RUBI-12 Pinagdiwang ni Thalia ang kanyang kaarawan kasama si Mildred. Nagsalo ang dalawa sa konting pagkain at cake na dala ni Mildred para sa kanya. At kahit papaano ay naibsan ng kaunti ang kaniyang lungkot. Buti nalang talaga ay may kaibigan s'ya na kagaya ni Mildred. Kaibigan na hindi s'ya iiwanan ano man ang mangyari. "Na busog ako!" masayang bigkas ni Thalia. "Hmmm…. Thalia, how about mag inom tayo?" hamon ni Mildred sa birthday girl. "Inom, naku! Huwag na Mildred, sapat na ito, hindi na ako nasanay sa inuman. Baka mabitin ka lang sa akin," sagot pa n'ya rito. "Ano ka ba, hindi naman tayo magpapaka-lasing, sakto lang. Sige na, inom na tayo," sabi pa nito at pinataas ng paulit-ulit ang isa nitong kilay na ikina-tawa naman ni Thalia. "Hindi ka pa rin nagbabago Mildred, kapag