CHAPTER 3

1878 Words
"Sir, you have a board meeting at 10:30am!" Ani Kim pagpasok niya sa office ni Marc. Tumingin si Marc sa oras tsaka siya tumayo. Kinuha niya ang coat na nakasabit sa likuran ng upuan niya at sinuot yun. Dali dali namang lumapit si Kim sa kanya para tulungan siya. Nang maisuot niya ang coat ay inayos ni Kim ang kuwelyo nun. Isa isa din nitong sinara ang butones. Matapos nitong maisara yun ay sinipat pa nito kung maayos na ang pananamit niya. Nanatili siyang nakatayo habang may pinapagpag na kung ano si Kim sa balikat niya. Umikot pa ito sa likod niya. Hindi niya alam kung matutuwa siyang may pagka metikulosa ang sekretarya niya pero natuwa na din siya dahil ginagawa talaga nito ng maayos ang trabaho niya. "Okay na po Sir!" Nakangiting sabi ni Kim nang masigurong maayos at presentable ang boss niya. Nakangiti sa kanya si Marc nang tignan niya ito. Pakiramdam niya ay parang nalusaw na naman ang puso niya sa ngiti ng boss niya. Kumilos na ito para lumabas ng office. Nakasunod naman siya sa likod nito bitbit ang ang isang folder, notes at pen na gagamitin niya para sa minutes ng meeting. Habang naglalakad sila papunta sa conference room ay pinagmamasdan niya si Marc na nasa unahan niya. Straight body ito habang naglalakad, bawat hakbang ay parang sinasabi nito sa lahat na pag aari niya ang bawat tinatapakan niya, na siya ang hari ng kumpanyang yun. Pansin din ni Kim ang mga empleyadong humihinto sa ginagawa para batiin siya. Nasa unahan niya si Marc kaya hindi niya alam kung may tugon si Marc sa bawat pagbati ng mga empleyado sa kanya. Feeling niya ay seryoso lang itong naglalakad na kahit ngitian o tapunan man lang ng tingin ang mga empleyado ay hindi nito ginagawa. Pagdating sa conference room ay may ibang mga tao na din ang nandoon. Malaki ang kwartong yun. May rectangular na table at may screen projector sa harapan. "Dad!" Narinig niyang tawag ni Marc sa nakaupong lalake na nasa head ng table, tantya niya ay nasa late 50's ang edad nun. Daddy? So yun yung Chairman. Umupo si Marc sa right side ng Chairman. Tumayo naman si Kim sa likod nito. "Kuya may bago ka na palang secretary eh!" Napatingin si Kim sa babaeng katabi ni Marc sa upuan. Kuya? Kapatid niya. "Yeah! She is my Secretary Kim!" Tumingin sa kanya si Marc ng sabihin yun. "Hi Secretary Kim, I'm Desiree!" Nakangiti ito kaya napangiti din siya. "She's my step sister... And here's my dad...the chairman!" Baling ni Marc sa Daddy niya. "Hello po, Good day Sir, Mam... I'm Kim!" Tumango siya at ngumiti kay Desiree at Daddy ni Marc. "Nice choice... Now, you can't even think of playing with your secretary." Sarkastikong ngumiti ang Chairman. Napakamot naman ng batok si Marc tsaka siya nilingon sa likuran. "You can sit there!" Tinuro ni Marc ang upuan sa gilid. May mga babae ding nakaupo doon. Tingin ni Kim ay mga secretary din sila. Ilang minuto ng magstart ang meeting. Isang oras mahigit ang inabot nun. Saktong lunch nang matapos ang meeting. May pagkain na sinerve para sa lahat ng nandoon kasama na rin silang secretary. Napatingin si Kim kay Marc habang kumakain na nakikipag usap sa ibang board member. Nakita niyang may naiwan na sauce ng kinakain na sweet and sour pork sa gilid ng labi ni Marc. Nang makita yun ay hindi niya napigilan ang sariling lumapit kay Marc at punasan yun. Nabigla at napatigil naman sa pagnguya si Marc nang punasan ni Kim ang gilid ng labi niya gamit ang panyo niya. Napatingin naman ang lahat sa kanila. Nang mapunasan yun ay napansin naman niyang nawala sa ayos ang kuwelyo ni Marc kaya inayos din niya