Chapter 3: Prepare

1234 Words
Prepare "I'LL BE there later. Ready your peace of mind," Devon sent me another dm. Nakatuon ang atensyon ko sa laptop, for the reason I do some research about traveling outside the world. Only those who studied and have profession about science lang daw ang mga nakakagawa niyon. Kaya hindi ako maniniwala hangga't walang pruweba at 'di nakikita ng dalawa kong mata. "You look serious now, what happened?" Cax asked. I still thinking about the book na 'di ko man lang alam kung pa'no napunta dito. Curiosity slaps me so hard. "Cax, pakiabot nga 'yung libro na 'yon." turo ko. The cover of the book. Every font that is placed. And the thickness of it, I slightly feel fearsome. Nakakakilabot ang itsura nito. "Ano kayang meron d'yan? Basahin mo nga dali," ani Caxxy nang may pagkasabik. Gustuhin ko mang malaman ang nilalaman nito but, I need to make sure first. Maybe it possesses a hidden mystery? "Not now," Someone knocks on the door that makes us feel trouble. "Let me," I told her. Hindi ako nagkamali sa inakala ko, he's now on my front. "C-come in," iyon lamang ang nasabi ko sa tapat ng blanko niyang ekspresyon. Wait. Tama ba 'tong nakikita ko? Does he also have an Adventure Guide book? Lumingon lingon siya paligid hanggang sa mahagip ng kanyang mga mata ang librong mayroon din ako. Lumakad siya patungo roon at tinignan ito. "You are," bulong niya. "Hello, Mr. Talex!" singit ni Cax at ngumisi. He just responds to Cax by giving her a deadly gorgeous smile. "Are you ready to know everything about it?" he asked me. Tinaasan ko lamang siya ng kilay.  "Okay, gaya nga ng sabi ko sa direct message... it's a heritage from my lola. She start caring of me nung naghiwalay 'yung mga magulang ko. 79 na ang edad niya no'n. Then since that day, araw-araw na niya 'kong kinu-kwentuhan tungkol sa pinanggalingan niya sa loob ng apat na pung taon. Yes, you heard right, she live outside the world within that year. 'Di sya nag iisa, dahil ayon sa libro nangangailangan daw ng katuwang... at iyon ang lolo ko," paliwanag niya pa. Nagkatinginan kami ni Cax. "Seryoso ba siya?" Cax whispered on me. Nagkibit balikat na lamang ako. "Sige, ipagpatuloy mo." sabi ko. Para matigil na 'tong kalokohan na 'to, I need to act like I believing. "I still remember, labing apat na taong gulang ako noon nang simulang ibinigay niya sa akin ang libro ng paglalakbay. Sinabi rin niya na hindi ko raw muna maaaring buksan ito hangga't hindi pa 'ko nakakahanap ng makakatuwang. At sa tingin ko, pwede na. Dahil nakahanap na ako... at ikaw 'yon." tumitig siya sa mga mata ko. "Are you serious? Hindi naman tayo scientist or astronauts para dali daling makapunta sa kalawakan. I-I mean, we're just a simple human, and we can't do that." ani ko. "That's also what I said before, till now 'di pa rin naman ako makapaniwala. But... signs show us. I think we gonna do this as soon as possible." inggil niya. Pinagpapawisan ako, tho' may aircon naman. I now feel suffocated. "Cax, give us a glass of water, please?" hinggal kong utos. Tumango nalang siya at dagliang kumuha ng maiinom. "It's my glee, thank you." I continuously drink it. "Uh, Miss? Please give us privacy. We need something to talk about in private." he told Cax. Tinaasan ko na lang siya ng kilay at kita ko ang pagkainis niya. "Hold your book.. and me too." aniya. "Can I ask one question? Paano 'to nakapunta sa unit ko? It's impossible, I feel that there's a phenomenon here. Imposible namang aksidente na lang 'tong napunta rito, 'no." ipinakita ko sa kanya ang kaparehang libro. "As you can see, may nakalagay sa lower part ng libro, that's partner 2... and partner 1 naman ang nakalagay sa akin. It means na tadhana na ang nagpasiya. We're meant together. Ikaw ang pinili para makasama ko sa paglalakbay." Is it true? I'm so f*cking perplexed! Ilang segundong bumalot ang katahimikan sa amin, hanggang sa mapagpasiyahan naming buksan na ang unang pahina nito. PAGE 1 Prepare yourself, physically and mentally. You gotta go out on this planet Earth when you finally reach its 5th page. Think wisely! Iyan lamang ang nilalaman ng unang pahina. Malalaki ang letra nito, lalo na 'yung unang sentensiya. "We need to build prepare ourselves before we proceed on the next page." I sighed. "Pwede bang ipagpaliban muna natin 'to? Ayon naman sa libro, we need to prepare." lumingon ako kay Cax. "I'm not yet ready, tho' I'm interested, still it's hard to decide. I hope you understand." "I agree, I'm sure it takes time so. Gustuhin ko man, ngunit nakasalalay pa rin iyon sa makakasama ko. Thus, let's see in the right time." tumayo siya. "I need to go now. Hayaan muna nating tadhana ang magpasiya." Sinenyasan ko si Cax na lumapit na sa 'kin. "Thanks for your perception," huli kong bati at kaunting ngumiti. "Pakaiingatan mo ang libro. Lahat ng pinag usapan natin ay dapat manatili lamang sa ating dal'wa." dagdag niya pa. Matapos ang ilang sandali, hinila ako ni Cax papuntang sala. "Huy Dree! Netflix tayo!" "Account mo na lang gamitin mo," tugon ko kahit na nalulutang pa rin ang isipan. "But, not here. May nag recommend kasi sa'kin kaninang empleyado. May offer daw sila do'n sa 36th floor, bathroom Netflix. Woah! They have a bathtub, exclusively for two persons. Kaya perfect! Let's go! Para matanggal 'yang stress mo." I just agree with her. "O-okay! It will be our first time, huh," tumango tango siya. "Exciting!" pumunta na nga kami sa sinasabi niya. "Cool," tanging nasabi ko pagkapasok namin. The style of this bathroom, wouldn't be compared. The unique style of it caught me. "Pumili na lang po kayo rito ng movie. It cost 1,000 per movie, and 4,000 per person," ani ng assistant. "So, how much it cost?" tanong ko at inihanda ang wallet. I saw her pressing the calculator. "Ilang movie po?" "Just 1. Gusto lang naming may mapaghibangan," "9,000 in total ma'am. Payout na lang po muna tayo sa cashier. Thank you! Enjoy po," saad niya. Process succeed. Although may pagkamahalan, hindi ko na inisip 'yon. "So, anong pinag usapan niyo nung Devon pogi?" tanong ni Cax. Sorry Cax, pero 'di mo pwedeng malaman. I wanna protect you. Us. "Sus, wala 'yon. Sabi niya sa'kin bakla raw siya." pabiro kong sabi at pilit na humagikhik. Disgusting! "Grabe, huh. Antagal ninyong nag-usap tapos 'yun lang sinabi niya? That’s weird," sambit niya at umiling iling. Nagpanggap nalang akong natawa para 'di magmukhang guilty. Ilang segundo lang ay nagsimula ng iflash ang movie sa flatscreen. Hinayaan ko si Caxxy na mamili, she picks The Kissing Booth. It's one of my favorites! This concept was amazing. Napakahusay. Ngayon lang ako naka encounter na mayroong ganito sa isang hotel. Umabot ng halos dalawang oras ang aming panonood. There's some scenario na tinawanan namin and at the same time, there's also a lustful scene na nagpataas ng aming balahibo. I can't explain how I feel pleasure na magkaro'n ng kaibigang ganito. She's always there for me through ups and downs. I just can't imagine kapag nawala siya sa buhay ko. She's the only one that I can lean on. Matapos no'n bumalik na kami sa unit para makapagpahinga na at masulit ang natitira pa naming oras. We only have 4 days left. It'll just depend on me kung i-eextend ko pa. Syempre, magsusumamo na naman ako sa kanya, tsk. "Good night Andree, salamat,," antok niyang sabi at hinalikan ako sa pisngi. 11:37 pm "I love you Caxxy. Sana nandito ka na lang lagi sa tabi ko. I treat you like my genuine sister in life," I whispered at her while she's falling asleep. Hanggang sa papikit pikit na rin ako at tuluyan na ring sumuko ang aking katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD