Chapter 49 WYA

2680 Words

Jelaine's POV Hindi ko alam kung gaano katagal ang tulog ko, basta nagising na lamang ako sa pakiramdam na tila may mga matang nakatingin sa akin. Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata at sumalubong sa akin ang ilang pares ng mga mata na nasa kuwarto namin ni Lala. Iginala ko ang mga mata ko sa kabuuan ng kuwarto ko, nakita ko si Lala na nasa paanan ko, nakaupo ito roon habang nakatungo. Sa may lameseta naman ay may dalawang babaeng nakaupo, nakatungo sila kaya't hindi ko makita ang mga mukha nila. Nang muli kong ilibot ang mga mata ko, nakita ko ang dalawang lalaki sa may kanang bahagi ng kuwarto. Prenteng nakaupo ang mga ito. Napatitig ako sa lalaking napagkamalan kong si Gian noon, sinundan ko ang tinitingnan nito at nakita kong sa kaibigan ko ito nakatingin. Hindi ko mabasa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD