“Pero bakit?” tanong ko kay Julian. “I just don’t like seeing you with other guys,” dagdag pa ni Julian. Umalis ako sa pagkakaupo ko sa kanyang hita at umupo sa edge ng kama. “Naguguluhan ako, Julian. Hindi na kita maintindihan.” “Can I ask you a favor?” aniya. “Ayoko,” saad ko. “This will be the last time I’m going to ask you this. Then, you won’t ever see me coming back here,” aniya. Kumunot ang noo ko. Hindi ako nagsalita at tinitigan lamang si Julian. Tinabihan niya ako sa edge ng kama at hinawakan niya ang kamay ko. “Can you be mine for two weeks? After that, I will transfer you to another company so you won’t see me ever.” Tumayo ako at saka siya sinampal. Nangingilid ang mga luha ko habang nakatingin ng may hinanakit kay Julian. “Hindi ako laruan, Julian, para gamitin mo ng