THE WEEK PASSED BY SO QUICKLY that I had trouble keeping up with all the school requirements I had to submit by the end of next week. Caffeine makes me alive but certainly not sane. . . I’ve had too much of it in my system. Okay, kailangan ko munang huminga at ipahinga ang utak ko. Inilipat ko sa isang kamay ang dalawang librong dala-dala ko habang naglalakad sa gitna ng mataong hallway ng building ng college namin. Uminom ako mula sa bote ng kape na binili ko. Ika’tlong beses na akong nagpabalik-balik sa cafeteria. Ang kape na kailangan ko para manatiling gising sa gitna nang matinding pagpupuyat ay parang tubig na lang sa tuwing tinutungga ko. Oh, God I need to stop. Nang naubos na ang laman ng bote, saktong may nasulyapan akong trash bin sa ‘di kalayuan. Lumapit ako roon at walang