Chapter Forty-seven Gabi na. Pero bumibiyahe kami ngayon ni Nairo patungo sa inuupahan kong bahay. Ibinalita sa akin ni Cors na may bata sa bahay ko na mula pa raw tanghali at hanggang ngayon ay hindi pa umaalis doon. Nakita nito sa CCTV kaya naman agad kong niyaya si Nairo na nakaharap sa laptop nito mula pa kaninang 6 pm. "Bakit ba biglaan tayong uuwi?" baling ni Nairo sa akin. "Ah, h-indi ko naisara ang bahay." "Naisara mo, Lily. Nakita ko. Pero hindi ka nakikinig at nagpilit talagang umalis kahit gabi na." Talagang magpipilit ako. May paninindigan pa naman iyong bubwit na iyon at tiyak kong matutulog iyon sa upuan sa labas kapag hindi ako umuwi. "Basta... hindi ako mapapanatag kung hindi ko iche-check. Sinabi ko rin naman kasi na ako na lang ang babalik sa bahay. Ngayon tuloy ay