Rubi-22 "Mrs Trinidad, I'm sorry for this kind of a bad news, excuse me," sabi ng doktor saka iniwan si Thalia na nag iisa sa loob sa kwarto. Kinagat ni Thalia ang kanyang sariling hintuturo ng sobrang lakas hanggang sa mag dugo ito. "Ano pa ba ang silbi ko sa mundo? Ano pa ba ang dahilan ko para mabuhay? Bakit lahat nalang ay binabawi sa akin? Bakit ka ganyan panginoon ko? Binawi mo na sa akin ang anak ko at ngayon pati ang kakayahan kong magsilang ng isang pang sanggol ay binawi mo na rin. Ano ba ang kasalanan ko sa'yo diyos ko? Ano ba ang naging kasalanan ko sa'yo? Ano? Ano ba? Bakit ganito? Bakit mo ako pinaparusahan ng ganito? Ang hirap-hirap naman, ang sakit-sakit naman ng ganito, halos wala ng matira sa akin, nauubos na ako, ubos na ubos na ako, d'yos ko. Bakit? Bakit ganito, b