Kabanata 59 Nakatulog si Jillian sa mga bisig niya at dahan-dahan niyang nilapat sa kama. Saka pa lang niya naramdaman ang pangangawit sa kanyang mga braso. Nagtungo muna siya sa banyo at naligo dahil naghabol-habolan pa sila kanina sa park at maging dito sa hardin. Pagkatapos ay lumabas muna siya ng kuwarto habang nagsusuklay. Mabuti nga at wala ang mga magulang ni Greg naroon daw sa Manila. Si Greg naman ay umalis kanina pagkahatid lang sa kanya ni Emman. Oo nga pala, si Emman hindi na siya nakatawag. Sobrang nabusy siya kanina sa anak niya. Tatalikod na sana si Gessa upang bumalik sa loob para kunin ang phone nang may humintong sasakyan sa tapat ng mansyon. Binuksan iyon ni Mang Marlon ang nakaduty sa panggabi. Sa pag-aakalang ang mga magulang ni Greg na ayon sa kasambahay ay