RUBI-6
Nagising si Thalia ng wala pa ring Alvin ang nasa paligid ng kanilang pamamahay. Kaya nagpasya na lang s'yang
bumangon mula sa pagkakahiga n'ya sa sofa upang mag kape, at habang nagpapakulo s'ya ng tubig ay nag dial s'ya ng kanyang phone upang tawagan ang kanyang asawa.
Nagising naman si Alvin dahil sa biglang pag ring ng kanyang cell phone. Inabot n'ya ang kanyang phone na nakapatong sa maliit na mesa bandang ulohan n'ya habang tulog na tulog si Mildred na naka-yakap sa kanya.
Tinignan n'ya ang kaniyang phone upang wariin kung sino ang tumatawag. It was his wife calling, kaya
sinagot niya ang tawag nito.
"A- al," hindi naituloy ni Thalia ang dapat sana n'yang sabihin ng agad na s'yang sininghalan nito sa kabilang linya.
"Pwede ba Thalia! Huwag mo akong tawagan! Uuwi ako kung kailan at kung anong oras ko gusto! Pwede ba! Stop worrying about me! Isa pa, there is no good for me going back home kung isang pabayang babae lang ang aabutan ko sa bahay na iyan!" mariing wika nito sabay baba ng tawag. Isa-isa na namang pumatak ang malalaking butil ng mga luha ni Thalia mula sa kanyang mga mata, para s'yang sinasaksak ng paulit-ulit sa mga katagang binitawan ni Alvin sa para sa kanya, mga katagang bumaon pati sa kaibuturan ng kanyang kaluluwa.
"A-alam ko, a-alam ko naman Alvin, a-alam ko na isa akong pabayang ina. Kasalanan ko kung bakit nawala ang anak natin. Kasalanan ko kung bakit nawalan ng buhay ang tahanan na magkasama nating binuo. Alam ko, alam ko Alvin, na isa akong walang kwentang Ina, alam ko, alam ko Alvin, alam ko," paulit-ulit n'yang sambit sa kanyang sarili habang panay ang pag patak ng kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata. Lumipas pa ang ilang minuto ay tanging pag tangis lang ang ginagawa n'ya sa loob ng bahay hanggang sa napagud s'ya sa ka- iiyak.
Matamlay s'yang tumayo na parang wala sa s'ya sa sarili n'yang katinuan. Dinampot n'ya ang kanyang cellphone na nasa sahig at minabuti n'yang mag palit ng damit at lumabas ng bahay. Nagtungo si Thalia sa puntod ng kanyang anak, nag sindi s'ya ng kandila at naglagay ng bulaklak. Hinapuhap n'ya ang nakaukit na pangalan ng kanyang anak sa lapida at muli na namang tumulo ang kanyang mga luha napa-yakap s'ya sa puntod ni Lilly.
"Lilly anak, namimiss na kita, Lilly, anak ko. Lilly, dapat ang anak ang maglilibing sa kanyang magulang, pero anak. Bakit? Bakit mo iniwan si mommy? Alam mo ba na ikaw ang buhay at lakas ni mommy? Ikaw ang baby ko, anak. Lilly, mahal na mahal kita, sana , sana kung hindi nagkulang si mommy ay sana hindi ka andito at nakahiga sa loob ng lapidang ito. Sana nakikita pa kita, anak," aniya habang patuloy pa rin sa pag patak ang kanyang mga luha sa pangalan ng kanyang anak na nakaukit sa lapida nito. Sobrang bigat ng kanyang puso, sumisikip ang kanyang dibdib habang nanlalabo na ang kanyang mga paningin dahil sa mga luhang nakaharang sa kanyang mga mata. "Mahal na mahal kita, mahal na mahal. Sobrang mahal na mahal kita anak ko, mahal na mahal kita, mahal na mahal. Walang kasing mahal anak. Mahal kita, mahal kita anak ko," paulit-ulit na sambit n'ya habang yakap-yakap ang libingan ng kanyang anak hanggang sa hindi na n'ya namamalayang naka-tulogan na n'ya ang kanyang pag iyak while hugging her daughter's grave.
Isang malamig na hangin ang dumampi sa balat ni Thalia, isang hangin na tila ay niyayakap s'ya kasabay ng isang mahinang bulong na s'yang gumising sa tulog na diwa ni Thalia.
"Mommy," Napabalikwas ng tayo si Thalia ng marinig ang ibunulong ng hangin sa kanyang tainga. "Tama ba ang kanyang narinig? Narinig ba talaga n'ya ang boses ng kanyang anak? Mommy? Mommy?"
Agad na umukit sa mukha ni Thalia ang kaunting saya at malapad na ngiti sa kanyang mga labi at namumutawing mga luha sa kanyang mga mata, umaasa s'ya na baka nasa paligid lang ang kanyang kanyang anak, na baka sakali ay makita n'ya itong muli.
"Lilly!? Lilly anak! Lilly?" sigaw n'ya at hinahanap ang kanyang anak sa paligid. Para s'yang baliw na inikot-ikot ang buong libingan ng kanyang anak at iginila ang kanyang paningin sa buong paligid. "Lilly!? Lily! Anak ko! Lilly!" sigaw n'ya sabay patak ng mga luha n'ya dahil unti-unting bumabalik sa kanyang isipan na wala na si Lilly, na wala na pala s'yang anak. Na malabo na n'yang makita ang nag iisang Lilly sa buhay n'ya . Napabagsak ng upo si Thalia sa mga bermuda at halos mabaliw na s'ya sa kaiiyak tawag-tawag ang pangalan ng kanyang anak.
"Lilly!? Lilly ko! Nasaan ka na!? Nasaan ka na anak ko!?" aniya at napalumpasay s'ya sa damuhan. Andito lang ang mommy anak! Anak pakiramdam, bumalik ka na sa piling ko please, balik ka na. Balik ka na kay mommy, hinihintay ka ni mommy, uuwi na tayo anak, uwi ka na, uwi ka na sa akin. Hinihintay kita anak. Hinihintay kita… pakiusap anak ko, uwi ka na, uuwi na tayo baby. Please, balikan mo na si Mommy. Mamahalin pa kita anak ko, mamahalin pa kita, Lilllllllly! Anak ko! Lilllllllly! Pakiusap naman anak ko, uwi na tayo, umuwi ka na, umuwi ka na anak, umuwi ka na, umuwi ka na sa akin pakiusap anak, pakiusap," paulit-ulit n'yang sambit na halos mawala na s'ya sa kanyang sariling katinuan. Para na s'yang baliw kaiisip na sana nasa paligid lang ang kanyang anak. Napaluhod si Thalia sa damuhan habang tumutulo ang kanyang mga luha. Napayuko siya habang umiiyak at lumapat na ang kanyang noo sa bermuda.
"Lilly koooooo, Lilly koooooo, anak." muli n'yang bigkas habang hindi maputol-putol ang kanyang mga luha, at sa pag angat n'ya ng kanyang tingin ay may natanaw s'yang isang lalaking nakatayo mula sa 'di kalayuang distansya mula sa kanya. Kahit na naka-eyeglasses ito ay alam n'yang umiiyak rin ito gaya n'ya. Hindi maitatago ng eyeglasses nito ang sakit na nararamdaman nito.
Napa-tingin si Thalia sa cross kung saan nakaukit ang pangalan ng namatay.
'RUBI Dela Vega'
"Dito sa mundo, bakit kung sino pa ang mga taong lubos nating minamahal ay s'ya rin ang nawawala sa ating piling, oh mundo, bakit ang lupit mo?" mga katanungan sa puso't isipan ni Thalia.
Nilingon n'ya ang puntod ng kanyang anak, bumalik s'ya doon at hinalikan ang pangalang nakaukit sa lapida nito.
"Anak ko, wala akong ibang nais sabihin kundi ang 'Mahal na mahal kita," aniya at
Muling humiga katabi ang libingan ni Lilly at doon muling natulog. Pakiramdam n'ya kasi ay nasa kanyang tabi lang ito at hindi nalalayo sa kanya. Pakiramdam n'ya ay parang buhay lang ito sa bawat pag yakap n'ya sa lapida nito.
Muling nawalan ng ulirat si Thalia kapiling ang puntod ni Lilly.
Matapos ring mag muni-muni ni Jhon sa Puntod ni Rubi ay nagpasya na s'yang umuwi na rin, nadaanan n'ya ang tulog na babae sa isang puntod, may katagalang tinitigan ni Jhon ang babae. Naawa s'ya rito at napatitig rin s'ya sa pangalang nakaukit sa lapidang yakap-yakap ng babae.
"Lilly Amore M Trinidad"
Napagpasyahan ni Jhon na hubarin ang kanyang jacket at ikinumot ito sa babaeng mahimbing na natutulog, makulimlim na kasi at nag-uumpisa ng dumilim ang kalangitan, kaya minabuti n'yang ibigay ang kanyang jacket sa babae saka ito iniwan.
Nag ring ang phone ni Thalia dahilan upang magising s'ya. Kinuha n'ya ang kanyang phone na katabi lang ng kanyang ulo at tinignan kung sino ang tumatawag.
Agad n'ya itong sinagot matapos makita ang incoming call.
"Yes Mildred?"
"Thalia, are you free tonight?"
"Ba-bakit?"
"Let's go to a party!" maligayang anyaya ni Mildred.
"Mildred, I don't have time tungkol sa party na 'yan, I won't go with you tonight Mildred, I'm sorry,"
"Thalia, please join me, I have a good news to you about my life! And also, ikaw talaga ang niyaya kong mag party dahil baka makatulog ito sa'yo, kaysa naman sa lagi kang umiiyak mag isa, Thalia, I'm not telling you to forget your daughter but you need to stand up. You need to live, you need to move on," wika pa nito sa pangungumbinsing tinig.
"I'm not coming with you tonight, Mildred," buo n'yang sagot.
"Thalia please, just for tonight be my best friend again and listen to something about my life," wika pa nito.
Bahagyang natahimik si Thalia at nag isip saglit.
"Okay, sasamahan kita but please, let's go home kapag alas dose na ng gabi, baka kasi umuwi si Alvin at hindi n'ya ako maabutan sa bahay namin," aniya. Pero sa kabilang banda ay naisip rin n'ya na baka tama rin si Mildred, that she need to stand up, baka sakaling sa pag sama n'ya rito ay baka makalimot s'ya sa lahat ng sakit na kanyang nararanasan kahit sandali man lang.
Isang matamis na ngiti ang agad gumuhit sa mga labi ni Mildred.
"Thank you Thalia, you're always my best best friend! " buong tuwang galak na sagot n'ya rito sabay ibinaba ang phone. Nakangiting inilagay ni Mildred ang kanyang phone sa loob ng kanyang bag.
"Uuwi daw si Alvin, tsk!" natatawa n'yang sambit. " Expect nothing Thalia, walang Alvin ang uuwi sa'yo dahil his all mine, his all mine Thalia," dugtong pa n'ya at ngiti-ngiting yumakap sa hubot-hubad at tulog na tulog na si Alvin.
Habang sa kabilang banda naman ay bumangon na si Thalia mula sa kanyang pagkakahiga ng agad s'yang may napansing isang makapal na jacket na naka-kumot sa kanyang katawan.
"Huh! Kaninong jacket ito?" buong taka n'yang bigkas sabay inalala kung kanino n'ya nakita ang pamilyar na jacket na 'yon.
"Ahhh, that man," aniya sa kanyang sarili, subalit hindi na s'ya nagpatumpik-tumpik pa at agad na s'yang tumayo dala-dala ang jacket na pagmamay-ari ng lalaki. At sa sa isip n'ya ay lalabhan n'ya nalang muna ito bago isauli kapag nakita na n'yang muli ang lalaking nasa puntod kanina, tiyak naman na muli silang magkikita dahil halos magkatabi lang naman ang puntod ng dinadalaw nito mula sa puntod ng kanyang anak.
"Anak, uuwi muna si mommy ha, promise bukas pupuntahan kitang muli at sasamahan kita rito," aniya saka hinagkan muli ang pangalan ng kanyang anak sa lapida.
Sumakay si Thalia sa sarili n'yang kotse at agad na dumeritso sa kanyang bahay. Umaasa s'ya na sa kanyang pag uwi na nakauwi na rin ang kanyang asawa.
Subalit nalungkot lang s'ya ng makitang wala pa ang kotse nito, ang ibig sabihin lang nun ay hindi pa ito umouwi.
Mabigat ang balikat ni Thalia na pumasok sa loob ng bahay, mula kasi noong
nawala ang kanyang anak ay tila parang nawalan na rin s'ya ng asawa, pamilya at tahanan, ang bahay na dating masaya ay tila naging isang tuyot na dahon na wala ng buhay. Matamlay man ang kanyang kalooban ay agad pa rin s'yang nag bihis, para sa pagdating ng kanyang kaibigan ay handa na s'ya. Matapos n'yang igayak ang kanyang sarili ay naupo na s'ya sa sofa para doon na hintayin ang pagdating ni Mildred. Makalipas ang ilang minuto ay dumating na nga ito suot-suot ang maligayang aura.
"Hello Thalia! Are you ready!?" buong enerhiyang sambit ni Mildred ng bumongad ito sa pintuan ng pamamahay ni Thalia.
Pakinding-kinding itong pumasok at ipinapakita kay Thalia ang kagandahan ng fitted maroon dress niya.
"How's my outfit huh?" ani nito sabay ikot to show Thalia how elegant she is.
"You look so pretty and sexy Mildred, hindi ako nagtataka kung bakit ikaw ang #1 top sexy magazine model ngayon. Dahil look, your so pretty and elegant too," puri ni Thalia sa kanyang kaibigan.
Ngumiti naman si Mildred sa kanya sabay sinuyod nito ang buong pagkakaayos ni Thalia.
"Is that your final outfit?" sambit nito sa hindi natutuwang tinig.
"Ye-yes, bakit may problema ba?" sagot n'ya.
"Yes! And it's a lot!" turan ni Mildred at inilapag ang dala nitong bag sa sofa at kinuha mula sa loob ng bag ang kulay maroon na dress.
"Look Thalia, I bought one more dress for you, we're best friends so it's not bad to share same thing," wika nito at ipinakita kay Thalia ang dress na katulad ng suot n'ya. " I buy two for us," dugtong pa nito.
"Mildred, may asawa na ako at anak," muli na namang umukit ang lungkot sa mukha ni Thalia ng mabigkas n'ya ang katagang 'anak' muli na naman s'yang nakaraan ng pangungulila para sa anak n'yang si Lilly, parang pinipiga-piga ng sobrang lakas ang kanyang puso at naninikip na ito. Muli na namang namutawi at nangilid ang kanyang mga luha mula sa kanyang mga mata. Hinapuhap ni Mildred ang likod ng kanyang kaibigan upang ipahatid ang kanyang pagdamay.
"Thalia, be strong," ani pa nito sa kanya.
Pinunasan ni Thalia ang mga luhang pumatak sa kanyang mga mata at iniangat ang kanyang tingin sa kanyang kaibigan at hinawakan n'ya ang kamay nito.
"Thank you Mildred, salamat at nandito ka sa tabi ko, napakaswerte ko at mayroon akong kaibigan na tulad mo," aniya.
"Ano ka ba, what are friends for diba? Ibig sabihin ba n'yan ay isusoot mo na ang damit na ito," sambit pa n'ya sabay kindat.
Napangiti naman si Thalia sa ginawa ng kanyang kaibigan.
"Ano ka ba Mildred, masyado naman yata 'yang sexy para sa katulad ko, hindi na nababagay sa akin ang damit na 'yan," sagot n'ya.
"Come on Thalia, pagbigyan mo naman ako, we are going to the elegant club at halos ang mga pumupunta doon ay mga modelo, artista at iba pang mga kilalang tao, I want you to wear this outfit even just for tonight, kahit para lang din sa akin Thalia. And also, you owned the name of the most beautiful and sexy woman sa larangan ng magazine noon, you owned the #1 top model for how many years kaya hindi siguro masama kung magsusuot ka nito kahit ngayon lang," wika pa nito at
saglit namang napaisip si Thalia.
"Okay just for tonight and for you," sagot n'ya sabay kuha ng dress kay Mildred.
"Wait me here," dugtong pa n'ya at umakyat sa hagdan papuntang silid. Pagkapasok ng silid ay agad na hinubad ni Thalia ang dati n'yang suot at ipinalit ang ibinigay na dress ni Mildred sa kanya. Humarap siya sa malaking salamin to look at herself.
"Wow, it's been a long time," aniya sa kanyang sarili, she put a little make up on her face and a little red lipstick on her lips.
Saglit na pinagmasdan ni Thalia ang kanyang sarili sa salamin, at pati s'ya mismo ay nagulat sa kanyang imahe. She appreciates her looks, she can't believe to herself that she still owned her beautiful figure at hindi ito nagbago kahit na nagkaroon na s'ya ng isang anak.