Chapter 5

2255 Words
(A/N: Medyo sensitive po itong part na ito... Pasensya na po.) Anyah's POV Huminga ako nang malalim bago magdoorbell. Sakto naman na si Kuya Gabo ang guard na nandoon. "Ms. Klarize! Nandito po ang Ate Klara at Kuya Josh mo! Baka kung ano na namang gawin sa'yo nu'n!" Sabi ni Kuya Gabo na halatang nag aalala. Ayoko din namang umuwi kaso si Mommy at Daddy kasi.. "Kailangan po e. Pag 'di ako umuwi, mawawalan ako ng panggastos," saad ko na pilit ang ngiti. Tapos tumuloy na sa pagpasok. Ang laki laking bahay puro mga walang k'wenta ang nakatira! No wonder nagkakaproblema sa kompanya. Pagpasok ko ng bahay. Agad na bumungad sa'kin ang mga finance officer ni Ate sa kompanya n'ya. Nasa sala sila at mga aligaga. Bakit pa ko kailangan dito? Madami na sila oh?! Tinignan ko lang sila isa isa na parang may hinahabol na karera. "Finally! Ang walang hiya nandito na," rinig kong sabi ni Ate habang pababa ng hagdan. Tinignan ko lang s'ya ng walang emosyon ang mukha. "Wag mo kong pagsalitaan nang ganyan. Tandaan mo, kayo ang nagpapunta sa'kin dito dahil kailangan n'yo ko." Taas noo kong sabi sa kan'ya dahil totoo naman. Binitin nila kami ni Nathan sa dapat pagsasama namin pareho tapos sasabihan n'ya kong walang hiya! Masyadong inggit! Sasagot pa sana s'ya pero pinigilan na s'ya ng isa pang walang kwenta at hayop na asawa n'ya. Si Josh! "Enough, honey! We need her. Para sa reporting ng kompanya mo," saad nito sa kan'ya at tumingin sa'kin na may halong pagnanasa. Kung si Nathan siguro ang titingin sa'kin nang gan'to, mag iinit ang katawan ko pero dahil isang hayop ang tumingin sa'kin nag iinit ang ulo ko! "KLARIZE!" Sigaw ni Daddy na halos nagpadagundong at umecho sa bawat sulok ng bahay, galing sa taas 'yun kaya ganu'n ang dating. "Sinong kasama mo kanina? Hindi ka pa graduate ng college at kailangan mo pang patunayan na may mararating ka d'yan sa kinuha mong kurso, wag kang magkakamali na mabuntis. Itatakwil na kita nang tuluyan," galit n'yang dagdag kaya nag init ang ulo ko lalo! Pinaalala na naman nila! Naalala ko na naman kung anong ginawa nila sa'kin! Kung akong ginawa ng hayop na Josh na 'yan sa'kin at sa dapat na baby ko! Gusto kong isumbat sa kanila pero hindi! Tama na kakapaliwanag ko! I stay my f*cking poker face bago mag salita. "Pinapunta n'yo ba ko dito para laitin kasi kung ganu'n naman pala. Aalis na lang ako," saad ko at akmang tatalikod. Pero pinigilan ako ng magaling kong ate. "No. Klarize... I need you. Hindi nila magawan kung paano itatally ang finance report ng kompanya ko. I'm sorry. Ikaw lang makakagawa nu'n," saad n'ya na parang naging santa. Humarap ako na ganu'n pa din ang mukha. "Ayun naman pala e! Bakit kailangan n'yo pang iungkat ang nakaraan," iritang sagot ko sa kanila at naglakad papuntang lamesa. Binaba ko ung bag ko. Kinuha ko ung laptop ko. Pinagmamasdan lang naman ako ng mga tauhan nila. "Why?" Taas kilay kong tanong sa kanila. Umiling naman sila at bumalik sa ginagawa. Tumingin ako sa Ate ko na nakatigin sa'kin habang pababa sila ng hayop n'yang asawa. "Akin na at nang makaalis na sa walang kwentang bahay na 'to," saad ko sa kanila at nakataas pa din ang kilay. Narinig ko din ang yabag ng paa ni Daddy na palapit dito sa pwesto ko. Tumingin naman s'ya sa mga tauhan nila at sinenyasan na ibigay sa'kin ung mga dapat kong makita. Dali daling kinolekta ng tauhan n'ya ung mga kailangan ko at ibinigay sa'kin gamit ang isang flash drive. "Thank you," magalang kong saad at kinuha din ung phone ko. Tinignan ko kung nagtext sila Jai pero iba ang nakita kong nagtext. Si Nathan. From: Nate 'Why I have this feeling that you will call me at the middle of the night? Call me anytime, Anyah.' Ganto ba talaga magcare ang lalaking 'to? Anyway! Replyan ko na lang s'ya, at hindi pinansin ung mga matang nakatingin sa'kin. Huhusgahan din naman nila ko kahit anong gawin ko. To: Nate 'Hey! Don't fall inlove. Joke lang. Yep. I'll call you immediately.' Pagkasend ko. Binalik ko na ung tingin ko sa laptop ko at nag open ng mga dapat iopen. Chineck ko lang ung mga papel at isinalpak ung flash drive na may nakalabel na 'financial report'. Ano na naman kayang ginawang kalokohan ng asawa n'ya at nagkukulang na naman ang report nila?! Napangisi na lang ako sa pumasok sa isip ko. This is not the 1st time na pinagawa nila to sa'kin. Ang doktorin ang financial report nila. Pag may ginagawang kalokohan si Hayop na Josh! At nagkukulang ang mga pera na dapat ireport sa board, ginagawa nila 'to. Kahit may ilan sa board na alam 'to. Hindi nila magawang mapatalsik si Ate dahil si Daddy ang backer n'ya at malaki din ang shares ni ate dito. May shares din ako pero wala akong paki du'n. Sila din naman ang may hawak ng account ko du'n. Kaya nga kayang kaya nilang ifreeze pag hindi ako sumunod sa gusto nila. Yes! I'm old enough to decide for my own pero kasi nung pinalayas nila ko dito. Wala pa kong 18, kaya sila ang may hawak nu'n at hanggang ngayon hindi pa nila sa'kin binibigay para hawakan pa din nila ako, pero wag silang mag alala pag ako ang napuno! "Oh? Buti naman at dumating ang babaeng 'to," rinig kong sabi ni Mommy nang makababa s'ya. Hindi ko pinansin kasi wala naman akong pake sa kanila. Itinuloy ko na lang ung ginagawa ko. "Madam, Handa na po ang hapag," rinig kong sabi ni Nanay Loyda kaya nag angat ako ng tingin at sakto din na napatingin s'ya sa akin. "Ms. Klarize! Nandito ka pala," excited na sabi n'ya at lumapit sa'kin. Napangiti naman ako.. si Nanay Loyda ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ko simula nang umalis ako dito. S'ya lang din ang naniniwala sa'kin sa mga kwento ko. Though hindi ko talaga alam kung naniniwala s'ya pero tiwala ako sa kan'ya. "'nay, Kumusta po?" may siglang bati ko at sa unang pagkakataon na dumating ako ngayon gabi, ngayon lang ako ngumiti. Kahit tipid lang. "Naku! Okay lang. Kumain ka na ba? Halika at sumabay ka na kila madam," yaya n'ya sa akin at hinimas pa ang likod ko. "Okay lang ako, 'nay. Kumain na po ako kanina," saad ko sa kan'ya. "Pwede pong pakuha na lang ako ng tubig. Salamat po," pakisuyo ko dahil natuyuan ata ako ng lalamunan. "Oh sige! Babalikan kita," may mga ngiti na saad n'ya at tumuloy na doon sa kitchen. Binalik ko na lang agad ung tingin ko sa laptop ko para matapos ko na 'to. "Kumain ka na, Klarize?" tanong ni dad sa akin. "Yes," maikling sagot ko at hindi man lang s'ya tinignan. "Dito ka na magpalipas ng gabi. Mas safe. Kesa bumalik ka pa ng dorm mo," maatowtoridad na sabi n'ya kaya binigyan ko s'ya ng pagak na tawa. "Mas safe? Kailan pa naging safe ang bahay na may rapist?" sarkastikong tugon ko na hindi pa din tumitingin sa kan'ya or kanila. Isang malakas na sampal ang naramdaman ko pagkatapos kong sabihin 'yun! Mukhang natrigger ko ang pisi ng kapatid ko dahilan kaya lumapit pala s'ya at bigyan ako ng sampal. Matapang ko s'yang tinignan at taas noong tumayo sa harap n'ya. "Ulitin mo 'yan at mapupunta ka sa kangkungan. Baka nakakalimutan mong nakasalalay sa'kin ang hindi mo pagkakatanggal sa posisyon na kinalalagyan mo," matapang na sabi ko. "Pasalamat ka at may kailangan kami sa'yo. Dahil kung wala, kinaladkad na kita ngayon paalis ng pamamahay namin. Ang kapal ng mukha mong tawaging rapist ang asawa ko!" nanggigigil na sabi n'ya. Wala pa nga akong sinasabi affected na agad sila?! Aminado din sila sa sarili nila, ayaw lang nilang tanggapin. "Akala mo naman uuwi ako dito? Ibigay n'yo sa'kin lahat ng bank account ko at hinding hindi na ko magpapakita dito. Akala mo ba taeng tae akong umuwi dito. Atska saglit lang! Wala akong sinabing pangalan?! Bakit nagrereact ka d'yan? Guilty?" nakangising saad ko habang nakataas ang kilay. Nilagyan ko pa ng sarkastikong tawa sa huling sinabi ko. Nakita ko naman na halos umapoy na ung mukha n'ya sa galit at susugod na sana pero pumagitna na si Daddy. "Enough! Tapusin mo na 'yan Klarize at kahit ayaw mo, dito ka matutulog! Let's go, Klara!" Tawag n'ya kay Ate na nanlilisik pa din ung mata. Ang sakit nung sampal! Naupo na lang ako ulit at inayos na ung mga dapat ayusin. Inabot ako ng tatlong oras sa mga draft at ipapaayos ko na lang sa mga tauhan nila tapos ichecheck ko na lang. Inilagay ko sa flash drive at ibinigay du'n sa mga tauhan nila. "Here, I just make a draft, kaya n'yo naman na sigurong ayusing 'yan diba? I'll check that if you did what I instructed there," maawtoridad na sabi ko at inayos ung gamit ko bago pumanhik sa kwarto ko. Habang naglalakd sa hagdan hawak ko ung phone ko. Napangiti lang ako dahil nagmessage pala ulit si Nathan. Di ko na sinagot. Baka tulog na yun. Habang naglalakad sa hallway papuntang kwarto ko. Nakarinig ako ng boses sa likod ko. "So dito ka talaga matutulog?" nanghuhusgang tanong ni Ate. Tss... Kung ako lang ayoko eh! Dapat nga nagpapakasarap kami ni Nathan ngayon. Tsk! "Oo, kaya pakitalian ang asawa mo," saad ko habang tuloy tuloy na naglalakad papuntang kwarto. Narinig ko naman s'yang nagtatatalak at hinayaan ko lang pero papasok na ko ng kwarto ko napahinto 'yun nang marinig ko ung huli n'yang sinabi. "Aakitin mo na naman at magpapabuntis ka!" puno ng pagkutya n'yang palatak kaya tinignan ko lang s'ya ng poker face. "Oo, Ta's papatayin n'yo ulit," puno ng sakit na saad ko habang walang ekpresyon ang mukha at pumasok na sa kwarto. Pabagsak kong na isinara unh pinto ko, yung tipong dinig sa buong pasilyo ng bahay namin 'ska nilock ang pinto. Lahat ng pwede kong iharang, iniharang ko. Para hindi ako mapasok ng demonyo na 'yun! Naalala ko na naman ung ginawa nila! Bumabalik na naman! Dahan dahan akong napaupo sa sahig at hinilamos ang kamay sa mukha! Hayop! Mga hayop! Flashback "Iinum lang tayo, pero juice ang iyo at sa'kin ang alak. Hindi ka naman nag iinum. Bukod du'n buntis ka 'di ba? Last na 'to, Klarize! After this I won't bother you again," pamimilit na saad ni Kuya Josh sa'kin habang ako patuloy pa din sa pag iyak dahil sa takot at na baka may gawin na naman sya. "Eto ang akin? Juice lang 'to?" paninigurado kong tanong sabay kinuha ung baso sa kan'ya at inamoy. Tumango naman s'yang nakangiti pero hindi ako kampante sa ngiti n'ya lalo na hindi maganda ang amoy nitong hawak ko at 'ska natatakot ako! S'ya ang unang uminom ng alak n'ya habang nakatingin sa'kin. Kaya naman ininum ko na din ung juice pero ang panget ng lasa! Alak ata 'to! "A-Alak a-ata to K-Kuya..." nanginginig na boses na sabi ko. "Hindi, juice 'yan. Inumin mo nang tuloy tuloy," nakangiting sabi n'ya pero umiling ako kaya parang segundo lang nakahawak na s'ya sa panga ko at pinipilit na inumin ung juice na sinasabi n'ya. "Iinumin mo ba 'yan o sisikmuraan na lang kita para mawala 'yang dinadala mo," gigil na sabi n'ya habang mas humihigpit ung pagkakahawak n'ya sa panga ko. No! Hindi pwede, kahit hindi ako masaya na nabuo s'ya. Kawawa naman s'ya! Wala s'yang kasalanan. S'ya na lang ang meron ako, wala na si lolo na kakampi ko, kaya kahit ayoko ng lasa, unti unti kong tinaas ung baso ko, binitawan naman ako ni Kuya at sinensyasan na inumin ko 'yun. Sa takot ko inisang lagok ko lang ung juice na 'yun kahit masuka suka na ko. Agad akong nahilo at hindi ko na namalayan na nawalan na ko ng malay. Nagising na lang ako na masakit ang gitna at puson ko, nung hinawakan ko ung gitna ko. I saw a blood kaya nagdali-dali akong tumayo kahit masakit pero laking gulat ko dahil ung bedsheet ko, puro dugo at may mga buo buo... Nanlumo ako na tinitignan ung mga dugo ko at mukhang alam ko na ang mangyari... I had a miscarriage... Hindi ko alam kung paano at bakit?! Pero malaki ang paniniwala ko na may ginawa sila sa'kin... Kahit sobrang sakit tumayo ako at nilinis ung mga dugo. Humahagulgul ako kada dadaputin ko ung mga buong dugo... Eto yun.. ung dapat na baby ko... Pero wala na... Wala na... End of Flashback Kinompronta ko si Kuya Josh nu'n dahil malaki ang hinala ko na s'ya ang may kagagawan nu'n. Dahil nga naman pag nalaman nila Daddy na binuntis n'ya ko at buntis din ang Ate ko. Mawawalan s'ya ng pera. Pero huli na ko nu'n dahil sinabi n'ya pala kila Daddy na inakit ko s'ya at may nangyari sa'min. Kaya galit na galit si Mommy sa'kin dahil hindi ko na daw nirespeto ung Ate ko. Hindi sila naniwala na hindi ko inakit ung asawa ni Ate, kundi nirape ako! Pero hindi nila ko pinakinggan at pinaalis ng bahay dahil nung nalaman ni Ate 'yun parang nasiraan ng bait. Natitrigger s'ya pag makikita ako. Kaya pinalayas ako nila Daddy. See... I'm just 16 years old that time pero hinayaan nila akong mag isa. Ayoko nang balikan 'yun. Ang sakit sakit! Kaya ayokong umuwi dito nang nandito sila dahil kahit anong tapang ko. Natatakot pa din ako sa hayop na kumuha ng kainosentehan ko. ----------
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD