“Pero wala namang sinabi si mamita tungkol sa swapping ng mga customer—“ hindi ko na natapos ang aking sinasabi dahil biglang hinila ni Courtney ang braso ko. Napangiwi ako dahil bumabaon ang kanyang mga matutulis at mahahabang kuko na kulay pula. Napansin ko ring nahakot ang atensyon ng ibang mga entertainers. “Courtney, nasasaktan ako…” saad ko sa kanya. “Masasaktan ka talaga kapag hindi mo ginawa ang sinabi ko. Tandaan mong baguhan ka lang dito. Ipapaalam ko lang sayo na marami na akong napaalis dito. Kaya sumunod ka na lang kung ayaw mong matanggalan ng trabaho dito sa bar,” babala ni Courtney sa akin. Marahas niyang binitawan ang braso ko. Halos mapaupo ako sa upuan sa likod ko dahil sa kanyang ginawa. Lumabas si Courtney sa Prep room at mukhang hihintayin akong umakyat sa private