Julian Monterey Umuwi ako sa mansyon kung saan ginanap iyong family party pagkatapos may mangyari sa amin ni Deniece. Sa pagpasok ko ay napansin ko kaagad si Troy na nakaupo sa sala habang umiinom ng alak. Tinawagan ko kasi siya habang pauwi ako kanina. Lumapit ako kay Troy at umupo sa single couch sa kaliwa niya. “Hindi ka pa rin ba nakaka-move on?” panimula ni Troy. Hindi ako umimik muna at nag-isip. Tumulala ako sa hagdan na mayroong red carpet. “Bro, it’s been years. Alam mo naman sigurong kahit kailan hindi na mapapasaiyo si Beige. For fvck’s sake she has two kids with Archer. Juls, kaibigan natin si Archer. And Beige will never look at you the same way she looks at Archer. They are freaking married and happily living their best lives. Tapos ikaw? Look what you’re doing,” disappo