Quarrel
Please Rey stop pretending that you love me, sa una pa lang nagsinungaling kana saken, all along i believed all your lies,. How could you do this to me..
Bakit dika pa nakuntento sa kanya, magpapakasal na pala kayo. Anu itong pinasok natin na gulo. Oo mayaman ka, makapangyarihan, pero hindi lahat kaya mo bilhin ng salapi.
Napaniwala mo ako sa lahat, ako naman si tanga nagpa-uto sayo. Babae din ako ayaw ko makasakit, oo mahal kita pero kaya kong magtiis,. Please iwan mo na ako.. walang ampat ang mga luha ko sa pagtulo. Habang siya namumula din ang mga mata.
Believe me sweetheart hindi ko siya mahal. Oo may nakaraan kami pero matagal na yon. Iniwan niya ako at mas pinili niya ang career niya. Diko naramadaman sa kanya ang nararamdaman ko sayo.! Mahal na mahal kita maniwala ka please.
Ang higpit ng yakap niya at anytime bibigay na naman ako. Pagbibigyan kopa ba siya ng isa pang chance. Magpapakatanga na naman ba ako..
Ok naniniwala ako sayo rey dahil mahal kita. Pero it doesn't mean na hahayaan ko na may masaktan tayo.. kausapin mo muna ang babaeng yon at umaasa na magpapakasal kayo. Ayaw ko na may hahadlang kung sakali.
No need to talk to her. Nagkaliwanagan na kami. Diko na kailangan pang ulit ulitin yan sa knya at lalong sayo.. i cant take this anymore.. yang nahihirapan ka..mas nahihirapan ako sweetheart believe me.
Sige i give you another chance but pag ginawa mo pa ulit yang paglilihim mo saken, dina kita mapapatawad rey. Maniwala ka sana. Thank you sweetheart i love you... He kiss me torridly, na kung dipa kami kinapos ng hininga dipa siya titigil.. nangangapal na mga labi ko..
Konteng lambing niya lang saken ang bilis ko lumambot, napaka gwapo niya sa paningin ko. Kahit kelan diko pa naramdaman sa ibang lalake ang ganito.
May gayuma ata siyang ginamit saken. Come on sweetheart nagluto na ako ng breakfast natin.. i have a meeting at Ten a.m sama ka saken. Nahihilo ako rey ok na dito nalang muna ako sa bahay..
After breakfast gumayak na siya. Bye sweetheart, see you later..he wave me goodbye as usual di aalis na hindi nakaka kiss..
Ako naman gumayak narin para magpacheck up at ilang araw na lage masama pakiramdam ko.
Mrs. Congratulations you are 4 weeks pregnant, wag ka masyadong magpapagod at magpapaka stress.. inom ng vits and eat more fruits and vegetables, parang di nag sisink in sa isip ko ang mga sinasabi ni doc.
God kaya pala masama lage pakiramdam ko. Magkakaanak na kami ni rey. E surprise ko siya.. dumeretchu ako sa office niya.. kilala na naman ako doon kaya makakapasok ako..anytime..
Nsa 10th floor ang office ni rey buong floor ang sakop niya.. ang ganda ng building dimo aakalain na makakajowa ako ng mayaman..
Anak kapit ka lang diyan sa loob.. im happy to see u soon❤️ sana lang matanggap ng daddy mo na magkakaanak na kami at bubuo ng pamilya.
Hi manong, kumusta.. ikaw pala Yan maam anna..lalo ka pong gumanda maam.. salamat kuya.. bisitahin ko sana si rey..nandiyan ba siya..opo maam..sige tuloy ka di naman umalis si sir.
Sumakay ako sa elevator. Mahirap na maghagdan Baka hingal kabayo ako pagdating sa tenth floor..
Paglabas ko ng elevator nakita ko ang secretary ni rey. Hello miss san po kayo pupunta may appointment po ba kayo kay sir.. naasar agad ako. Sabunutan ko kaya siya.. actually wala akong appointment sa boyfriend ko.. this is a surprise visit miss.
Sorry maam..ikaw pala ang girlfriend ni sir kayo po si maam anna? Bakit kilala niya ako..yan kasi maam bilin ni sir pag si maam anna anytime welcome dito..pasok po kayo maam..pasensya na po kayo..sige miss tuloy na ako..no worries.
At sa kabila ng alinlangan ko pumasok ako sa pinto na di kumakatok..at laking gulat ko sa nakita ko...si rey at ang kinakainisan kung babae..naka upo lang naman sa lamesa habang niroromansa ng magaling kung boyfriend, na estatwa ako sa kinakatayuan ko habang sila sarap na sarap sa lampungan nila.
Napaatras ako at natabig ko ang vase kaya sabay silang napalingon saken.. habang ako nakatingin lang kay rey na na estatwa rin sa kinauupuan niya. At ang babae nakangisi pa saken...
Tumalikod na ako bago pa tumulo ang luha ko. Ang sakit sakit sa dibdib ng ginawa niya..bakit ganito..nagmahal lang naman ako.. at sobra pa sa sakit at hapdi ang naranasan ko..
Papasok na ako sa elevator at tinatawag ako ni rey.. sweetheart please let me explain.. don leave me..please im begging you.. at sumara na ang pinto..habang ako walang tigil ang pagtulo ng mga luha..
Anak kakayanin natin mabuhay,. Ibibigay ko sayo ang makakaya ko.. ipapangako ko na pagsisihan niya ang panloloko niya saken..mamahalin kita ng sobra-sobra.
Pagbaba ko ng elevator deretchu ako sa sakayan ng taxi.. wala na ako pakialam kung tama ba ang nilabasan ko..basta pumara ako ng taxi.
Maam saan po tayo.. pagbungad ko oh maam ikaw na naman.. coincidence lang ba na tuwing isasakay kita lage ka misirable.. iiyak mo lang yan maam..kaya mo yan.. Hindi worth it Kung sino man yang iniiyakan mo..at yang lalakeng nanakit sa damdamin mo..
Nagpahatid ako sa park kung saan din ako noon hinatid ni kuya. Wala ako sa sarili.. gusto ko mapag isa..kahit ngaun lang.. basta mailabas ko lang itong sakit sa puso ko.. mas masakit pa ito sa nangyari saken..sa mga magulang ko..nakaya ko naman lahat ng hirap sa mundo..at ito may dumagdag pa..kung kelan handa na ako sa lahat..
Humagolhol na ako sa pagiyak at nakikisama pa ang panahon..ngaun pa talaga umulan kung kelan nasa kapighatian ako..pati lang langit nakikidalamhati saken..
Basa na ako sa ulan humahalo na ang luha ko at patak ng ulan sa katawan ko.. wala na ako pakialam pa..basta ang alam ko lang.. wala ako pagkukulang..kung anuman ang maging kahihinatnan ng lahat.. kakayanin ko..lalo may umaasa saken..yon ay ang anak ko..patawad anak..pati ikaw nadamay sa kagagahan ni mama mo..
Huli na kung magsisi pa ako.. Nangyari na ang lahat.. Diko na maibabalik pa.. Kung anu man yong mga nangyari sa nakalipas..