RUBI-8

2464 Words
RUBI-8 "Maayos na relasyon?" aniya sabay baling ng kanyang tingin sa mga taong nagsasayaw sa dance floor. "Matagal pa kami bago maging maayos Thalia," dugtong n'ya na s'ya ring ipinagtaka ni Thalia. "Diba Boyfriend mo s'ya? Ba-bakit ganyan ang tuno mo? Hi-hindi ba kayo maayos?" usisa n'ya. "Actually, maayos naman kami hangat hindi kami nahuhuli ng asawa n'ya," napaka-simpling sagot ni Mildred. Napapitlag naman ni Thalia ng marinig ang mga katagang 'yon mula sa mga labi ng kanyang kaibigan. "Te-teka nga, sabi mo maayos kayo at boyfriend mo s'ya. Mi-Mildred, pumatol ka sa may asawa!" bulalas pa n'ya rito. Ngumiti si Mildred sa kanyang kaibigan at bahagya humalakhak ng konti. "Ba-bakit parang gulat na gulat ka Thalia? Ano ka ba! Sa panahon ngayon eh uso na ang kabit dahil uso na rin ang boring na asawa," natatawa n'yang sabi. "Mildred, hindi ka ba natatakot na baka iwan ka na lang n'ya kinabukasan? Hindi ka ba natatakot na baka makasira ka ng pamilya? Hindi ka ba natatakot na baka karmahin ka at saka, mali 'yan Mildred eh," "Mali ito Thalia kapag nahuli, eh kapag hindi naman ay ayos-ayos lang. Tsaka hindi ako iiwan nun, dahil sabi n'ya ay mahal daw n'ya ako at hindi n'ya daw ako iiwan. Pipiliin daw n'ya ako kaysa sa asawa n'ya, sasama s'ya sa akin at hindi doon sa asawa n'yang nakakaboryong kasama," sambit pa ni Mildred sa may halong pagmamalaking tinig. "Pero...Mali pa rin ito Mildred," "Mali na kung mali Thalia, ang emportante ay nagmamahalan kaming dalawa. Ipaglalaban ko s'ya, at dahil sa pagmamahal ko sa kanya ay kaya kong ipaglaban ang pag-ibig na tinatawag mong mali. Ipaglalaban ko ang pag-ibig ko kahit makasakit pa ako. Ikaw ba Thalia, diba ipaglalaban mo rin kapag inagaw mula sayo si Alvin, hindi ba?" Mabilis na bumuka ang mga bibig ni Thalia para sagutin ang kaibigan. "Oo naman, asawa ko 'yon. Ipaglaban ko s'ya kahit anong mangyayari," "Ako rin Thalia, ipaglalaban ko si Alvin, dahil… Akin lang s'ya!" biglang nakaramdam si Thalia ng kaba sa mga ibinigkas ni Mildred sa kanya, iwan ba n'ya kung bakit ganoon ang kanyang naramdaman. Tila parang biglang nanlamig ang buo n'yang kalamnan dahil sa mga itinuran nito sa kanya. Napakamot nalang si Thalia ng kanyang tuhod at hindi ipinahalata kay Mildred ang kanyang pagkabalisang nararamdaman. "Ikaw Thalia, paano kung isang araw ay malaman mong may ibang babae ang asawa mo?" seryosong wika pa ni Mildred. "Ay, naku Mildred! Sa dinami-rami ng tao sa mundo alam kung hindi ako lolokuhin ng asawa ko, mahal ako non at may tiwala ako sa sumpaan naming dalawa. Si Alvin ang lalaking hindi ako magagawang palitan," aniya na may sigla sa tinig. Tinitigan ni Mildred si Thalia sa mga mata nito at sinuri n'ya ito kung hanggang saan ang paniniwala nito sa kay Alvin. Biglang parang napaso si Thalia sa mga titig na itinatapon ni Mildred sa kanya. Nag-iwas s'ya ng tingin sa kanyang kaibigan at tumingin sa ibang direksyon upang maiwasan n'ya ang pagka-pressure mula sa mga mata nito. "Oh, talaga? Sigurado ka?" tanong nito sa naghahamon na tinig. Pinilit ni Thalia ang ngumiti sa nakakasindak nitong mga tingin at mga tanong. "Oo naman Mildred. Malaki ang tiwala ko sa asawa ko, at alam kong hindi n'ya ako lolokuhin," Mildred smiled so sarcastic. "Then, where is Alvin now? Ilang araw na ba s'yang hindi umu-uwi sa bahay ninyong dalawa?" Natahimik si Thalia dahil wala s'yang maisagot rito, hindi n'ya alam at wala s'yang alam kung nasaan ang kanyang asawa dahil sa bawat pag tangka n'yang tanungin ito ay lagi lang s'ya nitong sinisinghalan at lagi nalang nitong i-pinapamukha sa kanya na kasalanan n'ya ang pagkamatay ng kanilang anak. Muling gumohit ang mga ngiti ni Mildred sa kanyang mga labi ng makita n'yang tikum lang ang mga labi ni Thalia. "Wala kang alam diba? Wala kang idea kung nasaan s'ya, o, baka nasa kanino s'ya diba? Thalia, saan ba pwedeng matulog ang asawa mo bakit hindi s'ya umu-uwi? Anong ginagawa n'ya? Naaaasaan s'ya? Sino ang kapiling n'ya? Bakit wala s'ya sa tabi mo? Hindi mo ba naisip, na baka may kabit ang asawa mo? Hindi mo ba naisip na baka kagaya rin s'ya ng boyfriend ko na may asawa na nga kinalabit pa ako? Anong sa tingin mo Thalia?" Mahigpit na napa-kapit si Thalia sa kanyang dress at labis s'yang kinabahan sa mga katagang binitawan ng kaibigan n'ya sa kanya, parang nagkakarera ang mga kabayo sa kanyang puso sa labis na pagkabog nito at kulang na lang ay sasabog na ito, dahan-dahan ring s'yang nawalan ng kumpyansa sa relasyon nilang mag asawa. "Hindi, hindi ako magagawang lokohin ng asawa ko, hindi, hindi n'ya ako magagawang iwan. Alam ko, alam ko, hindi ganun si Alvin, hindi s'ya ganun," pangungumbinsi pa n'ya sa kanyang sariling isipan. "Hi-hindi Mildred! hindi ganyan si Alvin!" may kalakasan n'yang sambit. Humalakhak si Mildred, halakhak ng isang tagumpay. Dahil alam n'ya na sa tinig ni Thalia ay nayanig n'ya ito. Na na-taniman n'ya ito ng kaba at takot sa kaibuturan ng kaluluwa nito. "Ano ka ba Thalia, bakit namumula ang tainga mo? Bakit bigla nalang nag iba ang tuno mo? Kalma ka lang, diba sabi mo may tiwala ka sa asawa mo? Eh bakit parang nasisindak ka ngayon?" aniya sabay hinawakan sa pisngi ng kanyang kaibigan. " Don't worry Thalia, I think Alvin won't cheat on you. That's right, trust your husband Thalia, that he…… Love you that much para hindi ka n'ya magagawang lokohin at hindi n'ya magagawang mag laway sa iba," dugtong pa n'ya rito. "Let's go home Thalia, umuwi na tayo, baka hinihintay ka na ng asawa mo sa bahay n'yo, dahil ako, hinihintay na rin ako ni Alvin sa bahay ko," anyaya n'ya kay Thalia at tumayo rin si Thalia at sabay silang lumabas ng club, pumasok na sila sa loob ng kotse at inihatid pa ni Mildred si Thalia sa harap ng bahay nito. Isinara ni Thalia ang pinto ng kotse ni Mildred at nakangiti nagpaalam. "Maraming salamat sa paghatid sa akin Mildred," aniya. "My dear best friend, huwag mong isipin ang mga sinabi ko sayo kanina, baka dibdibin mo 'yon. Huwag kang mag alala, mahal ka ni Alvin," sambit ni Mildred at ngumiti naman si Thalia. "Pasok na ako Mildred, ingat ka, goodnight." sagot n'ya at pumasok na s'ya ng gate. "Goodnight too Thalia, sleep alone. Dahil tonight is my sweet night with your loving husband," sambit ng kanyang isipan habang pinagmamasdang pumasok si Thalia sa loob ng gate nito bago s'ya umalis at dumiretso na s'ya sa kanyang bahay. Kakapasok pa lang ni Mildred sa loob ng kanyang bahay ay may naamoy na s'yang isang mabangong ulam. Sinundan ni Mildred ang mabangong amoy na 'yon at dinala s'ya nito sa kusina. "Howow, nagluluto ka?" masaya n'yang wika ng bumongad sa kanyang mga mata si Alvin na abala sa kusina. "Ikaw na pala 'yan babe, wait lang ha. Ihahain ko muna itong ulam," ani ni Alvin tsaka nilapitan si Mildred at ginayak ito paupo sa mesa. "Maupo ka muna d'yan babe, alam kung hindi ka kumain kanina kaya ipinag-luto kita. Wait ka lang d'yan ha, ihahanda ko muna ang ulam para sa'yo," napaka-sweet na sambit ni Alvin kay Mildred at bumalik na s'ya sa loob ng kusina. Habang si Mildred naman ay masaya at nakangiting nakaupo sa harap ng mesa, labis ang ligaya na kanyang nararamdaman dahil ito palang ang pinakauna-unahang ipinag-luto s'ya ng isang lalaki sa tanang buhay n'ya, ito palang pinakaunang nangyari sa buhay n'ya na inasikaso s'ya ng isang lalaki. Marami na s'yang naging karelasyon at naka-s*x pero ngi isa roon ay walang nag aksayang asikasuhin s'ya, kahit isa roon ay walang nagparamdam sa kanya na isa s'yang babae na dapat na inaalagaan at minahal. Lahat ng mga lalaking nakatalik n'ya ay mga walang kwenta, minsan ay nagigising nalang s'ya pagka-umaga na wala na ang mga ito sa tabi n'ya, at ang iba naman ay nagmamadaling umuwi sa kani-kanilang mga asawa, o, jowa. Nge isa sa mga lalaking 'yon ay walang nagtangka na alagaan s'ya. Sabagay, ganun naman talaga, sanay na s'yang nakikihati sa attention at pagmamahal, nais n'yang makaramdam ng pagmamahal kahit konti lang naman sana. Pero lahat ng pagmamahal na hinihiling n'ya ay s'yang mabilis na nakukuha ni Thalia. Tanda pa n'ya noong nasa bahay ampunan pa lang sila ni Thalia, ay si Thalia nalang ang laging magaling at paborito ng lahat, si Thalia na lang ang mahal ng lahat. Tanda pa n'ya noon na s'ya dapat ang aampunin ng mag asawang mayaman noon ngunit umipal si Thalia at si Thalia na ang nagustuhan ng mga ito, at si Thalia na ang inampon ng mga ito. Embis na s'ya dapat 'yon. Habang s'ya, ay inampon lang ng katamtamang mag asawa, hindi mayaman at hindi rin mahirap. Sapat lang na mabubuhay s'ya ng mga ito. Kung s'ya dapat ang na ampon noong una ay sana lumaki s'yang sagana at hindi 'yong naghihirap pa s'yang abutin ang pangarap n'ya. At saktong sa pag alis n'ya sa loob ng bahay ampunan ay naging kapit bahay pa n'ya si Thalia, at ang pagmamahal na dapat sa kanya ay nakuha na naman ni Thalia, minahal rin si Thalia ng kanyang bagong magulang, at hindi lang 'yon. Minahal rin si Thalia ng sarili nitong kinikilalang magulang. At sa paglaki nila ay palagi nalang si Thalia ang honor student. At kahit sa career ng modeling, isinama n'ya lang noon si Thalia bilang taga bit-bit ng kanyang gamit ngunit ng makita si Thalia ng kanyang manager, ay agad nitong inalok si Thalia ng trabaho, at naunahan pa s'ya ni Thalia na sumikat at lagi pa itong #1 top magazine model. Maging sa lalaki, lahat ng kanyang magugustuhan ay nanliligaw kay Thalia. Pero ngayon, iba na. Iba si Alvin sa lahat, maalaga ito at higit sa lahat ay nakuha n'ya rin ang isang pagmamay-ari ng kanyang kaibigan. "Thalia, kahit kailan ay hindi kita itinuturing na kaibigan, kundi isang karibal! Mawasak na ang lahat pero ipaglalaban ko si Alvin, para sa kanya ay kaya kong maging higit na mas masama. Si-siguraduhin kong sa puntong ito ay hindi na ako ang manglilimos ng pagmamahal kundi ikaw Thalia! Akin naman talaga sana si Alvin eh, kung hindi ka lang n'ya nakilala at kung hindi ka lang sana laging naka-kabit sa buhay ko! Kahit kailan ay sagabal ka sa lahat! Lagi mo nalang nakukuha ang lahat na dapat ay sa akin!" sambit n'ya sa kanyang isipan. Hindi nagtagal ay tapos ng ihain ni Alvin ang niluluto nitong ulam na pinakbet. "Here it is," wika ni Alvin at s'ya pa mismo ang naglagay ng pagkain sa plato ni Mildred. Hindi naman mawala-wala ang ngiti at mga titig ni Mildred kay Alvin. "Oh, bakit ganyan ka kung makatitig sa akin babe?" ngiting tanong pa ni Alvin sa dalaga. "Wa-wala, ngayon lang kasi ako nakaranas ng pinaghandaan at ipinag-luto ng isang tao," aniya. Hinawakan ni Alvin ang baba ni Mildred at siniil ng halik ang mga labi nito. "From now on Mildred, I will take care of you at lulutuan pa kita ng mas marami araw-araw," malambing n'yang sabi sa dalaga. "Ayan na, kain ka na. Baka lumamig pa 'yan at baka ikaw na ang papainitin ko," birong banta pa n'ya sa dalaga na ikinatuwa naman nito. "Talaga? Aalagaan mo ako. Ibig-sabihin ba nun ay hindi mo ako iiwan? Mas pipiliin mo ba ako kaysa kay Thalia?" bahagyang natahimik si Alvin sa tanong ng dalaga sa kanya. Huminga s'ya ng malalim habang si Mildred naman ay naghihintay ng isasagot ni Alvin sa kanya. "Yes, of course babe. Pipiliin kita kaysa sa asawa ko at paulit-ulit kong gagawin 'yon," sagot pa nito sabay siil ng halik ni Mildred sa mga labi nito. Habang sa kabilang banda naman ay kahit medyo naka-inom si Thalia ay nagawa pa n'yang ipagluto ang kanyang asawa para sa pagdating nito. Inihanda n'ya ang pagkain sa mesa at hinintay ang pag uwi ng kanyang asawa. Subalit ilang oras na ang nakalipas ay wala pa ring Alvin ang umuwi hanggang sa umupo siya sa sofa at doon na nakatulog. Kinaumagahan ay nagising pa si Thalia ng wala pa ring Alvin ang dumadating. Habang si Alvin naman ay nasa piling ni Mildred at masarap ang tulog nito. Niligpit nalang ni Thalia ang mga pagkain at nagpasya s'yang maglaba nalang. Habang bit-bit n'ya ang mga ibang labahan ay napatitig si Thalia sa kalendaryo. "Sana, maalala n'ya kung anong araw bukas," aniya sa kanyang isipan. Naging abala si Thalia buong araw sa gawaing bahay, saktong alas tres ng hapon ay narinig ni Thalia ang pag bukas ng gate. Mabilis s'yang naglakad palabas upang tingnan kung sino ang dumating. At sa kanyang pagtingin ay nagulantang s'ya sa kanyang nakita ng makita n'yang magkasama sina Alvin at Mildred. Inaayos nga ni Mildred ang na gusot na damit ni Alvin. "Mi-Mildred!? A-alvin!?" bulalas n'ya. Sabay namang lumingon ang dalawa at nag patay malisya. Tinanggal ni Mildred ang kanyang mga naka dapong kamay sa damit ni Alvin. "Hi Thalia," ngiting wika nito at humakbang palapit sa kanyang kaibigan at humalik sa pisngi nito. "Mi-Mildred, ba-bakit kayo magkasama ng asawa ko? Saan kayo galing? Bakit sabay kayo?" buong takang sambit ni Thalia na punong-puno ng katanungan. "Sabay!?" kunwaring gulat na sambit ni Mildred. "Anong saan galing Thalia? Hindi kami magkasama, nagkasabay lang kaming pumasok rito, nakita kong gusot ang damit n'ya kaya inayos ko," aniya at inilapat ang kanyang mga labi sa tenga ng kanyang kaibigan at binulungan ito. "Naaalala mo pa ba ang mga sinabi ko sa'yo kagabi Thalia? Isipin mo, umuwi ang asawa mo na gusot ang damit. Kung ako sa'yo, kabahan ka na," aniya sabay ngumiti bago ulit iniharap ang kanyang mukha kay Thalia. Habang si Thalia naman ay sinuyod ng tingin ang kanyang asawa mula ulo hanggang paa. Humakbang si Alvin palapit sa dalawa. "Hindi ko gusto ang mga titig mo Thalia! Pinaghihinalaan mo ba ako!?" pabagsak nitong sambit sa kanyang asawa at dinaanan lang ito. "A-alvin hindi sa ganon," aniya subalit hindi na s'ya nito pinansin. "I should take my leave Thalia, mukhang bad timing yata ako," sambit pa ni Mildred. "Naku, Mildred. Pasensya ka na sa asawa ko ha, ha-hayaan mo muna s'ya Mildred. Halika, pasok ka," anyaya n'ya sa kanyang kaibigan dahil nahihiya s'ya rito sa ipinakitang ugali ng kanyang asawa sa harap ng kanyang kaibigan. "Never mind Thalia, I just came here to check kung okay ka," sagot nito at hinalikan sa pisngi ang kaibigan at muli itong binulungan. "Thalia, mag ingat ka. Alalahanin mo lalaki ang asawa mo, malapit iyan sa tukso," dugtong pa n'ya rito. "Bye Thalia, my pictorial pa ako, I have to leave. Ingat ka d'yan," paalam pa ni Mildred sa kaibigan. Habang suot-suot sa mga labi nito ang malanding ngiti sa mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD