1st Step: “I’d rather not”

2342 Words
I AM HOLDING onto the last among all the straws I've been keeping a hold for the past days. Ignoring the disgusting murmurs from people around me, I manage to put on a small smile on my lips. Ramdam na ramdam ko ang mga titig ng kapwa ko estudyante sa ‘kin. Kitang-kita ko rin kung papaano sila bumulong sa isa-t-isa habang tinitingnan ako.  If only my ears got an on and off switch, so I would be able to choose what arguments I am going to listen to. But it doesn't have any. And it's. . . sad. Nalusaw ang tipid kong ngiti. Nilingon ko ang mga taong nasa paligid. Isa-isa ko silang tinitigan. Matalim, at sinigurado ko na tatagos ‘yon sa kalamnan at mga buto nila. Nagsusumigaw ang matalim kong titig ng mga katagang ‘b***h, you shut the hell up’. Pero natigil ako dahil sa isang tikhim na narinig ko mula sa likuran ko. “Tabi.” It was a familiar voice. From someone I do recognize. I turned around. And I met his gaze. It was so cold like the midnight sea breeze. I held his eyes. I nearly hugged myself as I felt the tension. His pitch black eyes bore on me, that I had to blinked twice and scold myself for seconds just to keep a hold of my rational thoughts. I almost failed in keeping my mind straight. My entire attention─on Heiro. Solely on him. I nearly lost my senses. Natuod ako sa kinatatayuan ko. Hindi nakakilos, hindi man lang nakapagsalita. Kailangan kong huminga man lang. Pumikit ako at humugot ng hangin para makahinga. Nang buksan ko ang mata ko, kunot-noo na siyang nakamasid sa akin. Naging madrama sa paningin niya ang ginawa kong paghugot nang malalim na hininga.  “You're blocking my way.”  “Let's talk,” naibubulas ko habang hindi magawang magbaba ng tingin. “Please, Heiro.” Tumitig siya sa akin nang mahigit isang minuto. Pagod ang mga mata pero nagmamatigas pa rin, ayaw pa rin na makipag-usap. Matiyaga naman akong naghintay sa kanyang sagot. Inabangan ko ang unang salita na sasabihin niya. Natulala ako nang katahimikan mula sa aming dalawa at bulungan lang sa paligid ang narinig ko. fuck this s**t. “Heiro. . . let's talk. Kausapin mo na ako, please." Pagod ulit siyang tumitig sa akin. Pero hindi pa rin ako pinanghinaan ng loob. Nakatuon lang ang atensyon ko sa kanya. Sa kanya lang. Kaya maski ang pag-ayos niya sa kanyang backpack na nakasukbit sa isa niyang balikat ay napansin at nakita ko.  Agad akong na-alarma nang humakbang siya sa kanang parte nang kinatatayuan ko. Bago pa ako makakilos ay nagawa niya nang maglakad paalis─palayo sa akin. Hindi man lang niya ako binigyan ng sagot. O kahit na nagsalita man lang sana siya na medyo masigla ang boses. Isang word lang. O kahit isang syllable man lang. Maliban sa mga katagang sinabi niya gamit ang malamig niyang boses, wala na akong ibang narinig. Magkasabay na bumagsak ang magkabila kong balikat. Ayaw niya pa rin akong kausapin kahit na ilang buwan na ang lumipas simula noong nangyari. To be exact, that was already 8 months ago.  Marami na ang nangyari pero hindi niya ‘yon alam.   They moved to Manila to attend to their business' expansion. Ilang linggo matapos nang naging sagutan namin, umalis siya. Wala man lang akong kaalam-alam. Hindi man lang siya nagsabi. Naisip ko na magreach-out sa kanya through his social media accounts pero deactivated na ang lahat ng mga accounts niya. Siguro, gumawa na siya ng bago. Umabot sa punto na naisip ko na lang na umalis ng Zambales at lumuwas sa Manila. Matapos ang dalawang buwan, nagawa kong mapilit sina Mom. I said I wanna step out of my comfort zone. Na gusto kong subukan na tumayo sa sarili kong mga paa. Sinabi ko na susubukan kong mag-aral sa ibang lugar. I said I wanna chase my dreams and have an excellent education. Susubukan kong alamin ang kapalaran ko sa pag-aaral sa isang malaking unibersidad. I somehow felt bad dahil ‘yon ang sinabi kong dahilan. But it was half of the whole truth anyway. Totoo ‘yon. Pero gusto ko rin naman na masundan si Heiro at makapagsorry sa kanya. I knew I am taking a huge risk but it’s because I am holding onto the possibility of correcting a mistake I’ve done months ago as I also try to chase for my dreams. I enrolled myself in a university where he is currently enrolled. Kahit mahal ang tuition, kahit alam kong maninibago ako, ginawa ko pa rin. Hindi man lang ako nag-alinlangan. Kahit sinasabi nila─mga kapitbahay at kaibigan─na medyo huli na raw dahil nasa second year na ako sa kinukuha kong course. Hindi pa rin ako nagpapigil. Pero hindi ko inakala na ito lang ang mangyayari. Lumipas na ang unang semester sa school year na ito. Magkaklase kaming dalawa sa i-ilang subjects pero hindi pa rin ako pinapansin ni Heiro. ng hindi ito ang unang beses kong subok. Ni hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko nang sinubukang lumapit. But I ended up being ignored. Talagang sinasabi na ng mga blockmates ko na isa ako sa mga desperadang mga babae na naghahabol sa kanya. To hell with that! Tangina lang. Kapag sinasabi ko na may dahilan ang paglapit ko kay Heiro, hindi nila ako pinapakinggan. Dahil ayaw naman talaga nilang makinig. They don't even know a thing! I just want our friendship back─our bond, our sort of friendship pledge, our teasing the tease moments, our own kind of friendship dates─lahat, gusto kong ibalik. Even our. . . closeness. Gusto ko ‘yon ibalik lahat. Itatama ko ang nagawa kong pagkakamali. Mga buwan lang naman ang lumipas pero hindi ang pagkakataon na magawa niya akong mapatawad.   Hindi pa rin nalulusaw ang titig ng mga tao sa akin. Wala ba silang ibang magawa? Why don't they just mind their sensical shits? Kung maki-intriga sa buhay ng ibang tao kala mo naman mga reporters na gagawin ang lahat makasagap lang ng balita. Pero sa parte nila, tsismis lang ang kinakalap at nagpapakalat pa ng fake news. Sarap gilitan sa leeg. Napaigtad ako nang maramdaman na may humawak sa balikat ko. “Ghorl,” ani ng isang boses.  Nilingon ko ang nagsalita. At nakahinga ako nang maluwag. “Gwenneth.”  She pouted. “I already said you can call me Gwen, okay? ‘Cause I'll be calling you Aeyz instead of Aeyzha.” Ngumiti siya akin, magaan. Ramdam ko na gusto niyang makipagkaibigan. “Salamat talaga sa ‘yo ha.”  Ngumiti ako sa kanya pabalik. Ang tinutukoy niya ang pagsauli ko sa mga gamit niya na hindi niya sinasadyang maiwan sa library isang linggo na ang nakalipas. "Don't mention it. Kahit ibang tao gagawin din ang ginawa ko. Hindi ko naman ‘yon gamit so, bakit hindi ko isasauli sa totoong may-ari?” Nangunot ang noo niya. “Kahit ibang tao gagawin ang ginawa mo? I doubt it. I mean, baka kapag nakita nila ang mga gamit ko, hindi na nila papansinin. Hahayaan nilang nila ‘yon sa tabi. Or worst, baka basta na lang nila ‘yong itapon kapag nalaman nila na wala na'ng may-ari no'n," aniya, bakas ang takot at pangamba sa mukha, “Don't you agree with me? It could have been worse.” “Somehow...” tanging nasabi ko na lang.  Namungay ang mga mata niya. Bumagsak ang mga balikat. Naitakip niya ang dalawang mga palad sa gilid ng kanyang pisngi. “Paano na lang ang mga sketches at mga designs ko kung talagang nawala ‘yon? Bagsak na naman ako sa isang subject? Baka hindi na ako makagraduate ng architecture! Paano na ang future ko?” Medyo naiiyak pa siya habang nagkukwento.  Pinigilan ko ang matawa nang mahina sa ipinakita niya. She’s serious tho.  “Buti na lang talaga ikaw ang nakakita, Aeyz! Naku! Thank you ulit,” masigla na ulit ang boses niya. “You're welcome,” sabi ko. She's bubbly. May pagka-emo pero ayos lang naman. She talks to me like were aquainted for months already pero ang totoo, sa ilang buwan ko sa university na ito, noong nakaraang linggo ko lang siya nakilala.  Since then, napapansin at nakikita ko na siya sa college campus. Panay naman ang pagkaway niya at ang paglapit sa ‘kin.  “Gusto sana kitang i-treat bilang pasasalamat,” muli niyang sabi. Mabilis lang akong umiling. Halos araw-araw niya na ‘yang sinasabi sa akin. Hindi niya na naman ‘yon kailangang gawin. Ang alam ko, maliit na bagay lang ang nagawa ko para sa kanya.  Ang magsauli lang ng naiwan niyang gamit.  Pero heto, hinihila niya na ako papuntang cafeteria. Panay ang sabi niya sa ‘kin na kailangan niya talaga akong pasalamatan.  “Ginawa mo na 'to no'ng nakaraan. You treated me with a pizza and ice cream. Ilang beses ka na rin nagpasalamat. This is too much, Gwenneth.” "Argh-” Pinanliitan niya ako ng mga mata. “It's Gwen, Aeyz.” “H-hindi pa naman tayo close.” She smiled. “Yes, problably. But you gave me an idea.” Excited niyang isinukbit ang kanyang shoulder bag sa kanyang balikat. “Magiging close rin tayo, okay? We could even be best of friends. Do you want that?”  Hindi ako nakasagot agad. “Of course you do!” singit niya.                                                                            ——◎—— “Wala akong masyadong kaibigan dito sa university pero mga kaplastikan? Naku! Sobrang dami,” ani Gwenneth─ah, Gwen. Nakaupo kami sa isang table malapit sa entrance ng cafeteria dahil ‘yon ang pinili kong pwesto. Umaasa na baka maispatan ko si Heiro habang kumakain. “Ang hirap kaya humanap ng totoong kaibigan. Kasi minsan, ang mga taong akala mo maaasahan mo, lumalapit lang kapag may kailangan sila. Pero kapag ikaw na ang nangailangan, nganga! Walang nagpapakita kahit isa!" Tumango ako. Nagliwanag ang mga mata niya. "G mo, Aeyz? ‘di ba gano’n ang galawan ng iba? Kagigil lang."  “Sinabi mo pa.” Sang-ayon ko sa sinabi ni Gwen. Mabilis na sumagi sa isip ko ang mga naging kakilala ko ngayong kakapasok ka palang sa university. Hmm, tama. Ang i-ilan ay nanghihiram at nakikipicture lang sa notes. Ang iba, kinakausap lang ako kung kailan ulit ang schedule ng quizzes at recitations kung sakaling makalimutan nila. Lumapad ang ngiti niya dahil sa sinabi ko. “Ang galing. Same tayo ng perceptions tungkol d’yan. Sigurado talaga ako na magkakasundo tayong dalawa.” Nagkibit ako ng balikat pero napangiti na rin. “You're on your second year ‘di ba? BSBA ang course?” Tumango ako. May pagkastalker din siguro ‘to. Well, ako rin naman. Medyo.  “And you're taking up Architecture?” “Yep, second year na rin.” Sabay kaming dalawa na napangiti sa isa't-isa.  “Ikaw, may mga kaibigan ka ba rito?” Mabilis akong sumagot. “Wala. Pero mga taong nakiki-intriga at nakikitsismis sa buhay ko? Sobrang dami!” Natawa siya. “Mainit ba ang ulo mo ngayon?” “Medyo. Sa ‘yo ba?” tanong ko rin sa kanya. “Oo, sobrang init. Gigil din ako.”  Sabay kaming napahinga nang malalim para pakalmahin ang sarili. Kumunot ang noo naming dalawa. Halos magkasabay ulit. Natawa na lang kami. Siguro nga masasabayan namin ang isa't-isa.                                                                                 ——◎—— Tumunog na ang bell. Kinailangan kong pumasok sa klase ko kaya naiwan ko si Gwen. I didn't know it was fun talking to someone I barely know. Naging mailap ako sa nakalipas na buwan. I'd rather be alone at a corner than endulge myself with the thought of having new set of friends: iyong totoo at hindi plastic. Kasi alam ko na mahirap 'yon. But I do already have real friends. These are Lexie, na kahit malayo ay kinakamusta pa rin ako. And. . . Heiro, na kahit na nagkaalitan kami, gusto ko pa rin na magkabati kaming dalawa. Mahirap makahanap ng toong kaibigan. Perhaps, that explains why I am so eager to bring back mine and Heiro’s friendship. Because I know that I'll never got to establish that kind of strong connection with somebody else. Never again. It's only with him. But meeting Gwen and having some time to talk with her. Siguro, may posibilidad pa na makahanap ako dito ng totoong kaibigan. Hindi ko lang masabi sa ngayon. I am much aware of the clock's ticking. My heart's now erratically beating and sweats are building up in my palms. Kinakabahan ako. Late ako sa klase dahil kung minamalas ka nga naman, siguradong mamalasin ka talaga! Maling classroom ang napasukan ko kanina. Instant pahiya pa ang natamo ko sa isang Professor na kung makasita wagas. Napayuko na lang ako, humingi ng pasensya at hiyang-hiya na umalis. Nagtanong ako sa mga nakakasalubong ko kung saan makikita ang classroom na kanina ko pa hinahanap. May change of classrooms at schedule daw. At hindi ako informed kaya gulong-gulo ako ngayon.  Himala na nakakuha ako nang matinong sagot. May nakapagturo sa akin kung saan. Nang nakarating ako, nasa kalagitnaan na ng discussion ang Prof. Pasimple akong pumasok. Walang nakapansin. And I was able to sit at the back part. Thank, goodness!  Malaki ang ngiti ko at nakinig na rin. Sinusubukan kong intindihin ang topic. Napatango-tango pa ako nang unti-unti ko na iyong makuha. Ilang saglit ay naramdaman ko na parang may tumititig sa akin. Nagbaling ako ng tingin sa paligid. Kumunot ang noo ko pero biglaang napaawang ang bibig. Hindi ko inaasahan na maaninag si Heiro. Halos limang upuan lang ang layo niya sa inuupuan ko. s**t, classmate ko siya sa isang subject ngayong sem. Napalunok ako. Kinabahan. Pero lihim akong nagpasalamat. I’d rather not take this opportunity for granted nor put one this to waste. I tucked a loose stand of hair at the back of my ear. Pagkatapos ay sinulyapan ko si Heiro. May pagkakataon ulit ako na subukang makipag-usap sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD