Wilson Montenegro’s POV MAYA’T MAYA akong nakatingin sa relo ko, hapon na kailangan ko nang makauwi agad dahil hahanapin ako ni Adeline. “Can you drive faster?” Saad ko sa driver ng bus. Nakatayo lang ako sa gitna dahil puno ng mga pasahero. Napatingin sila lahat sa akin, ngumiti lang ako sa kanila at ang ibang kababaehan ay napapasinghap. Pero agad kong binawi ang aking ngiti dahil kapag nakikita ako ni Adeline sa mga oras na ito ay magagalit siya, selosa pa naman ang mahal ko. “Saan ka po bababa, sir?” tanong sa akin ng driver at nagpalinga-linga ako. “Dito na lang ako, boss,” sagot ko at agad kong binigay ang bayad sa conductor. “Keep the change.” Sabi ko at subra-subra ang pasalamat niya sa akin. Malaki na rin ang 1 thousand pesos at lagpas one hundred lang naman ang pama