“Anong nangyari sa interview mo?” tanong sa kan'ya ni Evo pagpasok na pagpasok niya sa loob ng sasakyan nito.
Sinabi niya kasing sunduin na lang siya nito pero huwag itong paparada mismo sa tapat ng Vnet Building.
Baka kasi may makakita sa kanya na sumakay siya sa isang magarang sasakyan.
Umismid siya. “You know what? Kasalanan mo ‘to, e!” Nilamukos niya ang hawak-hawak niyang resume at ibinato niya iyon sa pagmumukha nito.
Natawa naman ito nang malakas.
Tuwang-tuwa talaga ang lalaking 'to kapag may nangyayaring hindi maganda sa buhay niya.
“At ano naman ang naging kasalanan ko?" painosente nitong tanong. "Ang galing mo nga, e! Ang taas ng credentials mo tapos hindi biro ‘yong mga talent mo!” sabi nito na halos malagutan nang hininga dahil sa kakatawa.
“W-what do you mean?” kinakabahan niyang tanong.
Wala sa sariling dinampot niya ulit ang resume niya kuno na ibinato niya sa pagmumukha nito kanina.
Ano ba'ng pinaglalagay ng lalaking ‘to? Sobrang saya ng hayop na 'to kaya parang kinabahan siya ng kaunti.
'Yong hitsura ng resume niya ngayon puwede nang gawing pamunas sa puwet ni Evo.
Pero kahit lukot-lukot na ito mababasa pa rin naman niya kung anong mga kalokohan ang nilagay ng magaling niyang kaibigan.
Yna A. Dimaloko ang pangalan na nakalagay sa resume niya.
Astig!
Hindi talaga siya magpapaloko kaya para sa kan'ya ayos ang pangalan na nilagay ni Evo sa resume niya.
Medyo may laman din pala ang utak nito.
Akala niya kasi utak nito kasing laki lang ng monggo.
Pinasadahan niya ng tingin ang mga nakasulat sa resume niyang gawa-gawa lang naman ni Evo dahil wala ni isa man doon ang totoo.
Pero naningkit ang mata niya dahil may nakalagay na talent sa pangalawang page nito.
Kaya niya raw sumayaw habang naglilinis.
Hanep!
Marunong daw siyang kumanta lalo na raw sa gabi kaya siguradong hindi siya makakatulog habang naglilinis.
Sa gabi? So, kapag araw hindi siya marunong? So, panggabi ang talent niya? Pang night shift, gano'n ba?
Ayos, ah! Galing talaga ng kaibigan niya! Parang gusto niya tuloy itong yakapin ng mahigpit para hindi na ito makahinga.
Kaya niya raw magtrabaho habang kumakain.
Ano siya super hero? Habang kumakain nagwawalis o 'di kaya'y nagma-mop?
Sipag niya naman! Baka unang araw pa lang ng duty niya mautas na siya!
Napakasuwerte raw ng magiging amo niya dahil para na rin daw itong nasa langit dahil sa mga talent niyang taglay at sa galing ng performance niya sa paglilinis.
Oh, e. 'di wow! Talented pala siya? E, bakit hindi niya alam?
'Yong mga pinaglalagay ni Evo parang iba ang dating no'n sa kanya.
Parang tunog manyakis.
Tang*na talaga nito! Napakahayop!
Lahat na yata ng mga masasamang salita nasabi na niya kay Evo!
Wala siyang kaalam-alam na binebenta na pala siya ng mokong na 'to!
“Anong kabaliwan ‘to, Evo? Saan ka nakakita ng resume na may naka-indicate na talent ng aplikante?" sita niya habang nilalamukos na nang tuluyan ang ginawa nitong resume dahil balak niyang ipasok 'yon sa bibig nito. "Buwisit ka talaga!”
Kagat-kagat pa nito ang sariling labi. Akala siguro nito nakakaakit ang ginagawa nito!
“Nakakainis ka! Tapos ‘yong work experience ko ginalingan mo masyado! Dapat ‘yong basic na walis-walis lang. Dapat ‘yong nilagay mo nagbantay lang ako ng bakanteng lote ng ilang taon!” naiinis niyang wika kay Evo.
Kaunti na lang mapupunit na ang bibig nito sa kakangiti.
Kung ano ang nararamdaman niya ngayon kabaligtaran naman ito. Kulang na lang pati gilagid nito makita na niya, e!
Ang saya nito, grabe!
“At ano'ng ilalagay ko sa credentials mo?” natatawang tanong nito.
“Na walang nakakapasok na langaw at lamok pati na langgam dahil magaling akong magbantay!” pilosopo niyang sagot.
Walang utak talaga ang gunggong na 'to! Hindi niya alam kung bakit naging kaibigan niya 'tong hayop na 'to!
Humagalpak ito nang tawa. Medyo naluluha-luha pa nga, e. Tuwang-tuwa ito sa sarili nitong kagagawan.
Eh, siya naman si gaga hindi na niya binasa pa ang dala-dala niyang kapirasong papel na magdudulot pala sa kanya ng kahihiyan.
Kasi nga palagay ang loob niya dahil nga bestfriend niya ang gumawa.
Oh, 'di ba? Kaya pala kakaiba ang tingin sa kan'ya ni Villaflor kanina.
Mabuti na lang at hindi siya pinakanta at pinasayaw nito.
Three years of experience as a Janitress ang nilagay nito tapos expert pa daw siya.
Kahit naman sino iisipin na gamay na niya ang trabaho.
Three years ba naman, e!
Baka mamaya akala ng mga ito mala-spider siya na kayang lumambitin sa gusali para lang maglinis.
Kung sa misyon puwede pa. Pero kung sa paglilinis? ‘Wag na, uy! Salamat na lang sa lahat.
“Do you think, Villaflor, will hire you?” anito habang natatawa pa rin. Kagat-kagat nito ang itaas na labi kaya nagmukha itong abnormal sa harapan niya.
Medyo mabagal naman ang patakbo nito kaya kahit sipain niya siguro ito nang malakas mabubuhay pa rin naman sila.
Medyo sasaktan niya lang ng bahagya.
'Yong iba ang kagat-kagat ay ang ibabang labi, 'di ba? Si Evo, hindi.
Sa taas ang kagat-kagat nito kaya tuloy nagmukha itong asong ulol sa tabi niya.
Kulang na lang maglaway-laway ito then he's perfect for the role!
"Malamang! Lahat dumadaan sa first time, Evo, ha! Naiintindihan mo, ha? You can easily write on that f*cking piece of paper na first-time ko lang, ha? Na maaasahan ako dahil masipag akong tao. Willing to learn and approachable ako. Galing mo, ha! Mas matalino pa 'yong ipis sa 'yo," litanya niya sa kaibigan niyang baliw.
'Yong tono ng pananalita niya ginaya niya pa ang idol niyang si babalu na puro may "Ha".
“Ikaw kaya pakantahin ko habang sumasayaw! Ano kaya mo, ha?” hamon niya rito. Alam niyang wala naman itong talent. "Baka mamaya isipin pa no'n patay-gutom ako! Na baka puro pagkain lang ang inaasikaso ko at hindi trabaho!"
“My dear, I can dance all day. I can sing too,” saad nito na akala mo talaga totoo.
“Huwag ako! Maloloko mo ‘yong ibang tao pero hindi ako!" pahayag niya. "Libre mo na lang ako ng pagkain dahil gutom na gutom na ako! Pakiramdam ko ang pangit ko na,” request niya kay Evo na ngayon ay medyo kalmado na siya.
Basta usapang pagkain kumakalma talaga ang sistema niya.
Kakain siya ng marami. Uubusin niyang order-in ang lahat ng nakalagay sa menu.
Gano'n din naman sinira na nito ang imahe niya kaya itutuloy-tuloy na niya.
Puro pala pagkain, huh!
Tumango-tango naman ito. “Look at yourself, Queen. Daig mo pa ‘yong ginahasa ng sampung lalaki!” puna nito sa kanya habang nagpipigil na mapangiti.
Nag-walling kasi siya kanina dahil sa sobrang panlulumo.
“Alam mo kung bakit?”
Umiling ito.
“Dahil binaboy mo ako!” asik niya rito.
Natawa na naman ito nang malakas.
Sarap busalan ng bibig!
“I didn’t do anything, Queen,” depensa nito sa sarili na akala mo inosenteng-inosente.
Galing umarte!
Ngumiti siya ng nakakaloko. “Don't you worry my friend sa susunod na araw ikaw naman ang bababuyin ko!” nakangisi niyang pahayag.
Mag-iisip siya ng paraan kung paano niya yuyurakan, bababuyin, aasuhin, kakalabawin, kakambingin at kung ano-ano pa ang pagkatao ng bestfriend niya.
Napangisi niya ng lihim.
Pag-iisipan niyang mabuti kung anong klaseng paghihiganti ang gagawin nang isang api.
Hindi pa man naisasagawa ang plano pumapalakpak na ang dalawa niyang tainga sa tuwa.
Ang nahanap daw ni Evo na pansamantala n'yang tutuluyan ay medyo malapit lang sa kompanya kung saan siya magtatrabaho.
Naalala niya na naman ang mga out of the world na tanong ni Villaflor kanina.
Masama ang kutob niya dahil mukhang may binabalak sa kanya si Villaflor.
Mukhang hindi lang janitress ang magiging trabaho niya sa kompanya nito.
Napatingin siya kay Evo ng tumunog ang cellphone nito. Nang makita ang caller kaagad naman nitong sinagot iyon. “Yes, Sir! She’s with me! Copy. We are on our way to your mansion, Tito. Five minutes nand’yan na po kami. Okay, bye.”
Alam niyang ang daddy niya ang kausap nito.
Imbes na magpapalibre siya kay Evo napurnada pa!
“Evo, kain muna tayo. Libre mo muna ako,” parang batang ungot niya rito.
“Later, Queen. Your dad is expecting us in five minutes,” anito na ngayon ay seryoso na ang tinig.
“Bakit daw?”
“He didn’t tell me,” tipid nitong sagot.
“Emergency ba?”
“Yes!”
“Is he okay?”
“Maybe.”
Dahil sa mga sagot nito ay hinatak niya ang braso ni Evo para magkapalit sila ng puwesto.
Siya na ngayon ang may kontrol sa manibela at ito na ang nakaupo sa passenger seat.
“What the hell! What are you doing?” Sa bilis ng pagpapatakbo niya halos hindi na niya makita ang nadadaanan nila dahil para silang sumali sa karera.
“Driving,” balewala niyang tugon kay Evo.
“Mahuhuli tayo sa ginagawa mo dahil over speeding ka!” angil nito. Wala siyang pakialam basta makarating kaagad siya sa kinaroroonan ng daddy niya.
“Huwag ka ngang maingay, Evo! Ngayon ka pa natakot? Kayang-kaya mong gawan ng paraan 'yan!”
“Bakit ka ba nagmamadali?” Nagtanong pa talaga ang ito!
“I want to see my dad, Evo. Siya na lang ang mayroon ako! I swear, kahit patay na sila papatayin ko pa ulit sila kapag may ginawa sila sa daddy ko!”
“Ano ba’ng pinagsasasabi mo?” Tinapunan niya ito ng tingin.
Ano ba naman ‘tong kausap niya! Ang dami-daming tanong!
Pagdating nila sa kanilang mansiyon pinatay niya kaagad ang makina ng sasakyan ni Evo at nagtatakbo na siya papasok habang tinatawag ang pangalan ng ama.
“Dad! Daddy!” Lalo siyang kinabahan ng wala siyang narinig na sagot mula sa ama.
Nagtataka siya kung bakit nakasarado lahat ng bintana at pintuan samantalang gusto ng ama na hayaan lang daw ang mga iyon na nakabukas.
“Sh*t! Huwag ang daddy ko!” sambit niya sa sarili. "Huwag ang daddy ko!" paulit-ulit niyang sambit habang maingat na naglalakad para hindi makagawa ng anumang ingay.
Kapag may nangyaring masama sa daddy niya kahit sa impyerno pa ang ang gumawa ng masama rito susundan niya ang mga ito at papatayin niya ng paulit-ulit.
Dinukot niya ang sariling baril na nakatago sa mini skirt na suot niya at dahan-dahan niyang itinulak ang pintuan.
Sanay na siya sa dilim kaya kahit patay ang mga ilaw makikita niya pa rin ang mga kalaban.
“What are you doing?” usisa ni Evo! Para itong aso na sunod nang sunod sa kanya.
Kampanteng-kampante pa ito!
“Manahimik ka nga!” pabulong niyang saad pero may diin.
“But, why?” Hindi niya ito pinansin.
Pagbukas niya ng pintuan doon naman bumaha ang liwanag sa loob ng kanilang mansiyon.
Lahat ng taong naroon ay nakanganga at nakataas pa ang mga kamay.
Dahil sa inis niya binaril niya ang isang lobo na nakadikit pa sa dingding na may nakalagay na 'Happy birthday' dahilan para tumalon ang mga ito nang sabay-sabay.
Jumping rope lang ang peg?
Imbes na matawa ay nangibabaw ang inis niya.
“Happy birthday!” sabay-sabay pang bigkas ng mga ito na parang walang nangyari.
Kumakanta pa ang mga ito nang sabay-sabay.
"Happy birthday to you!" Ang aso naman nila ay tumatalon-talon sa tuwa.
Tiningnan siya ng daddy niya. "Anak, clap your hands," utos nito kaya napilitan siyang pumalakpak habang nakairap.
Nasisiraan na yata talaga ng ulo ang mga taong nakapaligid sa kanya.
May mga suot pa itong birthday hat.
Kanina muntikan na niyang kalabitin ang gatilyo ng hawak niyang baril!
"Anong kalokohan 'to, Dad?! Nagmamadali pa ako dahil akala ko emergency!" himutok niya. "'Yon pala...Ah! Never mind!"
Ipinangako niya kasi sa sarili niya na mamamatay muna s'ya bago nila mapatay ang ama niya.
Kahit nasaan man ito kung kinakailangan niyang liparin ang kinaroroonan nito ay gagawin niya.
Pero mukhang siya ang mauunang mamatay dahil sa kunsumisyon.
Nakalimutan n'yang magaling nga pala ang ama. At hindi ito matatalo ng basta-basta ng kung sino-sino lang.
"Nakalimutan mo na ba kung sino ang may birthday ngayon?"
Piniga niya ang utak niya at pilit na inaalala kung sino nga ba ang may kaarawan ngayon pero wala talaga siyang matandaan.
“Huwag n'yo kong lokohin, Dad. Wala pa ‘kong amnesia kaya alam kong hindi ko birthday ngayon at walang may birthday ngayon. Ano'ng mayroon, Dad?”
Nakita niya ang ama na malapad ang pagkakangiti kagaya ni Evo.
Sa gilid naman ng daddy niya ay nakatayo ang lahat ng mga kasama nila sa bahay.
Doon lang siya nakahinga ng maluwag dahil safe ang mga ito.
Kaya pasalampak siyang umupo sa sofa.
Ang daming alam ng mga taong nakapaligid sa kanya.
“Ano’ng mayroon, Dad?” ulit niyang tanong.
“Birthday celebration nga!”
“Sino nga ang may birthday?” tanong niya ulit habang nakakunot na ang noo niya. Medyo nauubusan na rin siya ng pasensiya.
Alam na alam niya kung kailan ang birthday ng mga taong nakatira sa mansiyon nila.
Puwera na lang kung may kabit ito at kaarawan nito ngayon.
