KABANATA 39

2343 Words

NALAMAN ko kay Luciel na ang pinsan niyang si Gareth ay pinadala sa Claveria noon. Malayo raw iyon at parusa sa nagawang pagkakamali ng kanyang pinsan noong isang beses na mag-bar sila. Kaya pala hindi ko sila masyadong nakikitang magkakasama. At ngayon, wala rin siya dahil pumunta siya kasama si Yago sa Claveria. Nakakalungkot pero…wala naman akong magagawa roon. Maraming pagkakataon na may family event sina Luciel at gusto niya akong isama pero hindi ako sumasama na. Kahit sabihin niya sa aking okay lang sa dad niya, ako na ang iiwas sa gulo. Ayokong magkaroon na naman ng iringan ang mag-ama. Masaya na ako na ngayon, hinahayaan niya na kami ni Luciel kumpara noon. Bumaba ako ng jeep. Umuwi ako ng Batangas dahil bukas ay may kukunin ako sa school ko rati. Nag-text sa akin si Fatima

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD