Chapter 5

2365 Words
"GOOD morning, Sir Paulo!" bati ni Diana nang dumating na ang kaniyang boss. "Good morning!" ganting bati naman ng boss niya. Bago ito tuluyang pumasok sa sariling opisina nito ay napalingon pa ito sa kaniya dahil kapansin-pansin ang sobrang iksing suot niya na sinadya niya talaga. Muntik na ring lumabas sa suot niya ang malulusog na dibdib. Nginitian lang niya ito nang nakakaakit. Si Diana ang bagong sekretarya ni Paulo dahil nag-resign ang dati nitong sekretarya. Si Paulo ang may-ari ng kompanyang ZNZZ, Inc. na isang manufacturing company. May asawa na ito at ayaw nito sa mga babaeng nang-aakit ng may asawa na. Pagkaupo nito ay kinuha nito ang resume ni Diana at tinignang muli. Huminto ang mga mata nito sa work experiences ni Diana. Nagtataka ito kung bakit ganoon na lamang karami ang work experiences nito. Hindi man lang umabot ng isang taon o kaya'y anim na buwan man lang. Lihim naman itong nagreklamo kung bakit agad nitong i-hire noong araw ng interview. Hindi nito gaanong tinanong si Diana noon dahil nagmamadali ito para makaabot sa flight nito palabas ng bansa. Isa pa ay magaling sumagot si Diana sa kaunting tanong nito noon kaysa sa ibang applicants kaya pinili nito agad si Diana. Sa hindi malamang dahilan ay may kakaiba itong kutob sa babae. Tingin nito ay may nakatagong katauhan dito. Naalala pa nito ang paraan ng pagtitig at pagngiti. Hindi na lamang nito pinansin at nagsimula na sa trabaho. Makalaon ay tinawagan nito si Diana upang magpatimpla ng kape. Nais ding malaman nito kung totoo ang hinihinala nito sa babae. "Here's your coffee, Sir," pahayag ni Diana at binigay kay Paulo ang hawak. "Miss Villagracia?" "Yes, Sir?" matuling sagot ni Diana nang tawagin siya ng boss niya. May itatanong sana ito ngunit hindi na lamang nito tinuloy dahil personal ito at wala itong kinalaman sa trabaho. "Thank you," sabi na lamang nito sa kaniya. "You're welcome, Sir." Ngumiti naman si Diana at tumalikod na. Sinadya naman niyang kumembot nang maglakad paalis upang makita ng boss niya ang hubog niya. Kita pa ang kinis niya dahilan para mapaisip ang boss niya. "Mukhang tama nga ang hinala ko," sabi ni Paulo sa sarili. Hindi siya nag-assume na inaakit siya ng kaniyang sekretarya ngunit malakas ang kutob niya na ganoon nga. "Kung akala mong maaakit mo ako kagaya ng mga dati mong boss, nagkakamali ka," dagdag pa ni Paulo sa sarili. Napa-smirk na lamang siya at humigop na ng kape. Lihim namang napangiti si Diana pagkabalik sa desk. "Mukhang type din ako ni Sir Paulo. Wala talagang kawala ang mga lalaki sa alindog ko," wika niya sa sarili. Nakangisi siya sa kaniyang isip dahil hindi magtatagal ay matitikman niya rin ang boss niya. "In fairness, medyo gwapo rin si Sir Paulo. Puwede ipanglaban kay William. Pero I think mas guwapo talaga si William," dagdag pa niya sa sarili. Medyo nalungkot naman siya dahil nami-miss na niya ito. Nakaisip naman siya ng paraan kaya muli siyang napangiti at ginawa na ang kaniyang trabaho dahil baka mahuli siya ng boss niya na walang ginagawa. Hindi na siya makapaghintay sa mangyayari mamaya. Pagsapit ng tanghali, nag-lunch si Diana sa restaurant kung saan naroon si William. Hindi niya alam kung saan ang nasabing restaurant kaya tinanong niya kanina sa mga kasamahan niya sa trabaho. "Kung sinusuwerte nga naman," sabi niya sa sarili dahil nakita nga niya si William na kumakain din. Nakaupo si Diana sa