“Si Tricia!” sagot ng ama.
Binalingan niya si Evo. “Why didn’t you tell me! Pinakaba mo pa ‘ko, Evo!” iretable niyang wika sa kaibigan.
Isang maluwang na ngiti naman ang isinukli nito sa kanya habang sumisipol-sipol pa.
"You should be greeted Tricia with a happy birthday, Anak," sabad ng ama.
Akala mo naman ikakamatay ni Tricia kapag hindi niya binati ng happy birthday.
Ang Tricia na tinutukoy ng daddy niya ay alaga niyang aso na ibinigay nito bilang regalo sa kanya noong nakaraang taon.
'Yong aso niyang karga-karga na nito ngayon.
Hindi niya rin ininda ‘yong mga maliliit na batong naapakan niya kanina dahil mas nanaig ang pag-aalala niya.
Grabe pa naman ang kaba niya kanina dahil akala niya kung ano nang nangyari sa daddy niya 'yon naman pala nagsasaya ang mga ito.
Tumakbo pa siya nang pagkabilis-bilis habang naka-paa dahil tinanggal niya ang sapatos niya kanina sa sasakyan ni Evo.
Tiningnan niya ng masama si Evo. Handa na sana siyang bulyawan ito kaya lang inunahan na siya nito.
"Tinanong kita kanina, 'di ba? Nagulat na lang ako sa'yo ng bigla kang magtatakbo! And you don't even give me a chance to talk," katuwiran nito.
Tumingin pa ito sa ama niya na parang ang mga ito lang ang nagkakaunawaan.
"You know what, Tito? She ran away at world record speed!" sabay tawa pa nang malakas at gano'n din ang kanyang ama.
Siya lang yata ang wala sa mood tumawa.
Sinamaan niya ito nang tingin. "It's your fault! You didn't tell me! Sana sinabi mo na okay lang si Dad! Pabitin ka pang hayop ka, e!" bulyaw niya rito. Sino ba naman kasi ang hindi mag-aalala? Ang tipid ng mga sagot nito sa kanya kanina.
Binalingan niya ang ama na ngayon ay abot-langit din ang ngiti. "At ikaw naman, Dad. Bakit hindi mo sinabi kay Evo na birthday lang pala ni Tricia? Pinaharurot ko pa 'yong sasakyan dahil akala ko may nangyari nang masama! Hays! Sumasakit ang ulo ko sa inyo ni Evo!" naiinis niyang pahayag sa mga ito.
"I was about to tell you, but, you said 'Shut up, Evo!' kaya ano'ng magagawa ko? Itinikom ko na lang 'tong maganda kong bibig," katuwiran ulit ni Evo.
"Hindi ko naman sinabing magmadali kayo! Nagulat na lang ako may hawak kang baril, Anak!" sabi naman ng ama niya pagkatapos ay nagtawanan pa ang mga taong nasa paligid niya.
Sige lang! Tumawa kayong lahat! Siya lang ang nag-iisang tao na hindi natutuwa sa mga oras na iyon.
Humiga na siya ng tuluyan sa sofa pakiramdam niya pagod na pagod siya ngayong araw.
Nilingon niya si Evo na ngayon ay kumakain na nang handa ni Tricia.
Nakakainis talaga! Baka gutom lang ang mga ito kaya siguro nabaliw na naman.
“Anak, kain na tayo,” aya sa kanya ng daddy niya.
Nilingon niya ang ama. “Later, Dad."
“Queen, let’s eat,” aya rin sa kanya ni Evo.
Umupo pa ito sa paanan niya. Kung hindi lang ito kumakain malamang tinadyakan na niya ito sa mukha!
“Nawalan na ako ng gana,” aniya rito habang hinihilot ang kanyang sentido.
Tumingin naman ito sa kanya habang sumusubo ng spaghetti. “Ang kalat mong kumain!” sita niya. Dinilaan naman nito ang paligid ng bibig nito.
Minsan talaga itong si Evo hindi mo alam kung tao ba ‘to o hayop!
