Kabanata 2

940 Words
Mabango ang sasakyan, malinis at mukhang mamahalin. Bukas ang ibabaw ng kotse kaya't miminsan ay natatamaan ako ng liwanag ng araw. Pinagtinginan kami kanina sa hallway siguradong pinagtaka nila kung bakit may kasama akong puti'ng kapre. Hanggang kili-kili niya lang ako kanina habang naglalakad kami. Hindi ko na rin nakayanan ang mga titig ng mga estudyante sa court kaya nagyaya na ako kay James na lumabas ng campus para mag-usap. At saka nandoon ang baby loves ko na si Birth. Baka maisip niyang nangangaliwa na ako. "Sa-ēn moe gustow?"medyo may pagka slang ang tagalog ni James. Pa-trying hard mag-tagalog. "Kahit saan." "Mall or Starbucks?" "Kahit saan ikaw bahala." "Mang inasel,"suggest niya ulit. "Ikaw na bahala." "Gotow or tap she log?" Binigyan ko siya ng blangkong tingin. Ilang beses ba siyang pinanganak? Tumahimik na siya pagkatapos pero natawa pa muna sa naging reaksyon ko. Ano kaya ang plano niya? Anong sadya niya sa'kin? "I learn a lot about Filipino foods. And I love to eat 'remember me'." Binigyan niya ako ng tubig kanina at nailuwa ko iyon ngayon habang umiinom ako. Banggitin ba naman ang remember me. "Why? Are you okay?" "Remember me?"ulit ko. "Y-Yeah, why?"may pagtataka sa mukha niya. "As in iyong bvrat ng baka?" "Bowrat?"nagtataka pa rin siya. "Cow penis." Namilog ang mata niya. Ilang saglit ay napalunok. "That silly,"bubulong-bulong niya. "I saw a beautiful Filipina on the Kerenderie–" "Karenderya,"pagtatama ko. "Yeah,right, Karenderie. And then I saw this beautiful Filipina like you. She suggests that It's better to try this dish that she called 'remember me'." Ngumuso ako. Ang daming kainan diyan bakit sa karenderya pa? Minsan talaga itong ibang kano masiyadong curious. Lahat ng bago sa kanila susubukan nila. Tapos kinuwento niya rin sa'kin iyong tungkol sa pera niya na sinuklian daw siya ng candy. "Business minded,"sabi ko. "But they're still poor even though she's business minded." Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. Akala ko pa man din maipagmamayabang ko iyon sa kaniya. Wala nga palang yumaman sa pagsusukli ng candy. Dumating kami sa isang kainan. Iyong binanggit niyang mang inasal. Gusto niya raw dito kasi: "I'm excited to eat using my hands. Megkekemay akow." Sa dami ng napag-usapan namin nakalimutan ko nang itanong ang tungkol sa paghahanap niya sa'kin. Napag-usapan na lang namin iyon no'ng ilibre niya na ako ng ice cream sa mall. "Yeah, he's asking if you're pregnant already."Sabay subo ng kulay tae niyang ice cream. Bumili siya kahit pangit ang lasa kasi maganda ang nagtitinda. "Of course–" Nanlaki ang mata niya nang balingan ako. "So, you are?" "Not,"dugtong ko sa 'of course' ko. Bumagsak ang balikat niya. Bakit mukha siyang binagsakan ng langit ang lupa diyan? "Akalah niya tsalaga pregnant ka nah,"bumuntong hininga siya. "He badly need your help. Can you please help him?" Nagsalubong ang kilay ko no'ng una dahil hindi pa masiyadong nag-sink in ang sinasabi niya sa utak ko. "Paano ako makakatulong kung hindi ko maintindihan kung ano ang problema niyo?" Bumuntong hininga siya at bumaling sa tindera ng ice cream na nagpa-cute sa kaniya kanina pa. Kumindat muna siya sa babae bago nagsalita. "It's all about," At ito ang kwento niya, ikakasal si Richard, na hindi naman pala totoong Richard. I mean, hindi totoong Richard ang name niya. Ang totoo ay Stevon Lure Herbert ang full name niya. Iniluwal ng mga mabubuting magulang sa Los Angeles at lumaking malibog sa England na hindi uso ang sun bathing dahil madalas ang snow. Ginagamit niya lang ang pangalan na Richard Brown dahil kilala sa kanila ang surname na Herbert at baka maging headline siya doon pag nagkataong malaman ng mga media ang karakas niya dito sa Pinas. Ikakasal nga siya, just like I said. At ayaw niyang magpakasal dahil ayaw matali ng maaga 'raw' iyon ang sabi ni James. Maaga, hindi na siya mukhang teenager na dapat pa na matakot sa kasal pero mukha siyang aso na bahag ang buntot. Marami pala siyang pera pero takot sa responsibilidad. Ako nga, e. Balang araw pag nakahanap ako ng magsasakang kaya akong mahalin at buhayin kasama ang anak namin, e, gora na ako. And ito, need niya ng magpapanggap niyang asawa–hindi girlfriend, kundi asawa. Mas gusto akong makasama no'ng Stevon na 'yon kaysa doon sa nirereto sa kaniyang anak ng kumpare ng papa niya. Pangit siguro, matabang balyena, mukhang tsunggo. Hindi na ikakaila, iyon ngang si James, e. Kung sinu-sinong magagandang chicks ang binibigyan ng calling card. Pagtapos sasabihing: "Call me later." Napabuntong hininga ako at umayos ng upo. Kahit hindi ako buntis nag-offer pa rin si James ng pera para pumayag ako. Mas malaki na ngayon kumpara noong makuha nila ang v-card ko. Ang mahirap dito ay 1000,0000 na. Ang hirap talaga tanggihan nito. Pero hindi naman ako magiging parausan ngayon, magiging wife na ako. Kaya lang role play lang. Lang? Ano naman? Bakit may lang? Hanep! Gusto talagang maging totoong wife. Lol. "Mukha siyang baliw, naka-drugs kaya 'yan?"Bumubulong-bulong ang mga tsismosang musang sa paligid. Ini-imagine ko na kapag ako ang totoong mapapangasawa ng mayamang si Stevon Herbert, iiyak ako ng tudo sa lamay niya pagkatapos hihigaan ko ang pera after two months, tapos naka de kwatro akong uupo sa may balcony ng malaki kong condo after one year. At nakikita ko na ang sarili kong nililibot ang buong mundo sakay ng private plane. "Pustahan tayo pag ngumiti 'yan naka-drugs 'yan." Napangiti ako. Ang sarap sa pakiramdan no'n at dadalhin ko na ang epelyidong Herbert. Annessa Herbert. Ay! Tayka hindi nga pala pwede kasi magagalit ang Baby Loves and nag-iisang Birth Control ko. Ang hirap naman mag-decide. "Sabi na sa'yo, e." "Hala, naka-drugs pala talaga siya." Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD