RUBI-24 "Thalia! Thalia! Huwag mo akong pigilan ano ba! Ha! Ano ba!" galit na wika pa ni Alvin habang naka-hawak ang kanyang mga kamay sa magkabilaang balikat ng kanyang asawa at halos bumaon na ang kanyang mga daliri sa balat nito. "I want to leave! I want to leave!" dugtong nito habang matalim na tinitignan ang kanyang asawa sa mga mata nito. Mga titig na halos bumaon sa kaibuturan ng kaluluwa ni Thalia. Habang si Thalia naman ay panay ang pag hikbi at pag ingos n'ya sa harapan ng kanyang asawa. "Hon, please, please don't leave. Don't leave hon please, I love you, I love you hon, mahal kita Alvin, mahal na mahal kita. Hindi ko kaya kung pati ikaw ay mawawala pa," aniya habang humahagolhol at nagsusumamo sa harap nito. "May iba ka na ba ha, Alvin!? Meron na ba!? Meron na ba!? Ano,