Prologue

1739 Words
Recuerdo de Amor Island History Dalawangput-pitong taon na ang nakaraan nang magsimula ang bawal na pag-iibigan ng isang maharlikang binata ng Espanya at karaniwang dalaga galing Pilipinas. Si Hernan Rafael "Ralph" Velasquez ay panganay na anak ng Duque de Calabria, Enfante Mauricio Arnolfo Velasquez. Itinakdang magpakasal sa isang maharlikang dalaga mula sa Familia Castañeda, ngunit umibig sa isang karaniwang dalagang Pilipina na nagtatrabaho sa isang unibersidad sa Espanya bilang guro. Maria Luisa Saratoga, galing sa simple ngaunit masipag na pamilya sa Pilipinas, makapagtapos sa kanyang pag-aaral sa tulong ng programa sa iskolar ng gobyerno. Isa sa mapalad na nakapagtrabaho sa Espanya bilang professor ng sikat na university doon. Isang okasyon sa unibersidad na pinagtuturuan ni Luisa ang naging dahilan para magkrus ang landas nila ng binatang Velasquez, kung saan isa s'ya na piling panauhing pandangal ng paaralan. Doon unang nakilala ni Ralph ang dalaga, agad siyang nabighani sa simple n'yang ganda. Bukal na ipinakita ni Ralph ang kanyang nararamdaman para sa dalaga ngunit iniiwasan s'ya ni Luisa, sa kadahilanang malapit na itong ikasal sa dalagang Castañeda na Baron ang ama. Hindi itinanggi ni Ralph ang bagay na iyon pero pinaliwanag n'ya kay Luisa na walang pagmamahal ang namagitan sa kanila ng dalagang Castañeda, kundi dahil sa kagustuhan ng kanilang pamilya. Inamin n'ya kay Luisa ang tunay n'yang naramdaman para dito. Mula nang malaman ni Luisa ang totoo, binigyan n'ya nang laya ang pagmamahal n'ya kay Ralph. Iyon ang naging umpisa ng lihim nilang pag-iibigan. Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, alam ng ama ni Ralph ang kanilang relasyon sapagkat lihim nitong pinasundan ang anak. Unang kinausap ng Duque si Luisa, pinagbawalang makipag-usap at layuan ang kanyang anak. Pinagbantaan din s'ya ng Duque na paalisin sa kanyang trabaho at sa Espanya. Kinutya at pinagsalitaan nang masama pa nito si Luisa. Nasaktan ang dalaga sa mga narinig, at dahil sa takot na mapaalis sa kanyang trabaho, iniwasan ni Luisa ang binata kahit masasaktan ito. Kahit mahal niya si Ralph wala s'yang laban sa ama nito. Maliban na lang kung kaya s'yang ipaglaban ni Ralph. Sa pag iwas ni Luisa kay Ralph, napagtanto ng binata na may kinalaman ang kanyang ama sa nangyayari. Lihim n'yang kinausap si Luisa, binigyang kasiguraduhan ang kanilang pagmamahalan. Handa niyang talikuran ang kanyang marangyang buhay at tungkulin para sa dalaga. Para sa kanya ang pagmamahal n'ya sa dalaga at mamuhay nang simple ay higit pa sa buhay na gusto ng kanyang ama. Hindi n'ya ambisyong maging Duque o maging sunod-sunuran sa utos ng ama. Napagplanuhan nilang dalawa na magtanan na lang kapag hindi tanggapin si Luisa kanyang pamilya. Ayaw man ni Luisa mangyari 'yon, ngunit ito lang ang nakita nilang paraan para ipagpatuloy ang kanilang pagmamahalan. Napagpasyahan ni Ralph na kausapin ang katipan para linawin ang kanilang relasyon. Gusto n'yang iurong ang kanilang kasal, batid n'yang hindi rin gusto nang dalaga ang ikasal sa kanya dahil may lihim din itong nobyo, ngunit pangkaraniwang mamamayan lang ito ng Espanya kahit maykaya sa buhay. Masaya ang dalagang Castañeda sa pag-urong ni Ralph sa kanilang kasal dahil iyon din ang balak n'yang gawin lalo na at buntis s'ya, anak ng kanyang nobyo ang dinadala. Matapos kausapin ni Ralph ang dalagang Castañeda, umuwi s'ya sa tahanan ng ama para kausapin ito. Galit na galit ang ama n'ya nang harapin sya. Hindi matanggap ni Don Arnolfo ang disesyon ng anak kahit alam nitong buntis ang kanyang katipan. Gusto ng ama ni Ralph at ng Baron na ipagpatuloy ang kasal, sa lalong panahon dahil buntis ang dalaga at ipaako sa kanya ang bata. Para sa Duque at Baron, ang karelasyon ng kanilang mga anak ay hamak na mamamayan lamang at hindi nababagay sa kanilang antas sa buhay. Pinagbawalan si Ralph ng kanyang ama na makipagkita kay Luisa at palaging may bantay sa paligid n'ya. Hindi rin s'ya maaring umalis sa kanilang tahanan hanggat hindi sila ikinasal. Inanunsyo sa pahayagan ang nalalapit nilang kasal dahil sa buntis na ang kanyang katipan. Galit na galit sa ama n'ya si Ralph dahil sa pagmamanipula n'ya. Nasaktan si Luisa sa narinig kahit alam n'yang hindi totoo. Minsan n'ya ring makausap ang dalagang Castañeda, walang itong naramdaman na pag-ibig sa binata kundi turing kapatid lamang at may mahal na itong iba. Ang lalong nagpasakit sa dandamin n'ya ay ang pagtanggal sa kanya sa trabaho at pagpa-uwi sa Pilipinas. Ginamit ng ama ni Ralph ang kanyang impluwensya sa Espanya para magawa sa kanya iyon. Ang pinapanalangin na lang ni Luisa na sana wagas ang pagmamahal ng binata at magawa s'yang sundan sa Pilipinas. Habang sa mansyon ng mga Velasquez, buo ang pasya ni Ralph na lisanin ang kanilang tahanan at makipagtanan kay Luisa bago pa man s'ya maikasal ng kanyang ama sa dalagang Castañeda. Sa tulong ng kanyang ina at bunsong kapatid na babae, magawang makatakas si Ralph sa kanyang mga bantay at makaalis sa mansyon na walang makakaalam. Dala ang malaking halagang naipon galing sa sariling sikap, agad s'yang dumeretso sa inuupahang bahay ni Luisa, na kung saan naghahanda na itong tumulak papuntang paliparan paalis ng bansang Espanya pabalik sa Pilipinas. Laking pasasalamat ni Ralph ng maabutan n'ya si Luisa doon. Wala silang sinayang na sandali. Pagkatapos nilang magyakapan, agad silang tumulak sa paliparan ng Espanya para makaalis nang bansa bago pa man sila maabutan ng ama ni Ralph. Alam nang dalawa na malaking iskandalo ang mangyayari sa pagtanan nila, at malagay sa kahihiyan ang pamilya Velasquez at Castañeda ngunit hindi iyon mahalaga sa ngayon para sa magnobyo. Hindi nila pinagsisisihan na ipaglaban ang kanilang pagmamahalan. Matiwasay silang nakarating sa Pilipinas pero alam nilang hindi matapos dito ang lahat. Anung mang sandali matunton din sila ng ama ni Ralph. Kailangan nila nang lugar na maari silang magtago at mamuhay ng simple. Sa tulong ng malayong kamag-anak ni Luisa, pinahuyan sila nito sa magtago sa isang isla na malayo sa kabihasnan. Agad namang sinang-ayunan nang magnobyo. Sa tulong ng mga kapatid ni Luisa, nagpakasal muna sila huwes bago tumulak ng isla. Nang sa gayon malaya silang mamuhay doon bilang mag-asawa sa mata ng tao. Gustuhin man ni Ralph na pakasalan si Luisa sa simbahan, alam nila na hindi pa ito ang tamang panahon. Nakuntento na lang sila sa simpling kasal sa harap ng husgado. Mahigit isang oras at kalahati ang byahe papuntang isla, gamit ang sasakyang panghimpapawid. Konting lang ang naninirahan doon, payak ang pamumuhay nang tao sa isla at nakakasiguro hindi na sila matunton doon ng ama ni Ralph. Mahigit dalawang oras ang kailangan nilang lakbayin gamit ang bangka bago makapunta sa malapit na bayan. Nagbago ang pamumuhay ng taga-isla nang dumating ang mag-asawang Ralph at Luisa dito. Para matulungan silang itago ang kanilang sekreto, tinulungan nilang mamuhay ng maayos ang mga tao doon. Bumili din ang mag-asawa ng bangkang di-motor para padali ang kanilang paglakbay sa karatig na bayan, at magkaroon nang mga desenteng pagkain dahil ang nakagawiang pagkain ng mga residente ay gabi, kamote, mais at lamang dagat. Palihim ding pumupunta ang mga kapatid ni Luisa para balitaan sila sa mga nagaganap sa kanilang mga pamilya. Patuloy pa rin silang pinaghahanap ni Don Alfonso dahil hindi nito matanggap ang pagsuway ng kanyang panganay na anak at pagbigay sa kanila nang kahihiyan. Galit na galit na sumunod ang Duque sa bahay ng mga Saratoga, bigong makita ang anak at lalong nagalit nang mabalitaang magpakasal na ang mga ito. Lumipas ang mga buwan, nasanay na ang mag-asawa sa buhay nila sa isla. Hanggang isang araw nalaman nila na buntis si Luisa. Sobrang tuwa at pasasalamat nang mag-asawa, maging completo na ang kanilang pamilya. Hindi nahirapan si Luisa sa kanyang pagbubuntis, pero sa papalapit na kabuwanan nito napagpasyahan nilang sa lungsod na lang muli manirahan at doon ipanganak ng sanggol. Handa na rin nilang harapin ang ama ni Ralph. Wala nang pakialam si Ralph kahit tuluyan s'yang itakwil ng ama. Ang mahalaga sa kanya ay ang sariling pamilya. Ang bunsong kapatid ni Ralph ang unang bumisita sa kanila nang malaman nitong nasa lungsod na ang kanyang kuya. Masaya din ito nang malaman malapit na ipanganak ang unang Velasquez ng pamilya. Hindi nila maipagkaila na mahalaga ang gagampanan ng unang anak na Velasquez. Ngunit mariing itinanggi iyon ni Ralph, gusto n'yang mahumuhay nang simple sa Pilipinas kasama ang pamilya at handang talikuran ang reponsibilidad sa Espanya. Gusto n'yang maging malaya ang kanyang anak at mapalayo sa buhay na nakagisnan n'ya. Isinilang ni Luisa ang malusog na sanggol na lalaki. Pinangalanan nila itong Prince Rafael Luis Velasquez. Ang bunga ng kanilang pagmamahalan. Sa pagsilang ni Rafael, tuluyang lumambot ang puso ng Duque at unti-unting tinanggap ang kapalaran ng anak. Ipinasa nito ang kanyang responsibilidad ikalawang anak na lalaki. Humingi rin s'ya ng tawad kina Ralph at Luisa sa kanyang mga kasalan, kasabay nang pagbigay nito ng kanyang basbas sa pagmamahalan nang dalawa. Ibanalik na rin ni Don Arnolfo ang nararapat na mana ng anak, maging ang tungkulin nito sa kanilang negosyo. Ito mismo ang nag-organisa ng marangyang kasal ng dalawa sa Pilipinas, pangbawi man lang sa mga ginawa nitong kasalanan, na hindi naman tinutulan ng mag asawa. Para sa kanila, panatag na ang kanilang loob sa pagtanggap sa kanila ng Duque. Sa pagbalik ng yaman ni Ralph, una n'yang pinagtuonan ng pansin ay ang pagbili ng isla sa gobyerno at pagbigay nang maayos na pamumuhay at kabuhayan ng mga residente doon. Pinatayuan n'ya ito ng mansyon sa gitna ng isla bilang kanilang bahay bakasyunan. Palihim n'ya itong ginawa sa tulong ng mga kapatid ni Luisa. Gusto n'ya itong gawing regalo sa ikawalang anibersaryo nila sa kasal sa huwes. Dahil din sa naranasan sa isla doon n'ya naisipan magpatayo ng bagong negosyo gamit ang perang kanyang minana. Nang dumating ang takdang araw ng kanilang anibersaryo, unang binuksan ni Ralph ang kanilang negosyo. Ang Luisa Airlines. Sakay gamit ang unang pundar na sasakyang panghimpapawid dinala ni Ralph ang kanyang asawa at anak sa kanyang surprisa. Halos hindi makapaniwala si Luisa sa kanyang nakita mula sa himpapawid. Ang dating simpling isla na naging kanlungan, tahanan at saksi na kanilang pagmamahalan ay nagkaroon ng buhay. Pinangalanan ito ni Ralph na Recuerdo De Amor Island. Na sinang -ayunan naman ni Luisa. Recuerdo DeAmor Island, Alaala ng kanilang pagmamahalan, dahil sa isla tumibay ang kanilang pag-iibigan, at nagbunga. Na kahit maglipas man ang panahon, manatiling sariwa sa kanilang isipan lalo na't pag aari na nila ito ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD