Stephanie cleared her throat when our food arrived. Simpleng lumayo si Sean sa akin na mayroong ngiti sa kanyang labi pagkatapos niya akong halikan. Tila ba sapat na iyon para sa aming mini show sa aming pekeng relasyon. “Sweet lovebirds,” ani Steph sa amin na mayroong pekeng ngiti. “Enjoy your food,” aniya pa bago siya umalis kasama iyong waiter na nagpalag ng aming pagkain. “Thanks, Steph,” ani Sean sa kanya. Nang tuluyang mawala si Steph sa aming paningin ay bumalik si Sean sa upuan na paharap sa akin. “Alright, let’s dig in the food, babe,” aniya sa akin habang pumipili ang kanyang mga mata kung ano ang kanyang uunahin na kainin. Habang kumakain kaming dalawa ay nagsalita siyang muli. “You know what? I’d rather eat your lips, but I don’t want you to starve, so.” “Sa tingin ko enough