yun. Bumalik na siya sa upuan niya matapos yun. "Iba ka girl!" Sabi sa kanya ng secretary na katabi niya. Napakamot naman ng ulo si Kim. Hindi niya kasi mapigilan ang sariling gawin yun. Pakiramdam niya ay obligasyon niyang gawin yun kay Marc sa anumang oras. Matapos ang meeting na yun ay may dalawa pang meeting na inattendan si Marc kasama siya. Hanggang sa matapos ang oras ng trabaho. Pumunta si Kim sa office ni Marc para magpaalam ng umuwi kaso may kausap ito sa cellphone habang nakatingin sa laptop niya. Naisip niyang nagtatrabaho pa rin ang boss niya kaya naisip niyang maghintay na lang dahil baka may iutos pa ito sa kanya. Napatingin si Kim sa oras malapit na mag 6pm. May isang oras na siyang naghihintay. Maya maya ay lumabas na si Marc ng opisina. "Oh why are you still here!" Sabi ni Marc ng makita siya. Katapat lang ng office nito ang pwesto niya. "Hinihintay ko po kasi kayo." Kinuha na ni kim ang bag at naisipan na rin umalis. Sumabay na lang siya kay Marc sa paglalakad patungo sa elevator. "Next time just go home kapag tapos na ang office hour. Huwag mo na ko hintayin." Sabi nito sa kanya habang kasabay niyang naglalakad. Pagbaba sa ground floor ng elevator ay bumaba na si Kim. Marami na ring nagbabaan na empleyado. Sa parking sa basement pa bababa si Marc kaya nanatili pa siya sa loob. Nagpaalam siya dito bago siya bumaba ng elevator kaso hindi niya alam kung narinig yun ni Marc dahil halos sabay sabay din nagpaalam ang iba pang empleyado. Hinayaan niya na lang at dumiretso ng umalis. Unang araw pa lang niya yun sa trabaho. Naisip niya na parang ang daming pangyayari ng araw na yun. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Naisip niya ang boss niya, hindi pa niya masabi ang ugali nito pero tingin niya ay mabait ito. May ilang beses siya nito nginitian kaya napakagaan ng loob niya. Bigla din siyang nakunsensya dahil niloloko niya ito sa pagbabalatkayo niya. Malamang ay hindi siya nito mapapatawad at baka tanggalin pa siya sa trabaho kapag nalaman ang totoo. Pag uwi sa bahay ay sinalubong siya ng anak nyang si Dj. "Mommy. Nakita mo si Daddy?" Bungad nitong sabi pagkakita sa kanya. "Ha daddy?" Nagtaka niyang tanong. Umalis si Dj at pag balik ay bitbit nito ang magazine na may cover photo ni Marc. "Lola said you work in Daddy's office." "Ano?.. Ma kung ano ano pinagsasabi nyo naman sa bata eh!" Aniya kausap ang mama nya habang nagluluto. "Eh ikaw eh bakit kasi picture ni Ahn Hyo Seop ang nilagay mo sa family picture nyo. Edi nakita ng anak mo na kamukha ng nasa magazine kaya inisip nya tuloy iisang tao sila." Sabi ng mama nya. Tinutukoy nito ang family picture na nasa picture frame na inedit nya. Dahil kasi sa pangyayari noon na hindi nya nakilala ang ama ni Dj ay ang picture ng crush nyang si Ahn Hyo Seop ang nilagay nya sa picture frame na kasama nilang mag ina. "I want to see Daddy too. when will he come home?" Tanong ng limang taong gulang nyang anak. Napapansin nya na habang lumalaki ito ay mas lumalawak din ang interes nito sa ama nya. Naiinggit kasi ito sa mga kalaro at kaklase nya na may mga ama. Matapos nyang magbihis ay tinanggal nya ang suot na kuwintas. Yun lang ang tanging alaala nya sa ama ni Dj. Pinagmasdan nya yun. May nakaukit na Dj sa locket pendant nito kaya ito din ang naisip nya na ipangalan sa anak. Daniel John. Sumagi sa isip niya ang pangyayari may anim na taon na ang lumilipas. Nagising siya ng umagang yun na masakit ang ulo. Masakit ang katawan niya. Lalo ang legs at ang sentro ng p********e niya. Naalala nya ang nangyari ng nagdaang gabi. Napabalikwas sya ng bangon. "Kenneth!" Nasambit niya. Ginala niya ang paningin sa palibot ng kwarto ngunit wala ito. "Teka pano mapupunta dito si Kenneth eh nasa dubai sya!" Napatingin sya sa katawan niyang nabalutan ng kumot. Nakahubad sya. Nagpanic bigla ang utak nya. Pinilit nyang alalahanin ang pangyayari kagabi. Naalala nya na pagkatapos nya maligo ay basta na lang siya humiga sa kama. Hanggang sa maramdaman niyang may gumagalaw sa kanya. Tinungo niya ang salamin sa tokador. Napatingin sya sa katawan nya na maraming kiss mark. Napaatras siya ng makita yun. Nangatog ang katawan niya. Iniisip niya kung ginahasa ba siya. Pinilit niyang alalahanin ang gabing yun. Naalala niya kung gaano niya kagusto ang pangyayaring yun. Nainis siya sa sarili na hinayaan niyang galawin siya ng kung sino mang lalake na yun. "Sino yung lalakeng yun?" Napatingin sya sa kama. Nakita niya yung bahid ng dugo doon. Pakiramdam niya ay mas lalong sumakit ang p********e niya sa nakita. Sa isang iglap lang ay nawala ang pagka birhen niya na pinakaiingatan niya na kahit kay Kenneth ay hindi niya nagawang ibigay. Nagalit siya sa sariling bumigay siya sa lalakeng hindi niya kilala, ni hindi man lang niya nakita ang itsura nito. Nagsisi siyang nagpakalango siya sa alak, dahil doon kaya nawala siya sa katinuan. Maya maya ay may napansin siyang isang necklace sa kama. Kinuha niya yun at tinignan. May nakita syang nakaukit na letra sa locket pendant. "Dj. Ito ba ang pangalan ng lalakeng yun". Binuksan nya ang locket at may picture ng batang lalake na nandoon. Luma na ang picture kaya naisip niyang matagal na yun at malamang ay picture yun noong bata pa ng lalakeng naka angkin sa kanya. Tinignan niya ang oras malapit na ang oras ng check out niya sa hotel kaya nag ayos na siya. Umalis siya ng hotel at boracay ng magulo ang isip. Nagbakasyon siya doon para marelax pero mas lalong gumulo ang isip niya. "Pumunta ako ng boracay ng buo pero umalis akong wasak." Makaraan ang ilang linggo ay nalaman niyang nagbunga ang pangyayaring yun. Sobra ang galit sa kanya ng Mama niya ng sabihin niya yun, nagpabuntis daw siya sa lalakeng hindi niya kilala. Kalaunan ay natanggap din nito ang sitwasyon niya. Dinala niya mag isa ang nasa sinapupunan niya ng walang ama na makakatuwang niya. Minsan niya ring naisip na ipalaglag yun pero mas nanaig sa kanya ang takot at ang pusong ina. Inisip na lang niya na kaloob iyon sa kanya ng Diyos at may rason ang lahat ng mga nangyayari. Nagpakatatag siya hindi lang para sa sarili kundi para na rin sa anak niya. Mag isa nyang binuhay si Dj. Naalala nya noong 3 years old pa lang ito nang magsimulang maging curious sa ama nya. Sinabi na lang niya na nasa ibang bansa ito nagtrabaho na kagaya ng kalaro nya na ofw ang ama. Nagedit at nagprint pa siya ng family picture nila na mukha ng isang korean actor na crush nya ang nilagay niyang kasama nilang mag ina. Alam niyang mali yun pero wala siyang choice. Ipapaliwanag niya din lahat kay Dj sa oras na kaya ng unawain ng isip nito. Matagal na niyang inaasam na makita ang lalakeng yun. Gusto niyang makumpleto ang buhay ng anak niya. Gusto niyang magkaroon ito ng ama. Alam niyang napakalabong mangyari pero gusto niyang umasa. Nawala doon ang isip niya nang tumunog ang cellphone niya. Nagtext ang boss niya. Maaga siya nitong pinapapasok dahil may business meeting daw ito ng maaga. Gusto niyang mainis na kailangan niyang gumising ng maaga. Pero pakiramdam niya ay gumaan naman din ang loob niya na maaga niyang makakasama kinabukasan ang boss niya. ♥️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD