San Juan
Kabanata Isa
Nandito kami ngayon ni Timothy sa San Juan, malapit lang ito sa bayan namin, siguro sa mga susunod na araw ay bibisita rin kami sa kina mama. Sa ngayon ay magre-relax muna kami dahil sa mga susunod na buwan ay pasukan nanaman. Dito namin napiling mag-bakasyon dahil dati pa lang ay dito na ang destinasyon namin, lalo na't kapamilya ko ang may-ari nito.
"Maica, may bagong bukas daw dito na hotel. Malapit lang sa dagat at may mga pool at hotel na rin." saad ni Timothy. Napatingin naman ako sa gawain niya.
"Saan naman?" tanong ko.
"Awesome Hotel daw. Puntahan natin! Wala namang entrance fee e!" nasasabik na sagot niya. Tumango-tango naman ako at patuloy na ininom ang cocktail na in-order namin kanina. Medyo mahal, ngunit dahil alam naman naming mag-ipon ay may naging allowance kami para rito.
Sa tagal naming mag-kaibigan ay tinuring na naming mag-kapatid ang isa't-isa, nagtutulungan, nagbibigayan, at nagmamahalan na rin. Pero sa tagal naming mag-kaibigan ay napapa-isip din ako kung nagkaroon na ba siya ng nararamdaman saakin. Ngunit, hindi ko naman sinasabi na gusto ko siya dahil kaibigan lang ang tingin ko sakanya.
"Uy! Dumidilim na rin, tara na sa loob." saad niya. Tumango naman ako bago tumayo, kinuha ang mga gamit bago pumasok sa loob. Nakasunod naman siya saakin.
Tunay ngang dumidilim na at nawawala na rin ang araw, hinintay lang namin ang sunset kanina at pinanood ang araw na lumubog at mawala habang nagkwe-kwentuhan. Sa iisang kwarto na rin kami nag-kasama, hiwalay ang mga kama dahil hindi kami sanay na magkatabing matulog.
"So ano? Pupunta ba tayo sa Awesome Hotel na sinasabi mo?" tanong ko sakanya. Katatapos ko lang maligo at magpalit habang siya ay nakahiga't nakatutok sa cellphone niya. "Huy!" binato ko siya ng unan dahil hindi siya nakikinig saakin, doon lang siya bumalik sa katinuan at pinansin ako. "Ano bang ginagawa mo d'yan at tutok na tutok ka?" tanong ko. Umiling naman siya.
"Oo naman, matutuloy tayo. Kaya i-handa mo na ang mga gamit mo ngayon para hindi ka nagmamadali at baka may makalimutan ka nanaman." sagot niya at ibinalik ang tingin sa cellphone niya. Nagtaka tuloy ako kung anong tinitignan niya doon at nawawala siya sa katinuan.
Kagaya ng sinabi niya ay inayos ko na ang mga gamit ko at baka may makalimutan pa talaga akong dalhin nanaman. Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko ay tumabi ako sakanya saglit at talagang hindi niya ako pinapansin. Kaya naman inagaw ko ang cellphone niya at tinignan kung ano ang nandoon.
"Ibalik mo! Parang tanga 'to!" sinusubukan niyang agawin ngunit linalayo ko sakanya ang cellphone para mas makita ko.
GOOGLE
? Promise Rings
Nakita ko ang mga singsing, sobrang ganda ang mga ito. Ngunit para kanino at tumitingin siya sa mga ganito? May linilihim ba siya saakin. Bumalik ako sa katinuan nang kunin niya saakin ang cellphone at bumalik sa kama para humiga ulit. Kunot-noo ko siyang tinignan at umupo ulit sa tabi niya.
"M-may girlfriend ka na?" wala sa sariling naitanong ko dahil sa pagtataka. Tumingin naman siya saakin at tumawa kaya mas napa-kunot ang noo ko. "Huh?" mas lalo akong nagtaka dahil tumawa siya at wala namang nakakatawa.
"Bawal bang mag-tingin lang?" tanong niya.
"Oo, bawal! Hindi ka naman magtitingin ng ganyan kung wala kang pagbibigayan e!" sagot ko. Napa-ngisi naman siya.
"May gusto kasi akong babae.." saad niya at tumayo papuntang shower.
May gusto pala siyang babae at hindi man lang kwinento saakin. Pero sino kaya? Halos kami naman ang magkasama palagi? Nakilala niya kaya sa online o sa school? Saan? Gano'n na lamang ang pagtataka sa isip ko ngunit hinayaan ko na lang at hinintay na kang na siya ang magsabi saakin. Bumalik na ako sa kama ko at humiga, tuyo naman na ang buhok ko. Tinignan ko muna ang cellphone ko at wala naman masyadong notification doon kaya pinatay ko na lang, maga-alas 9 na ng gabi. Hindi ko na hinintay na matapos si Timothy dahil inaantok na ako.
"Gising na, pupunta pa tayo ng Awesome Hotel diba?" boses ni Timothy ang gumising saakin. Agad naman akong bumangon at nag-inat. Inaantok pa ako, tinignan ko ang oras ay alas 7 pa lang ng umaga. Aga naman!
"Antok pa ako." inaantok na sagot ko at binagsak ang katawan sa kama at pumikit ulit. Masyado namang sabik ang lalaking ito.
"Bumangon ka na!" niyuyugyog niya ang katawan ko at inaantok pa rin talaga ako. Ano ba naman 'to! "Bahala ka, iwan na kita!" saad niya ngunit hindi ko iyon pinansin. Narinig ko siyang umupo sa kama, pakiramdam ko ay naka-titig lang siya saakin. Gusto kong tumawa. "Kingina naman ng babaeng 'to." saad niya. Kinurot ko ang braso niya at napatayo siya sa ginawa ko. Natawa naman ako habang nakapikit pa rin. "Bumangon ka na kasi! Sinasaktan mo na nga ako oh!" naiinis na saad niya kaya minulat ko na ang mga mata ko at tumingin sakanya bago tumawa. Umirap naman siya at nauna na sa shower. Hays!
Bumangon na ako at naghanap ng mapagdadamit. Pinili ko na lang ang black buttoned polo ko na may dahon na design at white na shorts ko, magsasapatos na lang ako ngunit magdadala pa rin ng step-ins. Tagal naman maligo ng lalaking 'yon. Nang masabi ko iyon sa isip ko ay bigla siyang lumabas ng shower. Natatawa pa rin ako sa pagmumukha niya dahil inis na inis ang itsura nito.
"Sorry na! Libre kita!" saad ko at kinindatan siya. Bigla naman siyang ngumiti kaya natawa naman ako.
"Maligo ka na nga doon!" saad niya. Tumayo naman ako at dumiretso ng banyo.
Shet, wala ng conditioner!
"Timothy!" sigaw ko.
"Ano?!" sigaw niya pabalik.
"Tignan mo nga yung conditioner sa bag ko!" saad ko.
Bigla namang may kumatok sa banyo. Bilis naman! Binuksan ko ang pinto at sumilip, na sa labas siya at nakatalikod ang ulo niya.
"Kunin mo na! Kabagal Jamaica!" saad niya. Tumawa naman ako at kinuha ang conditioner sa kamay niya.
"Thanks po lods!" saad ko bago isara ang pinto.
Pagkatapos ko maligo ay nagpalit na ako. Naka-black polo rin si Timothy at parehas pa talaga kami ng design, gaya gaya amp!
"Hoy gaya gaya kang lalaki ka!" sigaw ko sakanya at itinuro ang damit niya. Umirap lang siya at lumabas papuntang veranda.
"Bilisan mo!" sigaw niya galing sa labas. Umiling na lang ako at inayusan ang sarili. Nag-pulbos at konting liptint bago sinuklayan ang buhok. Okay na yan! Kinuha ko rin ang bucket hat ko at kinuhanan din si Timothy.
"Tara na! Ikaw mag-drive." saad ko at nauna na sa kotse. Bango niya grabi!
Habang nasa kotse ay nag-cellphone muna ako. Scroll sa f*******: at i********: ngunit puro memes at shared posts lang ang nakikita ko doon kaya pinatay ko muna.
"Suot mo ito mamaya please." saad ko at ipinakita ang bucket hat. Tumango naman siya kaya napangiti ako ng malaki. Heheheh! "Tagal pa ba? Kwento mo muna saakin yung babaeng gusto mo." saad ko.
"Maganda siya." sagot niya. Napatingin ako sakanya.
"Yun lang?" tanong ko. Napangisi naman siya.
"Maganda, makulit, palatawa, maputi, maliit.." natawa siya doon. Nakatingin lang ako sakanya habang sinasabi niya ang mga iyon. "Matalino, masipag, maalaga, mapagmahal, madami pa." saad niya. Napatango naman ako.
"Nakasama mo na ba siya?" tanong ko.
"Oo naman." sagot niya.
"Ah. Anong mga ayaw niya? Small details gano'n?" tanong ko dahil nagtataka at napapa-isip talaga ako kung sino ang babaeng tinutukoy niya.
"Ayaw niyang pinipilit mo siya, ayaw niyang napapagalitan at nasisigawan dahil naiiyak siya tuwing gano'n, ayaw niyang pinapakita na mahina siya. Allergic siya sa seafoods, mahilig siya sa chuckie at yakult." sagot niya. Napatango na lang ako at inalis ang tingin sakanya. "Manhid ka ba?" tanong niya kaya napatingin ako sakanya.
"H-huh?" pagtataka ko kung bakit niya natanong yun.
"Wala." tumawa siya at itinigil ang pagmamaneho at tumingin saakin. "Andito na tayo." saad niya. Tumango naman ako at inayos ang sarili bago lumabas ng kotse.
"Timothy, bukas tayo uuwi saamin. Gusto mo?" tanong ko habang naglalakad kami. Tumango naman siya at hinila ako papunta sa counter.
"Good Morning." bati niya sa babaeng nasa counter, tumango na lang ako sakanya at ngumiti.
"Good Morning po, couple? May free hotel at food po." saad ng cashier. Bibitaw sana ako sa kamay niya ngunit ang higpit ng hawak niya.
"Huy!" bulong ko ngunit hindi siya nakikinig.
"For couples only lang?" tanong niya sa babae.
"Yes sir. Are you a couple sir?" tanong muli ng babae.
"Yes." sagot naman niya.
"This way po." iginaya ng babae ang daan kung saan kami pupunta, iniwan niya kami sa hotel.
"Thank you!" saad niya sa babae. Ngumiti naman ang babae at tumango. Nang makaalis ang babae ay hinampas ko siya sa braso. "Aray!" napahawak siya doon at tumingin saakin.
"Anong couple?!" kunot-noo'ng tanong ko .
"Ayaw mo non? Free hotel at food?!" tanong naman niya. Sabagay. Umirap na lang ako at nag-ayos ng gamit.
"E paano? iisa ang kama oh!" itinuro ko ang queen size bed.
"Edi sa sofa na lang ako." napakamot siya sa ulo.
"Huwag na, kawawa ka naman!" sagot ko .
"So payag ka? Kahiga tayo?" nang-aasar na tanong niya. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Isang gabi lang naman." sagot ko. Lumabas kami ng hotel dala-dala ang camera namin para kumuha ng mga litrato. Ang ganda dito.
"Tayo ka doon oh, picturan kita." saad niya. Sumunod na lang ako at tumayo doon at ngumiti. "1, 2, 3.." nang matapos ay lumapit ako sakanya at tinignan ang litrato.
"Ikaw din tayo ka doon!" saad ko.
"Hi , ma'am, sir. Would you like me to take a photo of you two? You look cute together." lumapit ang isang babae at sinabi iyon. Inabot naman ni Timothy ang camera sa babae. Hinila naman ako ni Timothy, hinawan niya ang bewang ko habang ang isang kamay niya ay nakapamulsa. Ngumiti na lang ako para sa litrato.
"Thank you." saad ni Timothy at kinuha ang camera sa babae.
"Welcome sir." tumango ang babae at ngumiti.
"Patingin!" ibinaba niya ang camera para makita ko. "Ganda naman ng kuha natin!" saad ko at ngumiti.
"Gwapo ko kasi!" saad niya at hinila ulit ako. Kumunot naman ang noo ko at umirap. Kapal naman ng mukha mo.
"Bakit pala hindi mo isinama ang babaeng gusto mo? Ano ang pangalan niya?" tanong ko.
"Tawagin natin siyang Ann." sagot niya. Tumango naman ako. "Gutom ka na ba? Tara kain." saad niya, hindi na rin ako sumagot dahil hawak hawak niya ang kamay ko at patuloy ang paghila saakin. Linilibot naman ng mga mata ko ang paligid. Ang ganda!
Nakarating kami sa restaurant ng hotel na ito. Dahil ata sa parehas na damit namin ay inaakala talaga nilang couple kami. Umupo kami ni Timothy sa pinakamalapit sa counter. Lumapit saamin ang isang lalaki na nagtratrabaho ata rito.
"Hi ma'am sir. Pick whatever you like and we'll give it to you for free. Take your time." ngumiti ang lalaki at inabot ang menu saamin. Sinuri ko ang mga pagkain at inuming nakalista doon.
"Ang mahal 'no? Tas ibibigay lang saatin ng walang bayad." saad ko habang nakatingin pa rin sa menu.
"Oo nga, mahal." sagot niya. Napatingin ako sakanya bago ibinalik ang tingin sa menu.
"Anong gusto mo?" tanong ko sakanya.
"Ikaw?" nakatingin pa rin siya sa menu.
"H-ha? Ay ano, chocolate chip pancakes na lang at hot chocolate tapos ice cream. Ikaw?" tanong ko.
"Yun na rin." saad niya at tinawag ang lalaki kanina at sinabi ang mga order namin. Bakit ba parang naiilang ka sakanya, Jamaica??
"Kwentuhan mo naman ako tungkol kay Ann." saad ko.
"Hindi niya alam na gusto ko siya." sagot niya.
"Binilhan mo ba siya ng singsing?" tanong ko dahil naalala ko ang promise rings na tinitignan niya noon.
"Oo, ibibigay ko sakanya pag liligawan ko na siya, hihingiin ko muna ang mga permisyo ng mga magulang niya." sagot niya.
"Talaga? Swerte naman niya 'no?" saad ko.
"Ikaw, may nagugustuhan ka ba ngayon na lalaki?" tanong niya.
"Hindi ako sigurado e, parang mali kung magugustuhan ko siya." sagot ko. Ikaw ba ang tinutukoy ko? Naguguluhan na ako sa nararamdaman ko. Nagseselos ba ako?
"Bakit naman mali?" tanong niya. Ramdam ko ang titig niya saakin.
"Kasi may gusto siyang iba?" sagot ko at tumingin din sakanya at binigyan siya ng mapait na ngiti.
"Ma'am, sir, here's your order." buti na lang at dumating na ang waiter at kung hindi ay mahahalata ako ni Timothy.
"Sarap!" saad ko habang ngumunguya. Nakatingin lang saakin si Timothy habang kumakain. "Bakit mo ba ako tinitignan? Nakakailang." saad ko. Ngumisi naman siya at ibinaba ang tingin sa pagkain.
"Sulitin na natin. Uuwi tayo bukas sainyo." saad niya. Tumango naman ako at hindi nakasagot dahil madami ang nasubo kong pancake. Natatawa naman siya sa itsura ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
Pagkatapos naming kumain ay linibot namin ang Awesome Hotel. Ang ganda talaga!
"Uy! Picture'an mo nga ako dito!" Itinuro ko ang dagat na may white sand. Umupo ako sa white sand at pinicture'an naman niya ako. Pagkatapos ay tumayo ako at lumapit sakanya para tignan ang kinuhanan niyang litrato. "Ang ganda ng view 'no?" tanong ko habang nakatingin sa litrato.
"Ganda nga, sobra." saad niya at zinoom ang mukha ko. "Galing ko talaga kumuha ng litrato mo." proud na saad niya. Ngumiti naman ako at kinuha ang camera sakanya.
"Tayo ka din doon. Kuhanan din kita." saad ko. Umiling naman siya pero sumunod pa rin. Tumalikod siya sa camera at humarap sa dagat, halos against the light na dahil sa araw ngunit kahit gano'n ay ang ganda pa rin ng kuha niya. Nagpakuha pa kami ng litrato sa mga taong dumadaan para may litrato pa rin kaming magkasama. Madami pa kaming oras at hindi na namin naiisip ang kumain dahil ang gandang libutin ang lugar na ito.
Nang mag-sunset na ay umupo kami sa sand, nagpakuha kami ng litrato sa babaeng dumaan. Ang ganda ng kuha namin. Nakaupo , magkatabi, pinapanood ang sunset. Gano'n ang posisyon namin sa litrato.
"Pasok na tayo sa loob." saad niya. Tumango naman ako at tumayo.
Andito na kami sa loob ng hotel ngayon, kakatapos lang namin maligo at nakahiga na kami sa kama ngayon. Pakiramdam ko ay pagod ako pero ang saya sa pakiramdam, konti na lang din ay dadalawin na ako ng antok. Hindi ko na nilabanan pa ang antok ko at nakatulog na ako.
Pagkagising ko ay hindi ako makagalaw. Nagulat ako ng nakayakap saakin si Timothy. Hindi ko alam ang gagawin ko kung aalisin ko ba ang kamay niya o hahayaan siya. Tinignan ko ang oras ay alas sais pa lang ng umaga, natulog na lang ulit ako. Nang magising ulit ako ay wala na si Timothy sa tabi ko. Bumangon naman na ako at nag-inat. Nasan kaya siya? Hinayaan ko na lang at dumiretso ng banyo.
"Ay!" napatakip ako sa mata ko ng makita si Timothy na walang damit at naka-tuwalya lang. "Bakit hindi ka nagla-lock?!" tanong ko. Nakatakip pa rin sa mga mata ko ang palad ko.
"A-akala ko kasi tulog ka pa rin." saad niya. "O, ikaw na." tinanggal ko ang palad ko at wala na siya sa harap ko. Nakahinga ako ng malalim. Jusko! Bless my eyes!
Naligo na rin ako dahil uuwi nga pala kami saamin ngayon. Casual na lang ang isusuot ko dahil uuwi lang naman kami. Nang matapos ako ay nagligpit ako ng mga gamit para wala akong maiwan.
"Tara na?" tanong niya. Tumango na lang ako at binitbit ang mga bag namin. "Ako na." kinuha niya saakin ang mga bag at aagawin ko sana ngunit nauna na siyang maglakad palabas. Napakamot ako sa batok at sumunod na lang sakanya.
Habang nasa biyahe ay nagbasa muna ako sa cellphone ko ng mga novels. Nang makarating naman kami saamin ay sinalubong agad kami ni mama.
"Anak ko!" yinakap ako ng mahigpit ni mama. Ngumiti naman ako at yinakap siya pabalik. Yinakap rin niya si Timothy, dahil sa tangkad niya ay kailangan pa niyang yumuko para mayakap siya ni mama. "Kumusta? Kayo na ba?" tanong ni mama. Hindi ko alam kung nagbibiro siya o ano.
"Mama!" suway ko na lang sakanya. Ngumiti naman si Timothy sakanya.
"Pasok kayo at maayos niyo ang mga gamit niyo. Ilang araw ba kayo rito?" tanong ni mama.
"Dalawang linggo po tita." sagot ni Timothy.
"Nako, hijo! Mama na lang ang itawag mo saakin at matagal na rin kitang kilala baka kayo pa magkatuluyan ng anak ko e!" tumawa si mama. Umiling na lang ako at pumasok sa loob. Narinig ko ang pagtawa ni Timothy. Parang gusto ko yang asar mo mama ha! Pero pakipot muna tayo. Charot!
Hindi nagtagal ay pumasok na rin ang dalawa. Pumunta si Timothy dito sa kwarto at inayos ang mga gamit namin.
"Tabi na lang kayong matulog at wala ng bakanteng kwarto rito e. Okay lang ba yon?" tanong ni mama. Wala na akong magagawa kaya tumango na lang ako.
"Okay lang po, mama." sagot ni Timothy. Ngumiti naman si mama sakanya. Siya ba talaga ang anak o ako?
Nakalipas ang ilang oras at nagtawag ulit si mama.
"Kakain na! Timothy, Jamaica!" pagtawag niya saamin. Sabay naman kaming lumabas at umupo sa hapag.
"May nobyo ka na ba, hijo?" tanong ni mama kay Timothy. Umiling naman si Timothy at ibinaba ang tingin sa pagkain. "Mabuti yan at bagay naman kayo ng anak ko e! Kung pwede ay kayo na lang ang magkatuluyan." saad ni mama.
"Mama! Ano ba?" tanong ko.
"Aba'y bakit? Ayaw mo ba kay Timothy?" tanong ni mama. Ewan ko ma! Gusto ko? Pero may gusto siyang iba. Ano ba yan! Kanina pa ako napapa-isip kung sino si Ann , san ba niya nakilala yon? Sa school? E nagkikita daw sila! Dami mo namang lihim, Gabriel Timothy.
Sabi ko kaibigan lang tingin ko sayo. Okay , wag na lang tayong aamin. Never, baka masaktan tayo Jamaica.
"Ayaw niyo ba sa isa't-isa?" tanong muli ni mama. Nagkatinginan kami ni Timothy. Paano ba ako sasagot dito? Ano ba yan.
"May gusto pong iba si Jamaica."
"May gustong ibang si Timothy."
Nagkatinginan kami sa isa't isa. Ako ba ang tinutukoy niya sa Ann? Eliann? Gano'n ba yon? Kaya ba sinasabi niyang manhid ako? Huh?
TO BE CONTINUED...