may sulok sa pinakagilid. Kitang-kita niya si William na nakaupo sa hindi kalayuan. May kasama itong lalaki at kasalukuyan nag-uusap ang mga ito. Hindi nakita ni Diana ang lalaking kasama ni William dahil nakatalikod ito. Sa wakas ay nagtama ang mga mata nila ni William kaya kumaway si Diana at ngumiti. Nagulat naman ang lalaki dahil hindi nito inasahang dito siya kakain. Hindi na lamang siya nito pinansin at patuloy na lamang nakipagkuwentuhan sa kasama nitong kumakain. Napapaisip naman si Diana kung sino ang kausap ni William dahil pamilyar ito sa kaniya. Sa huli ay winaksi na lang niya ito sa isipan niya dahil wala siyang pakialam. Hindi alam ni Diana na ang lalaking iyon ay si Paulo. Magkaibigan sina Paulo at William. *** "YOU know what, pare? I have a new secretary and ngayong araw siya nag-start," pahayag ni Paulo nang maalala niya si Diana. "And what?" tanong naman ni William. "I just don't like her," tugon niya sa kaibigan. " I don't want to assume but I feel like she's into me. She's like... uhm... seducing me?" patanong pa niyang sabi. "I don't know what's the exact word to describe it." Natigilan naman si William sa sinabi ng kaibigan. Naalala niya ang sinabi ng asawa niyang si Gianna. Naalala niyang lumipat ng pagtatrabahuan ang kaibigan ng asawa niya. Sa hindi malamang dahilan ay kinabahan si William dahil maaaring si Diana ang babaeng tinutukoy ng kaibigan niyang si Paulo. "Kapag ginawa ulit niya 'yon ay baka i-fire ko na siya," patuloy pa ni Paulo. "Pare, I have this feeling na there's something wrong with her at sa kompanyang pinagtatrabahuan niya noon. Hindi siya nagtatagal doon, eh." "And why did you hire her? Baka isang buwan lang 'yan diyan sa kompanya niyo." "I already told you the reason noon." Na-curious naman si William kung sino ang tinutukoy ng kaibigan kaya tinanong niya. "Who is she, by the way?" Kinabahan naman si William sa isasagot ni Paulo. Hinihiling niya na sana hindi si Diana ang sekretarya nito. "Diana," tipid na sagot ni Paulo. Nanlaki ang mga mata ni William sa gulat. "Diana, who?" aniya na hinihintay kung ano ang apelyido ng babae. "Diana Villagracia," muling sagot ng kaibigan niya. "Do you know her?" dagdag pang tanong ni Paulo. Naalala naman ni William na hindi niya alam ang apelyido ni Diana at wala ring nabanggit ang asawa niyang si Gianna tungkol dito. "I don't know her," sagot na lamang niya sa kaibigan. Muli siyang napatingin kay Diana na mag-isang kumakain sa sulok. "Is that the one you're talking about?" tanong ni William kay Paulo. Lumingon naman si Paulo sa likuran at sinundan ang tingin ni William. Nagulat si Paulo nang makita nga si Diana. Humarap siya ulit kay William na ngayon ay nakatingin na sa kaniya. "Siya ba?" muling usisa ni William. Tumango si Paulo. "Oo, pare. Siya nga. Teka, kilala mo siya?" nakakunot ang noong tanong pa ng kaibigan. "Yeah. She's my wife's best friend," nakasimangot na tugon ni William. Nagitlang muli si Paulo. "Ang liit talaga ng mundo." "Be careful with her. Hindi siya kagaya ng asawa ko at ng asawa mo," paalala ni William sa kaibigan. "I can't believe na kaibigan 'yon ni Gianna," napailing na wika ni Paulo. Natapos na ring kumain ang dalawa. Nagpaalam na si Paulo na umalis. Nagtungo naman si William sa restroom. Lalabas na sana siya pagkatapos niyang gumamit dito ngunit nagulat siya dahil pumasok sa loob ang hindi niya inaasahang tao. "Hi, William!" bati ni Diana. "What are you doing here? This is for men only! Nasa katabi ang restroom niyo!" naiinis na saad ni William at lumapit kay Diana upang palabasin ito ngunit bago pa mangyari 'yon ay naisara na ni Diana ang pintuan at ni-lock. "Nababaliw ka na bang babae ka?" galit na wika ni William at akmang hahawakan ang doorknob pero humarang si Diana at agad na inikot ang mga kamay sa batok niya at hinalikan siya sa mga labi. Inilayo naman ni William ang mukha ni Diana at tinulak ito kaya napaatras si Diana. "Ano bang problema mo, Diana? Bakit mo ba ginagawa sa 'kin 'to? Akala ko ba mag-best friends kayo ng mahal kong asawa? Why are you doing this?" untag ni William na nanlilisik ang mga mata sa galit. Napangiwi naman si Diana. Tumatak pa sa isip niya ang sinabi ni William na mahal nito ang asawa. Tinitigan niya sa mga mata si William. "Because I like you, William," matapang niyang sagot. "I know mabilis pero I really like you. And I want you... I want you inside me." Napa-smirk naman si William at hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ni Diana. "Nahihibang ka na talaga! Taksil kang kaibigan!" giit pa niya. "Hindi mo ba iniisip ang asawa ko?" "Hindi." Ngumiti ito. "Okay lang sa 'kin mawasak ang friendship namin. Okay lang naman 'yong buhay ko sa mga nakalipas na taong hindi kami magkasama at hindi kami ganoon kadalas mag-communicate. I can live without a best friend. I'm willing to bury our friendship ever since I met you, William." Nagulat ulit si William sa sinabi ni Diana. Sa isip niya ay kung anong klaseng tao at kaibigan ang babaeng katulad ni Diana. Magsasalita na sana siya ngunit nagsalita ulit si Diana. "So are you planning to tell her na layuan ako? Or kung ano'ng ginagawa ko sa 'yo? Fine. Sasabihin ko rin sa kaniya na may nangyari sa atin. Let's see kung sino'ng masasaktan." Tinignan nang masama ni William si Diana at akmang sasaktan niya si Diana nang pigilan niya ang sarili dahil baka mapatay niya ito nang wala sa oras. Hindi naman niya kaya ang manakit ng babae dahil babae ito. Napakuyom na lamang siya ng kamao. "I will lure you, William. I will lure my friend's husband. You will be mine," sabi ni Diana. Binuksan na ni Diana ang pinto upang lumabas sa men's restroom. Nakahinga naman siya nang maluwag nang mapansing walang tao sa labas. Bumalik na rin siya sa kompanya kung saan siya nagtatrabaho. Naiwan naman si William sa loob ng men's restroom. Hindi pa nagsi-sink in sa utak niya ang lahat ng sinabi ni Diana. Hindi talaga siya makapaniwala na may ganoong klase ng tao at siya pa ang napili nito na gawan ng mga bagay na bawal at mali. Nasangkot pa siya at ang asawa niya sa kahibangan ni Diana. Dahil sa labis na galit at pagkairita ay malakas niyang sinipa ang pinto. Hindi na niya alam ang gagawin. Nasa opisina na siya at hindi siya makaisip nang maayos. Nagdadalawang-isip din siya kung sasabihin ba niya ito sa asawa niya o hindi. Ngunit sa isip niya rin ay baka isipin ni Gianna na may nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Diana. Ayaw rin niyang makitang nasasaktan si Gianna dahil baka labis itong magdamdam kapag nasira ang pagkakaibigan nito at ni Diana. Labis pa man ding pinahahalagahan ni Gianna ang pagkakaibigan. Gusto mang sabihin ni William kay Gianna ang lahat pero hindi puwede, anang isip niya. Naisip din niya na baka totohanin ni Diana ang sinabi kanina na sasabihin nito kay Gianna na may nangyari sa kanila ni Diana. Masasaktan talaga ang asawa niya kapag nalaman nito ang tungkol doon kahit ang totoo'y wala naman talagang nangyari. Lalo na rin at mag-best friends ang dalawa. Labis na naguguluhan si William. Kumawala siya ng isang malalim na buntong-hininga. Napagdesisyunan niyang pag-iisipan na lang muna niya ito nang mabuti. Sa ngayon ay hindi na lang muna siya magpadalus-dalos ng gagawin. Halos mabibiyak na ang kaniyang ulo sa sakit sa sobrang pag-iisip. *** KINAGABIHAN, naglasing si Diana. Naisipan niyang tawagan ang kaibigang si Gianna nang kaunti na lamang ang natirang tao sa bar. "Yes, Ding? Napatawag ka?" bungad na tanong sa kabilang linya. "Jing, can you help me?" wika niya kay Gianna. Napakunot naman ng noo si Gianna. "Are you drunk?" tanong nito. "I guess so? Can you help me? Nasa bar ako malapit sa condo ko. I can't go home alone. Nahihilo ako kapag tumayo," palusot ni Diana. Hindi naman siya ganoon kalasing dahil kaunti lang ang ininom niya. Nagbabaka-sakali lamang siya na baka si William ang sumundo sa kaniya sa halip na si Gianna kaya iniba niya ang boses niya at nagpanggap na lasing talaga. "Why did you drink kasi? If you have a problem, you can tell it to me naman, Ding. Hayan tuloy," sermon ni Gianna sa kaibigan. "Ako pa lang ang nasa bahay ngayon kaya hindi kita masusundo dahil walang maiiwan sa mga bata. I'll try to call William para sunduin ka," patuloy pa ni Gianna. "Thank you, Jing!" tugon naman ni Diana at binaba na ang tawag. Ngumisi naman siya dahil alam na niyang susunduin siya ni William. "Hindi pa sigurado kung masusundo ako ni William pero sana nga," sabi pa niya sa kaniyang sarili. Tinawagan naman ni Gianna ang asawang si William habang buhat-buhat ang anak na si Greisha at nasa kuna naman si Wyler. "Hello, hon?" wika ni Gianna nang sagutin ni William ang tawag. "Yes, hon? Miss mo na ako?" sabi sa kabilang linya. Natawa naman si Gianna sa tinuran ng asawa. "Yeah. I miss you na kaya umuwi ka na pagkatapos mo riyan sa office," saad ni Gianna. "Sure, hon." "Pero hon, puwede mo bang sunduin muna si Diana sa bar na malapit sa condo niya? She's drunk kasi and she's alone. Walang maghahatid sa kaniya. Hindi ko naman puwedeng iwan ang mga bata." "What?" gulat na sambit nito. "No, hon. Hindi ko siya masusundo," pagtanggi pa nito. "Hon, kawawa naman si Ding. Baka mapano 'yon. Saglit lang naman, eh," pagpupumilit ni Gianna. "Then she should ask for help sa iba. Bakit tayo? Bakit ako?" "Wala naman siyang ibang kakilala rito dahil bago pa lang siya." Narinig niyang napabuntong-hininga na lamang si William dahil hindi ito mananalo sa kaniya. "Okay, fine." "Thanks, hon. I love you." "I love you, too, hon," tugon naman ni William sa kaniya at binaba na ang tawag. Hindi alam ni William ang gagawin. Ayaw niyang puntahan si Diana dahil baka may gawin na naman ito sa kaniya. Nagdadalawang-isip siya. Ngunit sa huli ay sinundo na lamang niya si Diana dahil wala na rin naman siyang magawa. Tahimik namang naghihintay si Diana kay William sa loob ng bar. Nagulat siya nang makita na niyang pumasok ito sa loob ng bar. Lihim siyang napangiti dahil sinundo nga siya nito. Hinahanap siya ni William kaya nagtulug-tulugan siya. "I will make sure na may mangyayari sa atin kapag nasa condo unit ko na tayo, William. Kapag umayaw ka, I'm going to tell Giana na may nangyari sa atin," sabi niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD