chapter 11

3739 Words
Nagising ako sa liwanag na nagmumula sa may bintana,dahil tumama ang sinag ng araw sa aking mukha. Nararamdaman ko ang sakit ng buong katawan ko at pati ulo ko,may hang over nanaman ako,nasobrohan ko nanaman uminom.Babangon na sana ako kaso di ako makagalaw ng tignan ko ang aking mga kamay nakatali ito pati mga paa ko. "Damn you! Aldrin,ginaya mo pa ako sa mga babae mong tinatali sa kama!"diko maiwasan mapamura sa ginawa ng gago na yun sa akin. Pinipilit kong kinakalas ang pagkatali niya sa akin pero diko magawa dahil mahigpit ang pagkatali niya sa akin. "Aldrin!Aldrin!Aldrin! Mapapatay talaga kita pag oras na nakawala ako dito!"sigaw ko sa kanya.Agad naman na nagbukas ang pintuan at lumapit siya sa akin. "Bat ba ang aga,aga ang ingay mo naririnig sa kabilang building yang sigaw mo"sabi niya sa akin habang kinukusot niya ang kanyang mata na halatang gagigising niya lang. "Pakawalan mo ako rito,mapapatay talaga kita gago ka,anong akala mo sa akin,isa sa mga babae mo,sadista ka talaga!" "Hey relax,pag diko yan ginawa panigurado sinugod mo na si Troy at nakapay ka na sana,at nakailang halik ka sa akin huh!yang habbit mo na yan pag lasing ka yan ang magpapahamak saiyo,baka kung sino,sino hinahalikan mo.Talo mo pa ang batang nagwawala pag inagawan ng lollipop dimo alam kung anong hirap ko saiyo kagabi halos wala na akong tulog kaya tinali kita para mapanatag ako,buti pa nga di kita pinalo para makatulog ka kaagad,pag andito si Clayton tiyak papatulugin ka ng wala sa oras noon!" "So,dapat bang gawin mo sa akin to,ginawa mo akong baliw.kung ikaw kaya itali ko rito huh!"inis na sigaw ko sa kanya. "Di naman ako kagaya mo pag nalasing nababaliw,saka ginamot ko pa mga sugat mo baka mainffection pa" "Palusot ka pa,pakawalan mo ako rito,habang nakakapagtimpi pa ako baka ikaw ang itali ko rito". "Oo na,sandali lang kakain ka muna bago ka aalis nagpadeliver ako ng soup na para sa hang over mo" "I dont have appetite to eat,masakit ulo ko" "Kaya nga kailangan mo kumain para makainom ka ng gamot" "Teka kung umasta ka asawa kita huh!"sabi ko sa kanya . "Nag aalala lang ako saiyo gago,tignan mo nga itsura mo,parang di kana tao,puro sugat ang katawan mo basagulerong pari ,magbihis kana parating na pagkain" sabay lumabas siya sa kwarto pagkatapos niyang tinanggal ang mga tali sa kamay at paa ko,napangiti ako wala silang pinagkaiba ni Louis ganyan na ganyan siya sa akin,pagnalalasing ako pinupuntahan niya ako sa condo at inaalagaan niya ako. "I miss you bro" Kaya dito ako pumupunta kay Aldrin pag umiinom ako alam kong di niya ako pababayaan pag sobrang lasing ako. Pagkatapos kong kumain,umalis din ako kaagad may mahalaga kasi akong gagawin sa kompanya ngayon. Pagdating ko sa opisina ko agad akong sinalubong ni Mae,pero bakit ganoon parang diko siya kayang harapin,lalo na't naalala ko ang nakita ko kagabi.Nginitian ko lang siya ng matipid. "Busy ako ngayon, walang papasok sa office ko pag diko sinabi" sinabi ko tas sabay sinara ko ang pintuan. Diko na rin siya nilingon. ****Mae Esguerra **** "Kung ayaw mong paistorbo di wag, di maganda para makapagpahinga ako ngayon"inis ko rin na sinabi dahil sa inis ko tinadyakan ko ang kanyang pintuan. Padabog akong bumalik sa aking pwesto at umupo para makapagtrabho na. Diko na lang isipin yang pari na yan. Pero naisip ko rin humingi ng tawad, kasi di rin ako mapakali ayaw ko yung ganito lagi, parang sobrang laki ng kasalanan ko sa kanya. Ilang ulit ko itong pinag isipan, pero wala akong lakas ng loob. Di ako mapakali sa kinauupuan ko. "Ano ba kakatukin ko na ba, aahhh bahala na" tumayo ako at tinungo ko ang pintuan. Kakatok palang sana ako pero bigla itong nagbukas,kaya Natulala lang ako at parang umurong ang dila ko. "I have to go, may importante akong gagawin" sabi niya sa akin at ayun nanaman di niya man lang ako tinapunan ng tingin. "Sir kasi!" pahabol na sabi ko sa kanya. "Let's talk nextime malelate na ako" sagot niya niya sa akin. Di na lang ako umimik, at bumalik ako sa aking mesa tinignan ko na lang siya habang papalayo mula sa akin. "Siguro nga wala ng kapatawaran ang ginawa ko, sobrang sama ko na ba para dimo ako pansinin ng ganito" Bakit ba sobrang nasaktan ako sa mga ginagawa niya sa akin ngayon,dalawang beses na to. Nagdaan pa ng ilang araw, ganoon parin ang ginagawa niya sa akin di niya ako pinapansin. Laging wala, at di niya ako sinasama sa mga lakad niya. Minsan nga di na siya pumapasok, kung pumapasok naman siya laging nagkukulong at ayaw nagpapasok sa opisina niya,pansin ko rin parang wala siya ganyang makipag usap parang may sakit. Dumaan na ang linggo, at mga isang buwan na ganito parin lagi at tatlong araw na siyang di pumapasok. Kaya diko maiwasan ang mag alala, di ako mapakali. Lagi rin akong tinatawagan ng mommy niya, nagdadahilan na lang akong lagi siyang busy. Kapag tinatawagan ko naman siya laging patay ang kanyang phone, message ko siya, dalawang beses lang siya kung mag reply iisa lang ang reply niya. "I'm OK, I'm just busy to my personal business" yan lang ang reply niya. Nagdududa na talaga ako, feeling ko may di magandang ngyari sa kanya. Kaya napagpasyahan kong pumunta sa kanyang condo, pero tinapos ko muna ang dapat kong gawin. Alas sais na ng lumabas ako sa kompanya, pumunta ako sa kanyang condo. Ilang beses akong nag doorbell walang sumasagot, sinubukan ko siyang tawagan pero cannot be reach ang kanyang phone. Kaya napagpasyahan ko na itong buksan, alam ko naman ang password niya. Dahan, dahan kong binuksan ito, napakadilim ng buong sala, parang walang tao. Binuksan ko ang Flash light ng aking phone para hanapin ang switch, saka binuksan ang ilaw. Walang tao, pero agaw pansin sa akin ang mga bakat ng paa, na may dugo. Bigla akong kinabahan, Sinundan ko ito hanggang sa may hagdan patungo sa kanyang kwarto.Mas lalo akong kinabahan ng husto, dali dali kong binuksan ang kanyang pintuan. Halos naiyak ako sa nakita kong itsura niya at sobrang gulat, parang di ako makakilos. "Sir King!!" napasigaw ako at nag uunahan ng tumulo ang mga luha ko. "Diyos ko sir King!" doon na ako tumakbo papunta sa kinaroroonan niya. Nakahandusay siya sa sahig at puno ng dugo ang kanyang damit at puro sugat ang mga paa nito. Nanginginig ang aking mga kamay diko alam kung saan ako hahawak sa katawan niya. Parang patay na siya dahil wala siyang malay. "Sir King! Sir King! Gising! Tulong! Tulungan niyo kami!" sumisigaw akong umiiyak. Dali dali kong kinuha ang aking phone para tumawag ng ambulancya. "Ambulansya, kailangan tumawag ako ng ambulancya!" nanginginig ang mga kamay kong nagdadial, halos diko na makita ang pinipindot ko dahil napuno na ng luha ang mga mata ko. Nagulat lang ako ng bigla niyang hinawakan ang aking kamay. "Don't call ambulance, I don't want to go to hospital" mahina niyang sabi sa akin. "Pero sir, ang dami niyong sugat, kailangan niyong magamot ng lalong madaling panahon" "No, please sundin mo na lang ang gusto ko, tulungan mo na lang akong tumayo, at linisin ang sugat ko, yan na lang maitutulong mo sa akin" sabay di na siya nag salita pa. Sinunod ko na lang ang kanyang sinabi, dahan, dahan ko siyang pinatayo at dinala sa kanyang kama. Dinahan, dahan kong tinanggal ang kanyang damit, at mas lalo pa akong nagulat dahil puno ng latay ang kanyang katawan. Bigla akong naawa, at diko alam kung anong nagyari sa kanya. Nilinis ko na lang ang kanyang mga sugat sa buong katawan niya at mga paa. Parang pinahirapan siya, sinadyang paluin ang kanyang likod. Pinainom ko rin siya ng gamot dahil napakataas ng kanyang lagnat,pero bago ko siya Pinainom ng gamot. Pinagluto ko muna siya ng lugaw para makakain kahit papano. Kahit di ako marunong magluto, pero pinilit ko parin para makakain siya. "Sir kain ka po muna bago ka uminom ng gamot" tumango lang siya, tinulungan ko siyang bumangon, at sinubuan ng lugaw. Nagulat lang ako dahil binuga lang naman niya ang sinubo ko sa kanya. "Ano ito! Pagkain ba to, parang gusto mo akong lasunin" agad akong kumuha ng tissue para punasan ang mukha ko na binugaan niya ng pagkain. "Grabe ka naman! Nagmamalasakit na nga ako saiyo, lalaitin mo pa ang niluto ko" naiinis kong sabi sa kanya. "Pagkain, ba ito try mong tikman na di ako nagsisinungaling" tinikman ko nga masama nga ang lasa. Ganoon na ba ako kasama ng magluto. "Ano nakakamatay diba? Mag kapatid ba kayo ni April ang layo mo sa kanya ang galing niyang magluto" "Ay sorry naman po, di wag kang kumain" "Tubig na lang at iabot mo ang gamot" inabot ko sa kanya ang gamot at tubig. Nahihirapan siya, kahit pilit niyang tinatago, namaga na kasi mga sugat niya kailangan niya ng antibiotic. "Bilhan na lang kita ng pagkain mo lalabas lang ako saglit sabi ko sa kanya. " No need, umuwi kana at makapagpahinga kana, don't worry kaya ko ang sarili ko"sabi niya sa akin. "Pero dimo kayang mag isa, dalhin na lang kita sa hospital" sabi ko ulit sa kanya. "No! Diko kailangan pumunta doon, just go back" saka siya tumalikod. "Pero sir!" "I said go!" sigaw niya sa akin. Napatayo ako, sa inis sa kanya. "Hindi, di ako aalis banbantayan kita, paano kung may mangyari saiyo. Di kargo De konsensya ko pa" "I don't need your help, please go!" pananaboy niya sa akin. "Sasabihin ko ulit di ako aalis!" pagmamatigas ko rin. "Whatever!" Di na siya sumagot pa dahil talagang di ako aalis kahit anong sabihin niya. Ilang beses kong sinapo ang kanyang noo, mataas parin ang lagnat niya di parin bumaba.Dahil sa mga sugat sa katawan niya, kaya ginawa ko tinawagan ko si sir Aldrin, buti na lang na buksan ko ang kanyang phone at yun din ang ginamit kong pantawag. Agad naman niya itong sinagot. "Hello dude! Buti naman at naalala mo na akong tawagan, nag aalala na ako saiyo, ano buhay ka pa ba?" pabungad niyang sinabi. "Sir Aldrin, si Mae po ito" halata ng nagulat siya. "Mae, bat hawak mo ang telepono ng baliw na paring yan, dont tell me magkasama kayo at may ginawa kayong kababalaghan" "Wala ah!" nabigla kong sagot, natawa siya. "I'm just kidding bakit may ngyari ba sa kanya?" tanong niya sa akin. Sinabi ko lahat, at kung anong ngyari sa kanya, di na siya nagtaka pa sa mga sinabi ko sa kanya. "What a crazy priest, wait me there papunta na ako" sabi ni sir Aldrin. After fifteen minutes nandito na siya, kasama niya rin ang doctor na nakita ko noon dito sa kanyang condo. Naalala ko tuloy yung eksena na nakita ko sakanila. "What happen to him?" agad na tanong ni doc Clayton. "Kumana nanaman ang pagka baliw niyang tao na yan" sabado ni sir Aldrin. Tinignan siya agad ni doc napamura siya dahil sa mga nakita niyang sugat nito. "What