RUBI-28 Hindi na namamalayan ni Thalia kung saan s'ya dinadala ng kanyang mga paa, hindi n'ya na rin naisip na may kotse pala s'yang dala na naiwan n'ya sa labas ng bahay ni Mildred. Basta't hinihayaan lang n'ya ang kanyang mga paa kung saan man s'ya nito dalhin. Napadaan s'ya sa isang eskinita kung saan maraming tambay ang nag iinom at halatang lango na ang mga ito sa alak. "Oy pari, sexy," wika ng isang lalaki sabay kalabit sa katabi nitong kainuman. Napahimas naman ang lalaki ng sarili nitong balbas habang nanhihinam na nakatingin kay Thalia. "Oo nga pari, ganda, sexy pa. Tara! Sundan natin!" anyaya pa nito sa dalawa nitong kasamahan. Sabay na tumayo ang tatlo at sinundan ang bawat yapak ni Thalia, habang si Thalia naman ay walang kaalaman-alam sa kung ano na ang nangyayari sa