42

1179 Words

Chapter Forty-two "Natutuyo po ba ang ilog?" nakababad kaming tatlo sa mababaw na parte ng ilog. Kandong ko si Chi-Chi at nagsisimula na naman itong magtanong. "Oo naman." Tugon ko. "Saan po napupunta ang tubig kapag natutuyo." Gamit ang paa ay bahagya kong sinagi si Nairo na nakamasid lang sa amin. "Ikaw sumagot sa tanong niya. Liligo muna ako." Sabay pasa ko rito sa batang napakamot ng ulo. "What is your question again, Chi?" "Natutuyo po ba ang ilog at kung saan po napupunta?" lumangoy na ako patungo sa malalim na parte para hindi madamay sa usapan nila. Naririnig ko pa kung paano ipaliwanag ni Nairo ang topic sa bata. Kahit ako na pasimpleng nakikinig ay may natututunan. Pero hindi pa rin ako lalapit... baka magtanong sila. Tapos ma-realize nilang obob ako. Well, iyong half side

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD