SA apartment ko natulog si Luciel ng gabing iyon. Parati niyang sinasabi na makakahanap ako ng trabaho at gagawa siya ng paraan. Gusto ko ring i-assure sa kanya na magiging maayos ako kahit hindi niya ako tulungan subalit ngayon, alam kong wala akong laban sa kanyang ama. Lunes nang makatanggap ako ng mensahe sa hindi kilalang numero na sinasabing natanggap nila ang application ko sa kanilang hotel at ini-invite ako para sa isang interview. Akala ko noong una ay scam kaya’t tinawagan ko muna si Luciel kung pamilyar siya sa pangalan ng hotel. “Pamilyar ka ba sa Royal Spade Hotel and Casino? May interview kasi ako sa kanila at sinabi nila na nagpasa ako ng application sa kanila kaya lamang hindi ko maalala na nagpasa ako sa ganoong lugar.” Ni hindi nga ako pamilyar sa pangalan ng hotel na