Rubi-26 Mataray na pinarolyo ni Mildred ang kanyang mga mata at umabanti papuntang harapan ni Thalia. "Minahal mo ako!? Ako Thalia, minahal mo?" anito at bahagyang humalakhak. " Minahal mo ako!? Nakakadiri naman 'yang pakingan. Kung yan lang naman ang nais mong sabihin sa akin, pwes! Makinig ka! Kahit kailan ay hindi kita minahal Thalia! Kahit isang segundo ng buhay ko ay hindi kita itinuturing na kapatid, o kahit isang kaibigan man lang! Nasusuka ako sa bawat araw na kailangan kong pakitunguhan ka ng maayos! Dahil lahat ng pag-ibig! Pagmamahal na ninanais ko! Pati trabaho! Ay nasa sayo! Halos lahat ng Thalia! Halos lahat nalang! Sa totoo lang, kinasusuklaman kita! Ang pagmamahal ng mga taong itinuring kong pamilya ay nakuha mo pa! Pati sa huling hininga nila ay ikaw pa rin ang hinaha