the hell! Matino pa ba ang taong ito, oh wala na talaga siya sa katinuan, what did he do to his self" "Ilang araw na kasi siyang di pumapasok at di niya ako sinasama sa mga lakad niya, kaya nagpasyahan kong pumunta dito sa condo niya at nadatnan kong ganyan" kwento ko kay doc. Tinignan niya ng masama si sir Aldrin. "What! Wala akong kinalaman diyan, pinipigilan ko siya pero di nakikinig alam mo naman yan parehas sila ni Leon walang pinapakinggan" sabi ni sir Aldrin "Oh di inamin mo rin na alam mo, pero dika gumawa ng paraan ulol!" inis na sabi ni doc. "Ilang beses ko ng pinagsabihan, di siya nakikinig" "Kahit na, tignan mo nga halos, napuno ng sugat ang buong katawan mukha lang ang walang latay, alam mo bang maari niyan ikamatay kung dipa dumating si Mae dito di namatay na sana itong abnormal na ito ng walang nakakaalam, palibhasa puro babae ang inaatupag mo dimo man lang siya dinalaw sa condo niya"panenermon ni doc. "Oo na kasalanan ko na, ako na oh masaya kana huh" "Tulungan mo akong iangat at ang braso niya para maturukan ko siya ng gamot" "Oo na doc" sabi na lang ni sir Aldrin. Pagkatapos niyang tinurukan ng gamot. Ginamot niya din ang buong katawan niya at mga paa nito. "What a crazy man" napabuntong hininga na lang si doc. "Mae can I ask you a favor?" "Yes doc ano po yun" "Can you stay with him, kailangan niya kasi maalagaan at para makainom siya ng gamot sa tamang oras, at may maglinis na din sa mga sugat niya?" Di ako nakasagot agad sa kanya,napaisip ako. "Please Mae, ayaw niya kasing dinadala siya sa hospital" sabad din ni sir Aldrin. "Oo Mae, ikaw na lang inaasahan ko, kasi itong tao na ito, dimo maasahan puro pambabae ang alam niyan" "Ako nanaman nakita mo" sabi ni sir Aldrin. "Bakit totoo naman sinabi ko ah wala kang kwenta, puro ka babae" "Bakit di natin sabihin sa mommy niya para malaman din po nila" sabi ko sa kanila. "Naku yan ang wag na wag mong sasabihin" sabay pa silang nag salita. "Bakit naman?" nagtataka ako. "Pagnalaman yan ni tita, panigurado di na yan sisikatan ng araw" sabi ni doc. "Yes, diba nakilala mo na mommy niya, she's scary woman" sabad ni sir Aldrin. Sabagay nakakatakot nga naman siya, di na lang ako tumutol pa. "Sige po ako na bahala sa kanya" sabi ko sakanila. "Thanks Mae, buti na lang andiyan ka" sabi ni sir Aldrin at hinawakan niya pa ang mga kamay ko. "Bitawan mo na siya, nagdadamoves ka nanaman gago ka talaga" pinalo ni doc ang kamay ni sir Aldrin. "Your to much Clayton, palibhasa kasi single ka" inis na sabi niya. "Don't mind him Mae, lumayo ka sa kanya pag alam mong lalapit siya" "Ganyan na lang ba tingin mo sa akin, di ko papatusin ang love of my life ng barkada natin" "Anong sabi mo?" tanong ni doc kay Sir Aldrin. Pati rin ako nagulat anong ibig niyang sabihin sa love of my life na sinasabi niya. "Puro ka kalokohan, Mae mauna na kami ito yung mga gamot na dapat painom mo sa kanya, tawagan mo kami pag may may di magandang nagyari sa kanya" "Opo doc salamat" "Sige mauna na kami Sister in law" sabay tawa si Aldrin. "Wag mo siyang pansinin Mae, salamat ulit call me ok I wrote my number there" sabay turo sa papel na nakapatong sa may mesa. "Sige po doc" hinatid ko sila hanggang sa pintuan. Bumalik ako ulit sa kwarto niya, inayos ko ang kanyang kumot, at sinapo ang kanyang noo. "Thanks God, bumaba na ang kanyang lagnat at napakahimbing na ang kanyang tulog. Kahit papano, nabawasan na ang pag aalala ko, inayos ko rin ang suwero na kinabit ni doc sa kanya. Saglit ko siyang tinititigan at hinaplos ang kanyang mukha.Diko maipaliwanag ang nararamdaman ko panay ang kabog ng dibdib ko, at higit sa lahat ang lakas ng pintig ng puso ko, na ngayon ko lang naramdaman,habang nakatitig ako sa kanyang mukha. "Ang gwapo mo, pag tulog ka" diko maiwasang masambit. Bumaba ang tingin ko sa kanyang mga mapupulang labi, na ilang beses ko na rin itong dumampi sa aking mga labi. Diko mapigilan na haplusin ang kanyang mukha,bahala na gusto ko ulit maranasan ang mahalikan sa kanya. Dahan, dahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya. Halos maglapat na ang mga labi namin, nagulat lang ako ng hawiian niya ang batok ko at tuluyan na ngang naglapat ang mga labi namin. Damang dama ko ang mainit niyang hininga, at diko na rin maiwasang tugunan ang mga halik niya. Natangay na ang aking damdamin, at mas lalong nag init ang aking pakiramdam. Gusting gusto ko ang mga halik niya sa akin, na nag bibigay ng kakaibang sensation sa buong katawan ko. Parang ayaw ko ng humiwalay sa paghahalikan namin. Pero bigla siyang tumigil, parang nakaramdam ako ng inis at panghihinayang, at higit sa lahat parang nabitin ako. Nainis akong tinignan siya, humihilik na pala,magaan ko pang pinisil ang kanyang ilong pero tulog parin siya. "So, nagdidilihiryo ka lang kaya mo ako nahalikan, oh nanaginip ka kakainis ka" sabay tumayo ako, at nagtungo ako sa banyo naghilamos ako para mabawasan ang init ng nararamdaman ko sa buong katawan dahil sa mainit na halikan namin kanina.. "Mae, gising wag kang papadala sa bugso ng damdamin mo, di ka niya gugustuhin niyan asa kapa" nasabi ko sa aking sarili. Medyo nag tagal ako sa banyo, naligo na rin ako buti na lang may dala, dala akong extra na pan loob sa aking bag. Damit lang wala ako nakita ko ang mga tshirt niya dito sa loob ng kabinet sa may banyo. Kumuha na lang ako at yjn ang sinuot ko na parang bistida ko na. Saka ako lumabas sa may banyo. Saglit ko siyang sinulyapan, mahimbing ang kanyang tulog. "Kainis, ilang beses mo na akong hinalikan, pero kinabukasan dimo maalala" saka ako lumabas sa kwarto niya. ***King Alvarez *** "Thanks lord buhay pa ako" akala ko kasi dina ako sisikatan ng araw. Pinilit kong bumangon kahit masakit ang buong katawan ko. Nagulat lang ako dahil may nakakabit na bagay sa aking kamay. "Mae sabi ko wag mong sabihin sa kanila, Mae! Mae!" diko siya makita kaya pinilit kong lumabas. Hirap na hirap ako akong ikilos ang sarili ko. Nadatnan ko siyang nakatulogsa sofa, dahan dahan akog lumapit sa kanya. "What a silly girl" napansin ko rin na suot suot niya ang aking tshirt at yung paborito ko pa.Napangiti ako at naalala ko ang ngyari kagabi sa amin. Magkukunwari nanaman akong di ko maalala ang ngyari, ilang beses na itong ngyari sa amin pero hindi pwede malaking gulo ito pag pinagbigyan ko ang sarili kong gustuhin siya. Ginising ko siya para pauwiin. "Mae gising! Mae" "Hmmm, antok pa ako ano ka ba" "You need to go back now" Inis na bumangon siya at tinignn ng masama. "Bakit ba ang sungit, sungit mo sa akin kagabi mo pa ako pinapalayas" "So bakit nagagalit ka ngayon, ako ang boss mo" "Wh ano naman ngayon kung boss kita huh! Diko nga alam kung ngkukunwari ka lang oh talagang makakalimutan ka" "Why are you talking about!" "Wala kang maala ngyari kagabi". "Yes naalala ko bat mo tinawagan si Clayton at Aldrin, sabi ko saiyo wag mo silang tawagan pero anong ginawa mo" "Wag mong ibahin ang usapan, yung ibang ngyari wala kang maalala?" "Wala, ano bang ngyari sabihin mo para alam ko di yung nagagalit ka ng diko alam ang dahilan" Napabuntong hininga na lang siya, alam ko na kasi ang ibig niyang sabihin, pero kailangan kong umasta na diko alam. Ayaw kong mag pakita ng interes sa kanya para di kami parehas massktan sa huli. "Halika na gamutin ko yang mga sugat mo, saka bakit ka bumangon di mo pa kaya" mahina hon niyang sabi sa akin sabay inalalayan niya ako, pero agad kong binawi ang braso ko. "No need, to help me just go back and rest kaya ko na sarili ko" "Nangako ako sa mga kaibigan mo na di kita iiwan at a alagaan kita sa ayaw at sa gusto mo susunod ka sa akin bat ba nag init ng dugo mo sa akin ah masakit ba ang mata mo na nakikita ako" "Bat ba ang sungit, sungit mo sa akin huh, samantala pag kasama mo si Troy you always smile at every time you look at him, ako lagi kang galit at nakasimangot pag nakikipag usap ka sa akin" inis din na sabi ko sa kanya. "Iba siya saiyo, mabait, gentlemen at masayang kasama di tulad ng iba diyan, pari nga suplado naman" "Umuwi kana at puntahan mo yang si Troy mo sabagay bagay kayo nagmumukha kang anak niya pag tumabi ka sa kanya" "Supladong pari!" sigaw niya sa akin saka niya ako hinila ulit. "Don't touch me! Just go back, kanina ka pa tinatawagan ng Troy mo" Tumawa siya ng mahina, at kinuha ang phone niya,nakita kong message niya ito at saka pinata ang tawag niya. "Halika na at gamutin ko ang sugat mo" "No need" saka ako tumalikod pahakbang paalis napangiwi ako sa sobrang sakit ng paa ko, nilingon ko siya nasa bandang likod ko lang siya at nakangiti pa ito. "What are you look for, you want to help me" "Di ayaw mong tulungan kita, pinapaalis mo na nga ako, sige mauna na ako tutal day off ko ngayon, makikita kami ni Troy maglalunch kami sa labas bye!" "Wait! Masakit ang paa ko I need help" sabi ko sa kanya habang hawak ko ang paa ko dahil napaupo ako sa may hagdan. Nakangiti siyang lumapit sa akin. "Kala ko ba ayaw mo akong andito sa bahay mo pinapalayas mo na ako diba" Di ako naka imik, kailangan kong gawin ito ayaw ko siyang pumunta kay Troy, mapapahamak lang siya pag mapalapit siya sa taong yun. "Kanina yun mas sumakit ngayon kailangan tulungan mo ako bago ka aalis" "Mag please ka muna" "What! Bat ko gagawin yun" sabi ko sa kanya. "So ayaw mo, sige aalis na ako" "OK! please help me I need you Mae" Lumapit siya sa akin ng husto, at tinitigan niya ako at hinawakan ang aking mukha. "What are you doing, take off your hand" "Kung ayaw ko" mahina niyang sabi. Feeling ko ang init, init ng buong katawan ko, at parang nag aapoy. Nagulat na lang ako ng sinunggaban niya ako ng halik, at halos diko maikilos ang buong katawan ko. Yes she really kiss me, at diko maitangging nagustuhan ko yun,kaya diko mapigilan sarili kong tugunan ang mga halik niya. "Ngayon, sabihin mo sa akin,kagabi you really kiss me right, ayaw mo lang amininin" Di ako nakaimik, dahil ayaw kong aminin na ako ang unang humalik sa kanya kagabi, dahil mali ito. "What a nice view bro congratulations!" nagulat kaming parehas ni Mae na lumingon sa may pintuan. "What the hell! Ibaba mo yang phone mo at burahin mo yan kinuha mong pictures" Sigaw ko sa kanya. "I don't want too, may ebidensya na ako I will give this to mom" "Louis! I will kill you" "Sige ipagpatuloy niyo lang yan don't mind me bye bro, and sister in law bye see you later" sabay kumaripas pa siya ng takbo. "Hey Louis come back here!" siga ko sa kanya pero wala nakaalis na napamura na lang ako ng inis ng tignan ko si Mae nginisian niya lang ako na parang walang nagyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD