"Anong gagawin natin baka tuluyang maghiwalay ang mag asawa." Napatingin si Kim kay Ana nang sabihin niya yun. Nasa office ni Marc si Reymund at Ana. Si Kim naman ay nakikinig sa usapan ng magkakaibigan habang abala sa trabaho. "Wala tayong magagawa jan away ng mag asawa yan. Hindi tayo pwede makealam." Sagot ni Marc habang nakatingin sa computer. "Next month na yung kasal namin ni Reymund, ayoko namang ikakasal kami tapos sila maghihiwalay." Namroblema si Ana sa sitwasyon ni Suzet at Darwin nang mag away ang dalawa at umalis si Darwin sa bahay nila. "Love huwag mo ng masyadong isipin yun alam ni Darwin ang gagawin nya." Baling ni Reymund sa asawa. "Hindi naman maghihiwalay yung dalawa. Mag aaway lang yan pero hindi yan maghihiwalay." Ani Marc. "Wait diba pupunta tayo sa resort sa Ba