“Kumain ka na, Queen. Mauubusan ka na nang pagkain,” pamimilit pa rin nito.
“Mamaya na pag-alis mo. Ayaw kong makakita ng pangit habang kumakain ako!”
“Galit na galit gustong manakit? Huwag kang magalit sa pangit, Queen. Alalahanin mo pangit ka rin," pambubuska nito sa kanya.
Busalan niya kaya ang bibig nito? Ang daldal, e!
Umismid siya. "Talaga?"
Tumango naman ito habang sunod-sunod ang pagsubo nito. Mukhang gutom na gutom.
Akala mo ngayon lang nakakain ng spaghetti.
Akala mo walang pera pambili ng maraming spaghetti.
"Wala ka bang pambili ng pagkain? Kung makasubo ka daig mo pa ang hindi pinakain ng isang buwan, ah! Huwag kang masyadong magtipid hindi mo madadala sa kabilang buhay lahat ng yaman mo. Bili-bili rin 'pag may time!"
Naningkit naman ang mga mata nito. Siguro tinamaan ito sa sinabi niya!
Mayamaya ngumiti ito na parang walang narinig. Nakalimutan niyang wala nga pala itong hiya.
Kalalaking tao laging nakikikain. Marami namang pera!
Sakim masyado! Ayaw bawasan ang kayamanan.
Tiningnan niya ang ama na gano'n din ang sistema.
"Kumain ka na kasi," ulit nitong aya sa kanya.
"Ayoko! Marami akong iniisip!"
Tumawa ito nang nakakaloko. "Huwag kang masyadong mag-isip! Kaunti na nga lang 'yang utak mo pinipiga mo pa lalo. Maawa ka naman dahil baka bukas hindi na gumana 'yan."
Bakit kaya ang tagal nitong mabulunan? Habang kumakain panay ang salita nito!
Kung hindi lang talaga krimen ang pumatay.
Aba'y malamang abo na 'to si Evo!
At siguradong matagal na rin sana ang death anniversary nito.
Pero sa misyon nila hindi nila maiwasang hindi makasakit lalo na kung nasa alanganin sila at wala nang ibang pagpipilian.
Ang mga taong sumisira sa mga kabataan at gumagawa ng mga illegal 'yun lang ang mga taong wala nang puwang sa mundo at dapat nang burahin.
Masama man ang kumitil pero mas marami ang maaapektuhan at masisira kung hindi nila ito gagawan ng paraan.
"Hoy, kumain ka na!" pukaw sa kanya ni Evo. "Kaya kung ano-ano 'yang pumapasok sa isip mo dahil palagi kang gutom."
"Dad!" tawag niya sa ama. "Palayasin mo na nga 'tong si Evo!" utos niya sa ama.
Umalma naman ito. "Kumakain pa ako, Queen! Ang sama naman ng ugali mo. Patapusin mo man lang sana ako, 'no?"
Umiling-iling naman ang ama. "Bilisan mo d'yan, Evo at tatagay pa tayo."
Lumapit ito sa kanya at bumulong. "See? Malakas ako sa daddy mo! Ako kasi ang tunay niyang anak." Tinuro pa siya nito. "At ikaw, ampon ka lang! Bwahahaha!" Tumawa pa ito na akala mo mangkukulam.
Matapos nitong sabihin iyon ay tumayo na ito at pumunta ulit sa lamesa para kumuha ulit ng pagkain.
Halos dito na rin sa mansyon nila ito nakatira.
Dito natutulog, kumakain, naliligo. Minsan parang gusto niyang magpalit na lang sila.
Si Evo rito sa mansiyon nila at siya ang titira sa bahay nito.
Umuuwi lang yata ang hayop na 'to kapag m************k sa iba't ibang babae, e.
Dahil kapag nagdala ito ng babae rito sa teritoryo niya sisiguraduhin niyang malulumpo ang mga ito.
Wala pa man itong ginagawa siguradong lalabas ang mga itong paika-ika.