NAKAUWI na rin ang mag-asawang Alvarez kasama ang dalawang anak sa kanilang bahay sa Maynila. Tila malakas naman ang pang-amoy ni Diana at naisipan niyang magpuntang muli sa bahay ng mag-asawa. Tatawagan na sana muna niya ang kaibigang si Gianna ngunit nakaisip siya ng kapilyahan at nais niya nang may kaunting excitement kaya sa huli ay si William ang naisipan niyang i-text. Pinalitan muna niya ang pangalan ng lalaki sa kaniyang cellphone bago niya ito i-text. To: Baby William Hi, baby! What's up? Are you home already? Napangiti pa siya matapos niya itong i-send. Napadukot naman si William sa bulsa nang maramdaman ang pag-vibrate ng cellphone. "Wait lang, anak, ha? May babasahin lang si Daddy," sabi niya sa anak na lalaking si Wyler na ngayon ay nakaupo sa sofa sa living room. Agad