KABANATA 9

2666 Words

NAUPO kaming dalawa ni Papa. Magkatapatan kami at habang ako ay kinakabahan sa ekspresyong ipinapakita niya sa akin, siya naman ay nakangiti sa akin. “Pa, ano pong problema? Tumawag daw po kayo sa resort? Anong mayroon?” Masaya ako na gusto niya akong makita at makausap pero sa ganitong ekspresyon na ipinakita niya ay hindi ko maiwasang kabahan. “Saan ka nga nagtatrabaho?” tanong niya sa akin. Siguro ay ang ibig niyang sabihin ay kung saan ako nag-i-intern. Huminga ako nang malalim. “Sa isang malaking resort po sa Calatagan, Pa. Villa Benavides po.” Nanlaki ang kanyang mga mata sa sinabi ko. Kita ko ang makahulugang ngiti na pumorma sa kanyang labi. Bahagyang kumunot ang noo ko pero agad ko rin iyong iniwala dahil baka mapansin ni Papa. “Nasabi nga ng Tita mo sa akin. Tapos ay dumalaw

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD