PART 1

1977 Words
***** AMAN ****** "I HAVE already sent you the information I gathered about the woman you are looking for, Mr. Buenaventura,” sabi ng detective na kausap niya sa phone. Tumango-tango si Aman. “Thank you, detective. Hanggang sa uulitin,” at pagkasabi niya niyon ay pinatay na niya ang tawag. He laid his phone on his desk, at laptop naman niya ang kanyang hinarap. Binuksan niya ang bagong e-mail na na-receive niya mula sa binayaran niyang detective na kausap niya kanina. “So ikaw pala ‘yon,” naniningkit ang mga mata niyang usal nang nakita na nga niya roon ang larawan ng isang babae. First impression niya ay maganda ang babae. She had the face of an angel. A pair of thick lashes and small-straight symmetrical nose. Kahit nababahiran ng makapal na make-up ang mukha nito ay okay lang dahil mas tumingkad pa ang kagandahan ng babae. Bagay rin sa maliit nitong mukha ang hanggang balikat nitong buhok na medyo may alon-alon at may kulay na dark brown. Ang inayawan lang ni Aman ay ang madaming hikaw nito sa isang tainga. She had four peircing apiece. Tapos ang didbib ay tila gustong kumawala mula sa mallit na blusa nito. Para kay Aman ay hindi iyon normal para sa isang matinong babae. “Kaya naman pala.” Nasagot ang pagtataka niya nang pinasadahan na niya ng basa ang information ng babae sa ibaba ng larawan. NAME: RUCIA S. MANRIQUE AGE: 25 PREVIOUS WORK: ENTERTAINER Kumpleto detalye iyon. Mula sa pangalan at kapanganakan hanggang sa kung nasaan na ang babae ngayon. Dahilan kaya’t kahit hindi pa niya nakakaharap ang babae ay parang kilala na niya ito mula ulo hanggang paa. Hindi siya nagkamali ng inupahang detective. Hindi nasayang ang perang pinambayad niya. Lahat na ng kailangan niya tungkol sa babaeng iyon ay nasagot na. He can now start his evil plan. Napangisi siya ng malademonyo sa kaisipang iyon. “Sir, nasa labas po si Miss Kai. She said she wanted to talk to you, sir,” mayamaya ay untag sa kanya ng secretary niya. Nakasilip ito sa pinto ng kanyang office. Pagkarinig niya sa pangalan ng kanyang kaibigan ay awtomatiko niyang naisara ang kanyang laptop. Kay bilis na nawala sa atensyon niya ang babaeng nasa laptop niya. “Sure kang si Kai siya, Betty?” paniniguro niya munang tanong. Ilang buwan ba niyang hindi makausap nang matino ang kaibigan niyang si Kai Suarez simula naibalita na namatay si Juke Rivas sa car accident? Nine months na yata. Sobrang naapektuhan kasi si Kai sa biglaang pagkamatay ng mimamahal na si Juke. Kung kailan kasi magkakaayos na dapat ang dalawa at tapos na ang problema ay saka namang nangyari ang ganoon sa sikat na aktor na si Juke Rivas. Ayon sa abogado ni Juke ay nagmamadaling puntahan na sana ni Juke si Kai para makapagsama na sila. Subalit sa sobrang excitement ay napabilis ang pagpapatakbo ni Juke ng kotse kaya ayon at nabangga sa isang ten wheeler truck doon pa lang sa SLEX. “Yes, sir. Si Miss Kai Suarez po. Ang kaibigan niyo po,” sure na sure na sagot ni Betty. Nagtataka man ay tarantang tumayo siya mula sa kanyang executive chair. Tinungo ang pinto at siya na ang nagpapasok sa kanyang kaibigan. “What brings you here?” maingat niyang tanong kay Kai nang maayos na silang nakaupo sa may couch sa pinaka-living room ng kanyang office. Kahit problema pa ang dala-dala ngayon ni Kai ay pinagpapasalamat niya pa rin. Kung nakapunta rito nang maayos si Kai ay ibig sabihin kasi niyon ay maayos na ito konti. Sa loob din kasi ng siyam na buwan na iyon ay nagkukulong na lang si Kai sa kuwarto nito. Kung hindi umiiyak dahil sa nangyari kay Juke ay kay lungkot-lungkot naman. “May sasabihin kasi ako sa’yo,” ngumiting tugon ng dalaga. Napamata siya rito. Wari ba’y namamalikmata lamang siya. Hindi rin siya makapaniwala na muli niyang nakita si Kai na ngumiti. “Bakit?” maang na tanong sa kanya ni Kai. Nakangiti pa rin. Napahimas siya sa kanyang bunganga. Kung ang sabi sa isang lumang pelikula ay walang himala, ang masasabi naman niya ngayon ay parang totoong may himala. ”Para ka namang tanga, eh.” Iningusan na siya ni Kai. “S-sorry, sorry. I just can't believe that you came here at… at ganyan ka pa na mukhang maayos na,” pilit niyang salita. Lalong lumawak ang pagkakangiti ni Kai. “Huwag kang mag-alala ayos na ako. Tanggap ko na ang lahat.” “Really? So ibig sabihin niyan ay nakalimutan mo na si Juke?” Saglit na hindi nakaimik si Kai. Nawala ang kislap sa mga mata nito. Bumahid na nanam sa mukha nito ang kalungkutan sa pagkakabanggit kay Juke. Ngalingaling suntukin ni Aman ang sarili. Okay na pero muling sinira na naman yata niya ang lahat. He’s such a fool. “I’ve never forgotten him even for a minute,” pasalamat niya at muling salita ni Kai. “Pero tanggap ko na na wala siya at wala na akong magagawa pa.” Alangang ginagap ng dalawang kamay niya ang kamay ng dalaga. “Mabuti naman kung gano’n.” “Ikaw? Okay ka na rin ba? Tanggap mo na ba ang nangyari kay Nakee?” Ang hindi niya inasahan ay ang pangungumusta rin sa kanya nito. Siya naman ang hindi nakaimik. Mas ipinagtaka niya iyon dahil noong panahon na nagluluksa naman siya kay Nakee ay akala niya walang kaalam-alam si Kai. “Kahit naman parang mababaliw na ako noon ay aware pa rin ako sa mga nangyayari. At si Mama ang nagsabi sa akin sa nangyari sa inyo ni Nakee. Sorry kung hindi kita nadamayan noon,” sabi pa ni Kai. Pagkuwan ay nagyuko ito ng ulo. Binawi nito ang kamay sa kanya at pinagkukuskos ang mga iyon sa may kandungan nito. Guilt showed on her face. Aman sat straight up. “Huwag kang mag-sorry dahil wala lang iyon. Sabay tayong nagkaproblema kaya wala tayong magagawa. Ikaw man ay hindi ko na nadalaw noon.” Nang nag-angat ng tingin sa kanya si Kai ay nakangiti na ulit ito. “Anyway, gusto mong kumain?” naisipan niyang pag-ibaba ng topic. “I feel like celebrating. Ayos na ako at ayos ka na rin. Magandang simula ito.” “Mamaya na. Gusto kong pag-usapan natin muna ang noon mo pang inaalok sa akin,” ngunit ay pagtanggi ng dalaga. “Gusto kong i-invest sa negosyo mong ito ang perang iniwan sa akin ni Juke. Iyong five million pesos.” He tilted his head and stared at her. “Are you sure about that?” at saka may pagdududang tanong niya. Sa nakalipas na isang taon ay may sarili na siyang company, ang EZ LENDING COMPANY. Tuluyan na niyang iniwan ang trabaho niya sa Banklink Financing noong inalagaan niya noon si Kai. Noong namatay si Juke ay mas hindi niya iniwan si Kai. Kahit na sinabihan siya noon ng mga magulang ni Kai na hindi niya dapat ikulong ang buhay niya para lamang sa pag-alalaga sa anak nila ay hindi niya ginawang umalis sa Bicol. Pinanindigan niya ang ipinagako niya noon kay Ate Manet niya na hindi niya pababayaan si Kai. Mahaba ring kwento pero ang laki rin kasi ng utang na loob nilang magkapatid kay Kai. Unfortunately, may nangyari na hindi rin maganda sa buhay niya kaya napilitan siya noong lumuwas sa Maynila at iniwan ang kaibigan pansamantala. Hindi na nga lang siya nakabalik noon dahil pagkatapos ng unos ng kanyang buhay ay dumating naman na ang suwerte. Isang kakilala ang lumapit sa kanya at ini-offer sa kanya ang lending company nito dahil magma-migrate na raw sa Canada. Hindi na raw maasikaso ang negosyo rito sa Pilipinas kaya ipinagbibili na lamang sa kanya. Even though hesitant at first, sa huli ay sinalo niya ang negosyo at ginawa niya itong EZ LENDING COMPANY. Nang bumalik siya sa Bicol ay inalok niya si Kai na mag-invest sa company niya or kung hindi man ay magtrabaho sa kanya tulad ng pangarap nila noon. Kahit aware siya na wala sa matinong sarili si Kai noon ay ginawa niya iyon para maiwala ang dalaga sa labis-labis na kalungkutan. Naisip niya na kapag makumbinsi niya si Kai ay malaking tulong iyon upang mabaling ang atensyon nito sa ibang bagay at hindi na lang ang pangungulila kay Juke ang laman ng isip nito. “Oo, Aman. Gusto kong magsimula ulit. Tama si Mama, kahit buong buhay ako na magkulong ay hindi naman na mabubuhay pa si Juke,” mukhang desidido na ngang sagot ni Kai. “How old am I, Kai?” kaysa patulan agad iyon ay naninigurong tanong niya pa. Parang sa hospital kapag may pasyente na bagong gising lalo na kapag mula sa vehicle accident. Initial assessment ng severity ng head injury. “Anong klaseng tanong ‘yan?” Nakusot ang mukha ni Kai. “Sagutin mo na lang. Gusto kong makasiguro na ayos ka na nga,” pakiusap niya. Naghanap ng bagay si Kai sa harapan nito. At nang may makitang ballpen sa center table na pinagigitnaan nila ay binato nito iyon sa kanya. “Ano ako?! Nabaliw, hah?!” Umiwas siya, and all of a sudden he roared with laughter. “Naniniwala na akong okay ka na nga. Mataray at nananakit ka na, eh.” Sinamaan siya ng tingin ng dalaga. Pagkuwa’y natawa na rin ito. “So anong balak mo? Investment lang ba or sasamahan mo ako na patakbuhin ang company na ito?” saglit ay mga tanong niya ulit nang sumeryoso sila ni Kai. “Gusto ko rin sanang magtrabaho ulit. Pwede ba?” “Of course.” Nagliwanag na talaga ang mukha niya. “Kahit taga-xerox lang?”  “No, no, hindi ka magiging ganoon dahil ang gusto ko ay maging co-owner kita,” aniya. “Hindi ba lugi ka niyon? Ang dami mo nang hirap noong ipinatayo mo ito kaya parang unfair naman kung ang dali kong maging co-owner mo?” may pagtutol sa tinig na hayag ni Kai. Ngumiti siya. “Ano pa’t ang dami na nating napagdaan? Balak ko nga ay kunin din si Dhenna kapag matapos na ang destierro niya.” Ang tinukoy niya ay ang isa rin nilang kaibigan. “Gusto ko ‘yan,” patili na sang-ayon ni Kai. Natawa na naman siya. “Wait…” Pagkuwan ay tumayo siya at kinuha niya ang laptop niya. Gusto niya ay ipaliwanag agad kay Kai ang ilang bagay ukol sa kompanya. Paraan niya para hindi na makatanggi pa si Kai sa offer niya rito. Baka bigla ay magbagong isip na naman. Kamot sa sintido nga lang siya nang pagbukas niya sa laptop sa may harapan ni Kai ay tumambad ang larawan ng babaing pinaimbestiga niya sa detective. Hindi pala niya na-i-close ang tab. “Sino ‘yan?” awat ni Kai sa kamay niya nang iku-close niya sana. “Wala ‘yan. It’s just a client,” pagsisinungaling niya. Nga lang ay makahulugang tiningnan siya ni Kai. Hindi naniniwala. “Bakit?” maang-maangan niya. “She's beautiful. Siya ba ang bago mo?” “Hindi, ah,” tatwa pa rin niya. “Huwag ka nang mahiya. Basta wala ‘yang asawa okay na okay sa akin. Iwasan na natin ang may mga asawa para wala ulit problema. Lesson learned na natin sina Juke at Nakee, kasama na si Randy.” Kamot siya batok niya. Gusto pa rin niya sanang sabihing hindi tulad nang iniisip ni Kai ang babae sa larawan. Gusto niya sanang sabihin ang totoong plano niya sa babae. Pero sa huli ay nagpasya siya na huwag na lang. Hindi na dapat madamay ang kahit sino mang tao na malapit sa kanya sa binabalak niyang paghihiganti kay Rucia Manrique…….  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD