Adeline’s POV NAGSALO-SALO kami sa hapag-kainan at subrang saya naming tatlo, ngayon ko lang ulit nakitang tumawa si daddy sa akin. Noong huli kong natatandaan ay sampung taong gulang ako. Marami-rami ang nakain ko, ganoon rin si Wilson kaya pagkatapos namin kumain ay inaya niya ako dito sa isa sa mga cottage habang si daddy ay nagpapahinga na kasama ang private nurse nito. Sakay sa maliit na bangka ay nakarating kami sa pang-apat na cottage at medyo distansya sa ibang cottage na naroon pa. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpunta rito sa gabi dahil nga walang ilaw pero dahil maliwanag naman ang buwan ay kitang-kita namin ang bawat sulok. “Kahit na nakakatakot ay napakaganda naman dito, Wilson.” Saad ko nang makarating kami. Nauna siyang sumampa at inalalayan akong makasampa na rin.