Deniece Ferreira Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay pagkatapos ng huling pagsasama namin ni Julian kagabi. Nagising na lang ako ngayong umaga na walang matandaan sa pag-uwi ko sa bahay. “Ow..” napahawak ako sa ulo ko nang tumibok ito sa sobrang sakit. Dahan-dahan akong umupo sa kama habang nakasapo sa aking kanang kamay ang gilid ng ulo ko. Natakpan pa nga ng buhok ko ang mukha ko dahil nakahilig ang ulo ko. “Ate,” tawag ni Deon nang pasukan niya ako sa kwarto. Lumakad siya papunta sa gilid ng kama at nanatiling nakatayo doon. “Alam mo ba kung anong nangyari sayo kagabi?” “Ha?” wala sa sarili kong wika nang ibaling ko ang atensyon ko kay Deon. “Ikukwento ko sayo kung anong ginawa mo,” ani Deon. Bigla akong kinabahan sa sinabi ng kapatid ko. “Teka, teka. Hindi ako handa, w