UNINTENDED ENCOUNTER

1752 Words
Chapter Nine -Marie- “Mommy, mommy, mommy….” Tatlong matitinis na boses ang sumalubong sakin pagkapasok ko pa lang sa loob ng naming bahay. Maliit lang ito at simple ang naging pamumuhay naming dito sa isang isla sa palawan. Dito ako pumunta ng malaman kong nagbunga ang ginawa ko ng gabing yon. “My babie’s.” Masayang bati ko sa mga ito at humuhod para mayakap ko ang mga makukulit na ito. Tatlo ang naging bunga sa isang gabing pagnanais ko na makuha ang kanilang Ama. Pero nakakasama lang ng loob dahil sa kamukhang kamuha nito ang kanilang Ama. Mula sa hubog ng kanilang mukha, sa matang mapupungay isabay pa ang labing mapupula na hugis puso ay siguradong malalaman agad kung sino ang kanilang Ama. Kaya naman bihira ko lang sila ilabas dahil talagang takaw pansin kung ano man ang nakikita sa mga ito. Ang totoo habang pinagmamasdan ko ang mga ito ay bumabalik sakin ang mga nagawa ko noon. Pero never ako nakaramdam na kahit na konting pag-sisisi, dahil sa naranasan ko ang maging isang tunay na Ina at hindi isa lang kung di tatlo pa ang binigay sakin, kaya labis ang aking pagtatago dahil ngayon pa lang ay alam ko na sukdulan ang galit sakin ng kanilang Ama. “"Mommy, you know Mannix didn't finish the vegetables on her plate earlier. Then Maxwell didn't eat rice." Bibong sabi ni Mahde, napatingin naman ako sa dalawa na nakayuko at masama ang tingin sa kanilang kapatid na nagsumbong. “Children, didn't I say you should eat vegetables and rice because you need to be healthy. And so, you don't get sick." Pangaral ko sa mga ito. “Sorry po Mommy.” Sagot naman sakin ng dalawa kong anak. Hindi kasi talaga mahilig sa gulay si Mannix, pero paborito nito ang isda. Si Maxwell naman ay hindi mahilig kumain ng kanin pero malakas naman ito sa gulay at karne. Samantalang si Mahde ang pinakamatakaw sa kanilang tatlo hindi ito mapili tulad ng mga kapatid kaya madalas ito ang umuubos ng pagkain ng dalawa kapag ayaw ng mga ito kumain. Kahit na triples ang mga ito ay malaki ang pagkakaiba ng mga ito lalo sa pagkilos at ayos ng mga buhok nito kaya madali ko lang sila agad nakikilala. Si Maxwell ang panganay kong anak dahil siya ang unang lumabas. Tuwid at mahaba ang buhok nito at sa kanilang tatlo siya lang hindi pala kuwento, mas gusto nito ang nasa harap ng computer o anything na may kinalaman sa computer kaya naman kasundo ito ni Ninang Nicole niya sa tuwing mapupunta dito ang tatlo. Si Mahde naman ang pangalawang lumabas, ito naman ang pinakabibo sa lahat ng bagay. Ito rin ang nagmana sa mata ng kanilang Ama, kapareho naman nito ang buhok ko na medyo kulot. Pero hindi nito hilig ang computer mas gusto pa nito ang maglaro sa labas at makipagsuntukan minsan sa mga tauhan ko na palihim na nakabantay sa aking mga anak. Mapapasin din dito ang bilis at liksi sa tuwing makikipaglaban kahit na malaki pa ang nagiging kalaban nito. At ang huli ay si Mannix ang bunso ko, tahimik ito tulad ni Maxwell pero kung minsan ay nakikitaan ko ito ng ugali kong malakas makiramdam lalo na sa dilim. Napapaisip din ako sa batang ito dahil sa edad na tatlong taon ay kaya na nitong humawak ng patalim na hindi ito nasusugatan. Manipis lang buhok nito at may hati sa gitna ayaw din nitong magpagupit dahil gusto nito ang mahabang buhok at hanggang balikat na ang buhok nito. Habang lumaki ang tatlo nakikitaan na talaga nito ng mga dugo ng pagiging Mafia na nagmula sa aming ng kanilang Ama. Hating gabi na pero hindi pa rin ako makatulog dahil sa iniisip ko ang mga maaaring mangyari kung sakaling matagpuan kami ng Ama ng aking mga anak. Ang totoo na tatakot akong magkita kmi dahil siguradong gaganti lang ito sakin at baka kunin pa nito ang mga anako. Yun ang bagay na ayokong mangyari ang mawala ang mga anak ko sakin. Kinabukasan ay dumating ang tatlo kong tauhan, nagulat pa nga ako dahil andito sila eh hindi ko naman sila pinatawag. Nasa kusina ako at naghahada ng tanghalian ng dumating ng dumating ang ito. At tulad ng dati may dala itong mga pasalubong para sa kanilang mga inaanak. Tama kinuha kong mga ninang ang mga ito dahil wala na rin ako magagawa silang tatlo lang din kasi kasama ko nung panahon na sobra akong nahirapan sa aking pagbubuntis ikaw ba naman magdala ng tatlong itlog sa tiyan mo tignan ko kung hindi ka mahirapan. Nakasilip ako mula sa kusina at nakikita ko kung paano bigyan ng tatlo kong tauhan ng mga kanya kanyang regalo ang tatlo kong mga anak na kasalukuyang mga nanonood ng tv sa sala. Si Maxwell ay isang ipad ang inabot ni Nicole at alam kong may hide camera at mga bagong apps para mas lalo pa nitong galingan sa pagiging hacker. At si Mahde naman ay isang libro ang inabot ni Mich, pero hindi ito basta libro kasi mababasa dito ang ibat’-ibang klaseng pakikipaglaban lalo na madidilim na lugar. At s’ympre hindi papatalo si Gemma nakita kong inabot nito kay Mannix ang isang matalim na ikinalaki ng mata ng aking anak. "Wow, ninang Gemma, this is beautiful, I'm sure it will make me feel better." Narinig kong salita ng anak kong si Mannix nang mahawakan nito ang isang patalim. Kung titignan ay simple lang itong patalim pero ang dulo nito ay may lason na agad na ikakamamatay kanino man ito maihiwan. Lumabas na ako mula kusina at tinignan ng masama ang tatlong tauhan ko. Napaayos naman ng upo ang mga ito pero ang anak ko ay masayang ginagamit na ang bigay ng kanilang mga ninang. “Siguraduhin ninyong may magandang idudulot yang mga pinibigay ninyo sa tatlong itlog na yan. Dahil kung hindi, kayong tatlo ang makakatikim sakin oras na mapahamak ang mga anak ko naiintindihan n’yo ba?” Matigas kong sab isa mga ito. “Boss Mother, relax binibigay lang naming ang mga hilig ng mga anak mo, saka dugo mo yang mga yan tiyak alam nila ang ginagawa nila noh.” Mataray na sambit sakin Mich. “Kaya nga umayos kayo.” Sagot ko sa mga ito at tinawag na rin ang tatlong itlog para kumain na. Pagkatapos kumain ay pinatulog ko na ang mga ito sa kanilang kuwarto dahil sanay matulog ang mga ito ng tanghali para narin hindi nila maririnig ano man ay pag-uusapan naming apat. “Bakit kayo nagpunta dito, wala akong utos na magpakita kayo sakin ha?” Seryosong tanong ko sa tatlo. “Boss Mother, hindi ba naming pwdeng puntahan ang mga inaanak namin ng walang pahintulot mo? Saka Boss Mother namimis talaga naming sila kaya kami nagpunta.” Sagot ni Gemma sakin “Alam kong may iba kayong dahilan kaya kayo andito, kaya mabuti pa magsabi na kayo ung ayaw ninyong tumakbo na hinahabol ng bala.” Sagot ko sa mga ito. “Sige na nga mukhang alam mo na rin naman sige magsasalita na kami. Sigurado kabang ibibigay mo ang lahat ng mana mo sa pinsan mong si Alex hindi ba dapat ay pag-isipan mo muna ang lahat ng bagay. Aba sayang ang mana mo hindi biro ang billions na mapupunta lang sa kanila ha.” Tanong sakin ni Nicole. “Hindi mahalaga sakin ang perang galing sa masama, alam ninyong noon pa man ay alam na rin ng lahat kung saan galing ang perang meron ang pamilya ko. Saka kahit na hindi ko iyon kunin mabubuhay kami ng mga anak ko sa malinis na paraan.” Matigas ko paring sagot sa mga ito. “Eh, hanggang kaylan mo itatago ang lahat, lalo na sa mga De Lana?” Seryosong tanong sakin ni Mich. “Hanggang hindi niya nalalaman, at kung sakaling malaman niya ang totoo ako na ang bahalang magpaliwanag kung bakit ko nagawa ang bagay na yon.” Sagot ko dito, pero ang totoo ay hindi ko pa alam ang gagawin sakaling matagpuan kami nito. Napaglipas lang ang mga ito ng magdamang at umalis na rin kinabukasan, marami akong inuutos dito na dapat gawin, saka hindi silang pwdeng mag stay ng matagal dito dahil sa kung ano-ano ang tinuturo ng mga ito sa anak ko. Kasalukuyan kaming nasa mall para bumili ng mga bagong damit dahil mabilis ang paglaki ng mga ito, mag gogrocery na rin ako dahil paubos na ang mga stock namin sa bahay. Papaliko na kami sa isang departments store ng makabungo ko ang isang ginang na medjo may edad na rin. “Sorry po Ma’am, pasensiya na po talaga hindi ko po sinadyang na mabunggo ko po kayo Ma’am.” Hinging paumanhin dito. "I'm fine miss, you weren't hurt earlier?" Mahinhin naman nitong tanong sakin. “Hindi naman po, ayos lang din po kami ng mga anak ko.” Pagsasalita ko at ngayon ay nakatingin na ito sa mga anak kong nasa aking tabi lang at nakatingin din pala sa Ginang ang tatlo. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ng Ginang at nagkaroon ako ng kutom kung sino ang nakabungo naming kanina. Mabilis ako nagpaalam sa mga ito pero hindi ko hinalatang nakilala ko ito. “Ah, miss, are you still the mother of these triplets?" I apologize for my question because they look like someone I know." Sabi nito sa magalang na boses. Hindi ko magawang sumagot dahil tiyak na uusisain pa ako nito pero hindi ko ugaling mangbastos lalo na kung magalang ang aking kaharap. Napabuntong hininga ako bago muling kausapin ito. “Yes, po Ma’am, pero may Ama po ang mga anak ko. Hindi lang po naming siya kasama dahil sa ibang bansa po siya nagtatrabaho. Mauna na po kami Ma’am ingat po kayo.” Pagkasabi ko ay mabilis kung hinila ang tatlo para umuwi na lang muna. Sasusunod ako na lang mag-isa ang bibili ng mga kaylangan naming, kaya nga ba ayaw kong ilalabas ang mga anak ko dahil sa mga taong nakakapansin sa mga ito. Nang makasakay kami sa kotse ay tinignan ko ang tatlo pero parang wala naman sa kanila ang mga nangyari kanina sa pagitan namin ng Ginang o mas kilala sa tawag Mrs. Ariya De Lana. Tama siya ang stopmother ni Jax ang Ama ng mga anak ko. “Hindi pa ngayon, hindi n’yo pwdeng makilala ang mga anak ko. Hindi pa” Sambit ko sa aking sarili at binuhay ang makina ng kotse para makauwi na rin kami, nakakapagod ang araw na to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD