prologue
"Anong ginagawa niyo dito?umalis na kayo.ayaw ko ng makita pa kayo.dahil sa inyo namatay ang inay.ngayon babalik ka na parang wala lang!please lang umalis ka na.Ikaw din kuya,at talagang nagsabay pa kayong dalawa.nawala Ang mga taong mahalaga sa akin Ng dahil sa inyo!ni silip di niyo nagawa nong nakaratay pa sila.Kaya pwede ba umalis na lang kayong dalawa.at wag na kayong bumalik pa!"nanggagalaiti si RC sa ama at kuya niya.Matapos ang almost tatlong taong pagdurusa sa sakit na dinulot Ng mga ito sa mga asawa nila magpapakita sila na parang wala lang panlolokong ginawa.Her nanay died dahil sa sakit at pagtataksil ng kanyang ama.Her sister in law died too,while giving birth to her niece at magkaroon ng complications.Iniwan din ito ng kuya niya ng lumaki na ang tiyan nito.Namatay yong ate niya na di na nagpapakita ang kuya niya.Kaya nagagalit siya na bigla na lang sumulpot ang mga. ito.
"Regina,anak patawarin mo kami.Alam kong masama ang loob mo sa amin,andito kami para tulungan ka.Sumama ka na sa amin,magsimula tayo ulit anak."pakiusap ng ama.
"Hah..hahaha..magsimula?nagpapatawa po ba kayo?magsimula?wow!Anong Akala niyo,matapos ang lahat ng ginawa niyo sasama ako sa inyo?oh please lang, ayaw kong sumama sa inyo.ayokong makasama kayo.mas gugustuhin ko pang manatili rito kasama Ang pamangkin ko kesa sumama sa inyo at sa kabet niyo.Kaya kung may natitira pang kahihiyan diyan sa katawan niyo,at respeto sa taong nagpalaki sa akin.Lumayas na kayo at wag nang babalik pa."sabay bagsak ng pintuan sa kanila.
Bagsak ang mga balikat ng mag-ama ng pagsarhan sila ni RC.Alam din nila na ayaw na silang makita pang muli ni RC.Gusto lang naman nilang bumawi sa kasalanang kanilang ginawa.Huli na nang mapagtanto ang kamaliang nagawa.Nawala ang mga mahahalagang taong minamahal.It was too late for them to realize ng wala na ang mga ito.Tama nga ang kasabihang nasa huli ang pagsisisi.Magsisi man sila wala na ring silbi kasi huli at di na nila maibabalik ang nawala na.Kaya gusto nilang bumawi kay RC at sa bata.
Nanghihinang napaupo si RC sa plastic na upuan matapos makausap ang mga taong kinasusuklaman niya.
"mama?bakit ka iyak?"nagtatakang tanong ng dalawang taong gulang na pamangkin niya.Pinalapit muna niya ito bago niyakap at kinausap.
"Hindi umiiyak si mama.Napuwing lang,si mama anak hmm."mahinang saad niya.Tumango tango lang ito at niyakap na rin siya.
Simula nuong namatay ang ina at ang ate niya,siya na ang nag-alaga at nagpalaki sa pamangkin niya,tinuring nang anak ito.Natatakot lang siyang masaktan ito,kapag pinakilala na niya ang kuya niya.Siguro mapapatawad ko rin sila kapag handa na ako at kapag tuluyan ng humilom ang sugat sa aking puso na sila ang naging dahilan.
Naisipan ni RC na dalhin na lang sa probinsya ang kanyang pamangkin at doon na mamuhay ng tahimik.Ngunit sadyang mapaglaro si tadhana nang may makilala siyang lalaking nagparamdam sa kanya ng pagmamahal.Minahal niya ng labis,si Bryce Asher na wala na siyang itinira para sa sarili niya.Naging masaya sila kasama ang pamangkin niya,parang isang pamilya na namuhay ng simpleng buhay sa probinsya.Ngunit ang kasiyahan na unti unting nararamdaman ay bigla na lang gumuho.Hindi niya akalain na ang isang salitang kanyang pinakaiiwasan,na kinasusuklaman Ang siyang magiging kaakibat din nang kanyang pangalan.Kabet,kerida, mistress.Iba't-iba man ang tawag,iisa ang kahulugan.A homewrecker w***h.Kahihiyan.Yan ang kanyang nadama ng malamang kasal na pala ang lalaking minamahal niya.Galit at pagsisisi di lang kay Bryce kundi pati na rin sa sarili niya.Galit na galit,dahil hinayaan niyang mahulog siya sa lalaking di niya lubusang kilala.Pagsisisi na maging isang kabet na hindi niya manlang inalam.Halos Hindi na makabangon sa kahihiyan si RC pero wala na siyang magagawa pa.Pinagpatuloy nila ang buhay,at kinalimutan ang nangyari.At pinangako sa sariling hindi na muling magtitiwala kahit kanino man.