Hindi ko alam kung bakit ako nasasaktan ngayon. Hindi man lang ako kayang tingnan ni Julian na katulad noong pinupuntahan niya ako sa bar. Daig pa niya ang isang stranger dahil pinaparamdam niya ngayon sa akin na hindi ako importante sa kanya. Yung para bang hindi kami nagtabi sa iisang kama. “Is that so?” ani Julian kay Sean. “That’s good news, then.” Hindi ako makapaniwala.. Good news sa kanya na gustong magpagamot ni Sean dahil sa akin. Natulala lamang ako sa kawalan habang nasa pagitan ako ng dalawang magpinsan. “It is,” ani Sean sa kanya na may ngiti sa kanyang labi. “If it weren’t for my girlfriend, baka bukas patay na ako,” anya pa. “Sean!” saway ng kanyang ina sa kanya. “Don’t say that, anak.” “It’s true, mom,” ani Sean. “Anak, you’re my only child. Huwag mo namang ipagkait