"Bakit ba nagyaya ka ng inuman ang aga, aga palang, its only two o'clock in the afternoon" sabi ni Aldrin na halata ng naiinis sa akin.
"Help me dude, I going crazy, because of my mom!" sabi ko kay Aldrin, saka ko sinandal ang aking ulo sa kanyang balikat.
"Ginusto mo yan, dapat panindigan mo! Bat dimo na lang totohanin na maging kayo ni Mae"
"No di pwede! Di ako pwedeng patali or magmahal ng iba, may sinumpaan ako sa itaas na maglilingkod ako sa kanya habang buhay"
"Yan ba talaga ang dahilan, oh may ibang dahilan pa, my god King its been a long time since she's gone, pero pinaninindigan mo parin yang pangako mo sa kanya, you are really crazy" panenermon ni Aldrin sa akin.
"Shut up! Don't mention that thing to me, matagal ko ng kinalimutan ang nakaraan ko, at walang kina laman yan sa problema ko ngayon"
"Ganoon? So wala kang makukuhang payo sa akin, sinira mo lang kaligayan ko ngayon araw na ito, dahil sa walang kwenta mong problema" naiinis na sabi ni Aldrin sa akin saka siya tumayo.
"Wait where are you going?"
"Uuwi na ako, itutuloy ko ang inudlot mong kaligayan ko"
Hinila ko siya agad saka pinaupo ulit sa sofa, sabay tumagay ako. Wala na siyang nagawa kundi samahan ako at pakinggan ang mga problema kong walang kwenta.
"Aaahhh some one help me!" sapo, sapo ko ang aking noo dahil sa kaiisip sa pinag gagawa ni mommy.
"Bat di ka na lang pumunta sa simbahan at magmisa, at ikaw naman na pari ang humingi ng payo sa mga tao sa simbahan"
"Ayaw ko muna pumunta sa simbahan para mag misa, di rin naman ako maka concentrate"
"Kung ganoon, mam babae kana lang para mabawasan ang problema mo"
"Tarantado! Di ako kagaya mong babaero, mamaya isumbong pa kita kay Marisa sa mga pinag gagawa mo eh bastard!"
"Fvck you! Yan ang wag na wag mong gagawin King, itatakwil talaga kita, pag ginawa mo yan, so don't you dare"
"Wag mo akong inaasar, di ako natatakot saiyo, wala ka naman kwentang kaibigan di ka kawalan sa akin"
"Mahal na hari, di kana mabiro, ganito kasi. Di talaga kita matutulungan, kay Leon ka kaya magpatulong"
"Nababaliw kana ba gusto mo bang balian ako noon ng leeg, sa tingin mo ba bubuhayin niya ako, pag nalaman niyang naisali ko sa problema ko ang hipag niya, wala ka talagang kwentang kaibigan, mabuti pa Si Clayton kahit walang utak, mas matino naman siyang kausap kaysa saiyo"
"Eh bat mo ako tinawag" sagot niya sa akin.
"May iba pa ba akong choice" saka ako ulit tumagay ng dare, daretso.
"Alam ko na, gusto mo bang makalimot sa problema mo kahit saglit" tanong ni Aldrin, sabay ngumisi. Alam ko puro kalokohan lang ang alam nito kaya di ako pumayag.
"No!" agad kong sagot sa kanya.
"What? Alam mo ba kung saan tayo pupunta, No agad ang sagot mo, wag kang mag alala magjojoyride lang tayo at maghahanap ng gulo, pampatanggal ng stress, ano game!" sabay tumayo ulit si Aldrin at kinuha ang susi ng kotse ko sa aking bulsa.
"Game!" agad kong sagot saka tumayo din ako kaagad.
"Dating gawi!" sabi ni Aldrin.
"Sure, let's go"
Sabay kami lumabas ng bar, medyo may tama na ako, dahil sa sunod, sunod na pagtagay ko kanina, kaya Si Aldrin na lang ang nagmamaneho sa sports car ko.
"Namiss ko ito, nung kabataan natin na magkakabarkada. Yung tipong walang iniisip na problema kundi, mag enjoy lang, I miss that days" sabi ko.
"Me too! I miss the gang" sabi ni Aldrin.
Nagtawanan na lang kami, sabay sumakay sa aking sasakyan.
"Let's go!" saka pinaandar ni Aldrin ang sasakyan, na walang pasabi, sabi kaya parang mahilo, hilo ako medyo lasing na kasi ako.
"Hey, slowly nasusuka ako"
"What? What the hell" hininaan ni Aldrin ang patakbo ng sasakyan.
"Badtrip kailan pa tayo nito makakarating, sa pupuntahan natin" inis na inis na si Aldrin pero diko siya pinapansin. Pati mga sumusunod sa likuran panay ang busina,may nagagalit na din sa amin.
"What the fvck! Pinapataas ata nila ang dugo ko mga ito eh!" binuksan ni Aldrin ang bintana ng sasakyan saka niya sinigawan ang mga nagbubusina sa likuran namin. "
" Fvck you all, wanna fight! "paninigaw nito, kaya napangisi ako.
" Ulol! Mag pinsan nga kayo ni Leon, parehas kayong mainitin ang ulo, itigil mo ang sasakyan. Wag mong sayangin ang laway mo diyan, dapat sugurin na mga yan"panunudyo ko sa kanya.Tinigil niya ang sasakyan sa gitna na kalsada. Tumigil din ang dalawang sasakyan na puno ng mga kabataan na mga basugulero dun na kagaya namin.
Una akong bumaba, pero bago yun kinuha ko muna ang pinakamahalagang armas, at nilagay sa may tagiliran ko.
"Fine, this is gonna be exciting dude, sigurado ng mag enjoy tayo dito, let's go" sabad ni Aldrin. Lumabas kaming dalawa na walang ka takot takot, well sanay na kaming ganito, sanay na kami sa gulo tinuturing namin itong adventure.
"Wow ang angas niyo ah, da dalawa lang naman kayo" sabi ng mga kabataan sabay nagtawanan pa sila ng pagka lakas lakas.
Ako naman ngumisi lang ako, I will not even afraid of this situation.
"Aba mga ungas kayo ah, ang babata niyo pa bat dina lang kayo magtago sa palda ng mga nanay niyo" panghahamon ni Aldrin. Feeling ko nabuhayan ako ng dugo, kahit nasa katawan ko parin ang esperito ng alak. Dare, daretso akong lumapit sa isa sakanila. Hinila ko at sinuntok sa sikmura ang pinakamadaldal sa kanila.
"Ang ayaw ko sa lahat, ang taong madaldal na wala naman maibubuga" di niya alam kung saan siya hahawak sa sakit na naramdaman nito.
" Dude, masyado kang hot temper, dahan dahan lang mga bata pa mga yan baka mabalian mo sila ng buto"pang aasar ni Aldrin.
" I don't care, I'm in condition to play now, no one will stop me"
"Is that so, fine let's play" sumigaw at sabay tumawa si Aldrin.
"Wait!" pampipigil ko kay Aldrin.
"Bago ko kayo balian ng mga buto, hayaan niyong ipagdasal ko muna kayo sa itaas, na sana makalakad at buhay pa kayo. Lord please, payagan mo akong baliin ang mga braso at mga paa ng mga hambog na mga batang ito, masyado silang nagmanagaling, at patawarin mo ako dahil sa gagawin kong ito.
Sangalan ng ama at anak at Espiritu Santo AMEN, naway makauwi kayo ng matino" sabay silang nagtawanan, kala siguro nila nagbibiro lang ako.
"Wow, ikaw Lang ata na pari ang nakita kong nangunguna sa kaguluhan, tsk, tsk"sabi ni Aldrin.
"Ano pa ginagawa niyo sungurin ang mga baliw na yan" sigaw nila.
Mabilis kaming kumilos ni Aldrin, pagdating sa labanan, wala pang tumalo sa akin, maliban lang kay Leon.
"Dude, take it easy to them" sigaw ni Aldrin. Pero wala akong pakialam dahil mas lalo akong ginaganahan sa pakikipagbakbakan. After three minutes nakahandusay na silang lahat.
Panay ungol at iyak ang naririnig ko sa kanila.
"Ano? Asan mga tapang niyo huh, ang babata niyo pa eh yan na ang inaatupag niyo, ano gusto niyo pang mabalian kayo" paninigaw ni Aldrin sa kanila.
"Halla! Magsiuwian na kayo masakit ang mata kong nakatingin sa inyo" sigaw ulit niya sa kanila.
Pero dipa ako nakuntento, nilabas ko pa ang baril ko saka tinutok sa kanila.
"Maawa po kayo, dina maulit" nagmamakaawa sila sa amin.
"It's to late, dipa ako pagod sa pakikipaglaro sainyo.
" Tama na yan King, wala na silang laban, tignan mo halos baliin mo na ang mga buto nila! " pang aawat niya sa akin.
Mamaya pa'y parehas kaming nagulat ni Aldrin ng may bumato ng bote sa aking ulo na malapit sa aking sintido. Isang kabataan na binugbog ni Aldrin kanina, di niya napuruhan.
" What, the hell! "sigaw ko saka ko siya pinaputukan, halos himatayin siya sa takot.
" Dude you're bleeding, at may sugat ang sintido mo "
Hinawakan ko kaagad ang ulo ko, dumudugo na ito.
" Wow, may lamok na kumagat sa akin Aldrin, I want to kill him"sabay tinutok ko sa kanya ang baril.
" Hey king, are you serious? Tama na yan baka dimo siya matantya eh mapatay mo pa siya, alalahanin mo bata lang yan, at higit sa lahat isa kang alagad ng diyos, tama na yan halika na" sabi ni Aldrin.
Kilala niya kasi ako pag sinabi ko agad kong gagawin.
"What are you all looking for, get out of my sight now!!" sigaw ko sa kanila.
"Paano sila makatakbo, eh halos baliin mo na mga paa at braso nila"
"I don't care if I said run! Run!" sigaw ko ulit sakanila. Kaya kahit hirap silang tumakbo, pero nagawa parin nilang tumakbo.
"Imbes na mahimasmasan ka mas lalo ka atang, naging demonyo"
"Ang dami mo pang sinasabi let's go back" sabi ko kay Aldrin, sabay pumasok ako sa kotse.
"Kailangan gamutin yang sugat mo dude"
"I'm OK, just drive" utos ko sa kanya. "Bahala ka nga tutal sanay ka naman na ganyan ka" umupo sa drivers seat si Aldrin saka niya pinaandar ang kotse.
"Magbitiw ka na kaya sa pagkapari mag sundalo ka na lang kaya ah King"
"Are you crazy! Dimo alam ang mga pinagsasabi mo, para kang si Clayton mahina ang utak mo, ikaw kaya Magbitiw ka na lang kaya sa pambabae mo at mag pari kana lang kaya, para mabawasan ang kasalanan mo sa mundo"
"No way! Dipa ubos ang babae sa mundo, saka di pa ako nababaliw katulad mo, ulol"
"So just shut up Aldrin, masakit ang tainga ko saiyo"
"Yess father King" saka siya tumahimik. Maya, maya pa'y nagring ang phone ko.
Agad ko naman itong sinagot dahil galing sa simabahan ang tawag.
"Hello? Yes father Albert may problema ba?" sagot ko sa kanya,buti tumahimik din agad si Aldrin,nakatutok na lang siya sa pagmamaneho.
"Father King, kailangan namin ang tulong mo, dito sa baranggay Mapolo, may mga kalalakihan dito sa loob ng simabahan na nangugulo kanina pa habang akoy namimisa binababoy nila ang simbahan dito" pagsusumbong nito. Kaya agad akong nakaramdam ng galit sa sinabi niya.
"What! Ok I'll be there in a minute" saka ko binaba ang aking phone.
"May problema ba?" tanong ni Aldrin sa akin.
"Yes, mukhang mapapa laban nanaman tayo Dude, sa baranggay Mapolo tayo" utos ko kay Aldrin.
"Teka medyo malayo yun ah, anong gagawin natin doon"
"Mangungumpisal, bilisan mo"
"What? Isang oras ang biyahe papunta doon dude"
"Really gawin mong twenty minutes lang" sabi ko sa kanya.
"Are you crazy!" sigaw niya sa akin.
"Stop the car, right now" utos ko sa kanya.
"Wag mo sabihin na ikaw ang magmamaneho"
"Oo ako na, kaya ihinto mo ang sasakyan, diyan sa gilid"
"No, way" pagmamatigas nito.
"Ayaw mong itigil ang kotse, gusto mo bang tawagan ko si Marisa!" pananakot ko sa kanya.
"Eto na nga eh, ititigil ko na nga dika man lang mabiro"
Pinalitan ko siya sa pagmamaneho, halos paliparin ko ang kotse.
"Dude, I'm going to vomit"
"Just vomit there, don't disturb me I'm busy" Di alam ni Aldrin ang kanyang gagawin dahil sa bilis ang patakbo ko.
"Hey!" sigaw niya pero diko siya pinansin, mas lalo ko siyang tinawanan.
"Father, patawarin mo po ako at aking kasalanan, gusto ko pang mabuhay" pagdadasal niya, kaya diko mapigilan ang tumawa.
After twenty minutes makarating kami kaagad sa barrangay bumaba ako kaagad. Pati si Aldrin pero sumuka ng sumuka ito.
Agad kaming sinalubong ng isa sa tagapamahala sa simabahan.
"Buti andito kana father King kanina ka pa namin inaantay" sabi ni Mang Dante.
"Asan si Father Albert Mang Dante" tanong ko kaagad.
"Nagmimisa parin po, kaso nangugulo ang grupo ng mga kalalakihan, sa loob teka father ok lang po kayo, may mga sugat kayo sa may ulo at maraming dugo"
"Wala po ito, Ok lang ako tara na po sa loob! Let's go Aldrin"
"Dude I want water, I'm going to die"
"Bilisan mo diyan, at may gagawin tayo" sabay Hinila ko siya pa pasok sa loob ng simabahan.
Tumambad sa akin ang mga kalalakihan, na nasa tabi ni Father Albert, at iba naman nililimas ang mga donation. At pinagkakalat ang mga gamit doon "
" Mali ata ang pinasukan niyo mga anak"
Pambungad na bati ko sa kanila, kaya napalingon ang mga tao sa loob pati ang mga nangugulo.
Kita ko sa itsura ng mga tao ang takot, at pati si father nakita ko na nabuhayan siya ng loob. Sa totoo lang ako talaga ang tinatawag nila pag ganitong Sitwasyon alam kasi nila wala akong sinasanto at kinakatakutan,kahit isa akong pari.
"At sino naman ito, hero!Nagtawag pa kayo ng back up niyo eh dadalawa lang sila" sigaw ng isa sa kanila..
"Kung ako sainyo, umuwi na lang kayo, sayang lang ang gandang lalake niyo pag makikialam kayo" sabay silang nagtawanan.
Nagsigawan ang lahat ng biglang sumigaw ang isa sakanila, pati ako nagulat din. Isang kutsilyo ang dumapo sa kamay ng isang nakahawak sa mga pera G donasyon. Iisa lang ang alam kong gumagawa niyan walang iba kundi si Aldrin, magaling siya sa mga ganyang bagay.
"Ang ayaw ko sa lahat, ay wala kayong respeto sa tahanan ng panginoon. Kahit ganito ako pero may malasakit at respeto ako sa sa tahanan ng diyos" sigaw ni Aldrin. Kaya dahil din sa galit ko nilapitan ko sila.
"Hanggang diyan ka lang, ano pang ginagawa niyo sungurin niyo sila" utos ng isa sa kasama han nila.
Wala akong takot, hinablot ko siya saka ko binigyan ng suntok, at ayun na nga nagka gulo na nakikipagpalitan nanaman kami ni Aldrin ng mga suntok.
Nagkagulo na nga halos basagin ko ang mga pagmumukha nila, dahil sa galit ko.
Narinig ko na lang na umiiyak ang isang bata, hawak siya ng lalake.
"Hanggang diyan lang kayo, kung hindi masasaktan ang batang ito" pagbabanta niya.
"Wag mong idamay ang bata, pag may ngyari sa kanya sisiguraduhin kong mamatay ka diyan sa kinatatyuan mo"
"Anong gagawin natin dude" sabi ni Aldrin.
"Don't worry I will handle this" pa tuloy parin ang pag iyak ng bata, kaya dina ako nakapagtimpi.
Dahil sa wala siyang balak na bitawan ang bata, ako ang lumapit ng dahan dahan, kahit nakatutok sa akin ang kutsilyo niya. Wala akong sinayang na panahon, binunot ko ang baril sa aking tagiliran ska ko siya pinaputukan sa may binti, kaya nabitawan niya agad ang bata.
Agad din naman na nilabas ni Father Albert ang mga tao ng gumamit ako ng baril.
"Wow dude your really good in shooting"
Ngumisi ako.
"I don't have patience to wait this nonsense" saktong ibabalik ko ang baril sa aking tagiliran lumingon ako dahil sa isang boses na pamilyar sa akin.
"Sir, Father King!" gulat na sigaw niya.
***Mae Esguerra ***
"Oh ngayon ka lang nakaalala na puntahan ako akala ko dimo na ako kilala eh huh" pag eemote ng kaibigan ko na si Ricardo aka Rica, isa siyang bakla kaibigan ko since nung bata pa kami. Isa din siyang teacher na katulad ko.
"Anong gagawin ko, loves naguguluhan ako, paano ako makakalusot nito"
"Pumayag kana lang kaya tutal mayaman silang pamilya at saka boss mo pa, saka sabi mo gwapo ang boss mo, kaya kung ako saiyo, gora na"
"Di pwede, ayaw ko ng may karelasyon sakit sa ulo, tignan mo nga kapatid ko ang gulo ng lovelife niya dati, buti nga maayos na ngayon"
"Ay ewan ko saiyo, mag resign kana lang ang gulo mo din eh"
"Loves tulungan mo ako, natatakot ako sa pamilya niya, alam mo bang pamilya sila ng mafia nakakatakot"
"Gaga, kung ano ano pinag iisip mo kung gaano ka kaliit ganyan din kaliit utak mo, halla sumama ka sa akin magvolenteer na magturo sa mga bata, para mabawasan yang kaiisip mo halika na" pagyaya niya sa akin.
"Pero loves"
"Kumilos kana tara na at malelate na tayo, nakakairita kang babae ka ang arte di ka naman maganda, dwarft ka naman"
"Ay grabe siya, maganda kaya ako"
"Pero ikaw Lang nakakaalam na maganda ka, halika na nga"
Wala na akong nagawa kundi sumama sa kanya. Isang baranggay ang pinuntahan namin dito kasi lage nagvovolenteer magturo si Loves, medyo malayo sa bayan.
"Oh ayan andito na tayo, umayos ka nga Mae tignan mo itsura mo, makita ka ng mga bata ganyan ka nakabusangot"
"Oo na, sige na tulungan kitang magturo" sabi ko. Sinalubong kami ng mga bata nakakatuwa, namimiss ko na tuloy magturo.
Halos tatlong oras kaming nagturo, di nanamin namamalayan ang oras, sa sobrang saya. Nakakatuwa mga bata dahil nakikinig silang mabuti. Pagkatapos kami nagturo, pinakain kami ng mga barrangay konsehal. Kaya laking pasalamat namin ng kaibigan ko.
May isang batang humahangos ng takbo papunta sa kinaroroonan namin.
"Kosehal!" naririnig na sigaw ng bata kahit medyo malayo pa siya sa amin, kaya agad na sinalubong siya.
"Oh anong ngyari saiyo, parang hinabol ka ng aso ah" sabi ng isang kosehal.
"kasi po, nagkakagulo doon sa may simbahan, may mga nakapasok na aramado at nanggugulo sila" sabi ng bata.
"Naku andoon pa naman yung mga batang tinurugan natin kanina" sabi ko kaagad.
"Huh tara doon, baka may maitulong tayo" sabi ng mga Kosehal, kaya agad kaming pumunta.
"Wala man lang ba tumulong?" tanong ng isa sa taga rito sa kanila.
"Meron po si father astig andito siya ngayon, ang dami ng kalaban niya siya nag iisa" kwento ng bata.
Father astig, sino kaya yun naintriga tuloy ako. Pagkarating namin sa simbahan, nagkakagulo nga pero marami ang nakahandusay sa sahig na namimilipit sa sakit ng pagkabugbog nila.
"Naku loves yung bata, isa siya tinulungan natin kanina baka mapahamak" nag aalala kong sigaw.
"Kaya nga diyos ko" sabi ng kaibigan ko.
Nakaagaw pansin sa amin ang isang matangkad na lalake na matipuno ang pangangatawan nakatalikod sa amin. May hawak na baril, nakatutok sa kalaban niya na may hawak sa bata. Parang pamilya ang kanyang tindig. Maya, maya pay biglang ng alingawngaw ang pagputok ng baril, na sabayan ng pagbulagta ng lalake sa sahig na puro duguan. Kaya nagulat kaming lahat at karamihan sa kanila ay nagsitakbo. Ang kasamahan ng lalaki ng nambaril, agad siyang lumapit sa tao na nakahandusay at agad niyang kinuha ang bata saka inabot sa isang pari.
Sobrang gulat ko ng nakilala ko siya
"Teka, kaibigan ni sir King yun ah si Sir Aldrin anong ginagawa niya dito" kaya kinutuban ako kaagad, nang lumingon ang lalakeng makahawak ng baril. Di nga ako nagkamali si sir King nga.
Lumapit ako saka ako nag salita pati kaibigan niya nagulat din ng makita ako.
"Sir, Father King!" sigaw ko kaya pati siya nagulat din ng makita ako. May dugo pa sa kanyang noo at mga sugat sa mukha.
"Mae what are you doing here!" gulat na sabi niya.
"Diyos ko mahabaging panginoon, isa kang demonyo, bakit mo nagawang mambaril dito mismo sa tahanan ng panginoon, hindi ka tao demonyo ka!" sigaw ko sa kanya.
"Excuse me Misss Esguerra, nagkakamali ka, wala siyang pinatay binaril niya lang sa binti kundi niya gagawin yun tiyak mapapahamak ang bata" sagot agad ni sir Aldrin.
"Hindi di gawain yan ng alagad ng diyos kundi demonyo lamang, bakit nagdadala siya ng baril sa simbahan, kung di siya masamang tao" sabi ko ulit.
Wala din nakaimik. Pero sumabad ang isang pari.
"Iha, tinulungan niya lang kami, kung di dahil sa kanya mapapahamak ang mga tao rito, at sa saktan ang mga andito, ako ang humingi ng tulong sa kanya" pagpapaliwanag niya.
"Pero maraming paraan para tumulong na di ginagamitan ng dahas at kabayolentehan" s**o ko din.
"Mae tama na yan, mukhang totoo naman ang sinabi nila" sabad ni loves sa akin.
"Hindi! Hindi tama ito kahit saan siya pupunta may dala, dalang baril, dapat ba parisan yan ng mga kapwa niyang pari, he's bad influence" galit kong sinabi. Pero siya walang imik, bagkos ngumisi pa ito.
Kaya sobrang naiinis ako.
"Anong itsura yan, natutuwa ka pa, sabagay sanay ka sa ganyang gawain, dapat saiyo dika naging pari" sigaw ko sa kanya.
"Lahat ng nasa paligid mo mapapahamak dahil diyan sa ugaling meron ka!"
Bigla siyang lumapit sa akin, at bumulong sa aking tainga.
"You talk to much, I hate the girl like you masyadong bungangera sakit sa tainga" saka siya lumakad palayo, at nginisian pa ako habang nakapamulsa nang aasar lang ba ang itsura niya, kaya mas lalo tlaga akong naasar.
"Bye miss bungangera!" natatawang sabi ni sir Aldrin.
"Aaahhh!! Nalaka inis kayo!" sigaw ko sakanila.
Bigla siyang tumigal, at nag salita.
"Don't worry magpepenetensya ako ng isang buwan para mapagbayaran ko ang ginawa kong kasalanan, stop meddling in my life your not my wife or my mother" saka siya tuluyang umalis,Ako naman di nakaimik.
"Sumobra ba ako sa sinabi, loves? Parang hindi ata maganda mga sinabi ko sa kanya" sinabi ko kay Rica.
"Buti alam mo gaga, nakakasakit ka kaya ng damdamin, dimo pa alam ang ngyari hinusgaan mo agad yung tao, grabe ka girl" sabi niya sa akin.
Bigla tuloy ako nakonsensya sa mga sinabi ko sa kanya at nahiya sa mga tao dito.
"Anong gagawin ko loves" naiiyak kong sabi.
Pero di na niya ako sinagot basta hinila niya na lang ako paalis sa simbahan.