DAMN! Napahilot sa sentido si Emman nang magising siya dito sa papag. Pagyuko niya ay may kumot pa siya sa katawan at mayroon rin unan. Pagtingin niya sa paa ay mas lalo siyang napamura nang may medyas siyang kulay pink. “Good morning, boss?” Napalingon siya sa gilid at naroon ang limang taohan niya at ang mga ito ay napatingin sa medyas niyang pink. Hindi napigilan ng mga retired army ang tumawa bagama’t walang boses dahil pinipigilan ng mga ito ang sarile. Pero tumawa ang isang lalaki dahilan para matawa na rin ang lahat. “What’s funny?” baritenong boses ni Emman kaya nawala ang tawanan ng mga ito. “Gising na ho pala kayo, Mayor. Pinagtimpla kita ng kape at nilagang saging, mag-almusal na ho kayo.” Mula sa pinto ay lumabas roon ang dalagang si Marj. Dala ang tasa ng kape at sa