok si Migs sa aking pintuan.
Hindi ko na lang ito pinansin dahil alam kong meron lang itong dadalhin sakin na iba pang folder. Pero nagulat ako sa binigay nitong black folder at alam kong confidential ang laman nito. Tinignan ko muna ito bago buksan ang folder.
“That's what you're waiting for, inside that folder is the leader of the black ninja Master.” Kuno’t noo kong tinignan ang folder sa aking harapan.
Sa hindi ko malamang dahilan kinakabahan akong malaman kung sino ang mga ito at kung bakit nila kami tinutulungan. Nang laki ang aking mga mata ng makita kung sino ito. Kaya muli akong napatingin kay Migs na may pagtataka. Pero tumango lang ito bago muling nagsalita sa harapan ko.
“Yes, Master. Marie who always follows you and the black ninja in the picture are the same. And we also learned that she is the only daughter of Israel Del Carmen. What was thought to be dead, is still alive. She stayed abroad to study. But unbeknownst to his father, she formed a group with only four members. It has no intention of joining any organization, I also found out that they only help you. At first, I was still wondering why only you are always helped but I realized that the Marie you know looks a lot like the Marie in the black ninja picture. So, I came up with a way to prove my suspicions right here.” Mahabang paliwanag nito.
“How did you prove that the Marie I know and the Marie Del Carmen are the same?” Maautoridad kong tanong dito at hindi inaalis anng aking mata sa picture na hawak mo mula pa kaninia.
“This is Master, you can see the results of the DNA test that I did myself and I assured that there will be no problem.” Kasabay ng pagsasalita nito ay inabot sakin ang isang puting sobra mababasa sa labas nito ang hospital kung saan ito ginawa.
Unti-unti kong binuksan ang papel na puti at binasa ang nakasaulat dito at lalo akong naliwanagan sa mga nababasa at nakikita ko ngayon. Tama nga ang sinabi nito dahil ang resulta ay 99.99 % ibig sabihin iisang tao lang ang dalawa.
“No one will know this, not even my brothers, is it clear Migs. And one more thing, when Marie is with us, just act normal like before, she can't know that we already know something about her. It's up to me to find out everything, is that clear?” Sabi ko dito at itinabi ang mga dokumento nito sa isang secret box na nasa loob mismo ng isang kabinet ko sa ilalim ng aking mesa.
Tumango naman si Migs at mabilis na nilisan ang aking opisina. Naupo ako at napapaisip sa mga nangyayri hindi ko suka’t akalain na si Marie at ang black ninja na tumutulong samin ay iisa lang. Mahabang panahon na rin itong panay ang sunod sakin, hindi ko na nga maalala kung kaylan ito nagsimulang sumunod o sundan ako dahil sa palagi lang itong nasa tabi ko.
Naalala ko pa kahit na anong gawin kong pagtaboy dito, ay hindi ito umaalis at lagi lang itong nakangiti sakin kahit napapahiya ko na rin ito sa maraming tao. Akala ko ay titigil na rin ito ng kausapin ko si Megan na isa sa mga tauhan ko para magpanggap na girlfriend ko kapag anyan si Marie.
Pero ni hindi niya nakikita si Megan at wala siyang pakialam kahit na sino pang babae ang kasama ko, kaya sa huli ay hinayaan ko na lang din.
Dahil nitong mga huling araw na hindi ito nagpapakita sakin ay hinahanap ko naman ang presenya nito sa paligid ko. Pero ngayon mas lalo akong naguguluhan dahil sa mga nangyayari, hindi ko talaga maisip na Anak ito ng isang taong matinding kalaban ng aming pamilya.
At sa sobrang galing nito kumilos ay hindi ito nabubuking na sariling Ama. Kaya naman dapat kong malaman ang lahat dito at kung bakit niya kami tinutulungan, para lang kalabanin ang kanyang Ama.