Chapter 1

2659 Words
Kanina ko pa hinihintay si Timothy sa tapat ng  aming bahay. Siya ang boyfriend ko. We've been together for five years. Nagsimula ang relasyon namin noong Grade 10 pa lang kami. Ngayon ay nasa ikatlong taon na kami sa kolehiyo. Napangiti ako nang makita ko na ang kanyang sasakyan. Humigpit ang kapit ko sa strap aking bag dahil sa excitement. Kahit na limang taon na kami, hindi pa rin nawawala ang kilig na nararamdaman ko sa tuwing makakasama ko siya. Tumigil ang sasakyan niya sa aking harapan. Mabilis kong binuksan ang pintuan para makapasok sa loob. Sinalubong ko siya ng isang ngiti, ngunit hindi man lang niya ako binalingan ng tingin. Pinaharurot niya agad ang kanyang sasakyan. "Goodmorning, Timmy.." Matamis kong bati sa kanya. Hindi ako nakatanggap ng kahit na anong sagot. Nakatuon ang kanyang atensyon sa daan. Nakakunot na naman ang kanyang noo. Nitong mga nakaraang buwan, napapansin ko ang mga pagbabago sa kanya. Minsan, sa akin niya ibinubuhos ang pagka inis niya. Simula nang maging parte siya sa varsity ng basketball team sa department nila last sem ay palagi na lang siyang iritado. Lalo na sa akin.   "Badtrip ka na naman ba?" Tanong ko. Baka sakaling makatanggap ako ng sagot. Kaso ay wala. Hindi talaga siya umiimik. Kaya pinili kong manahimik na lang hanggang sa makadating kami ng University. Baka mainis na naman siya sa akin pag nagsalita o nagtanong pa ako. Mabilis niyang pinarada ang kanyang sasakyan sa parking lot pagdating namin. Agad ko namang kinalas ang aking seatbelt para makasunod na rin sa kanya. Hindi man lang niya ako hinintay. "Timmy.." Kumapit ako sa kanyang braso nang maabutan ko siya. "Ano ba, Scarlett.." Pinilit niyang tanggalin ang aking kamay sa kanyang braso. Mas hinigpitan ko ang kapit sa kanya. Clingy ako pag kasama ko siya. I am proud of him. Gusto kong maramdaman niya na ipinagmamlaki ko siya. "Sabay tayong mag lunch mamaya?" Tanong ko habang papasok kami ng elevator. May dalawang estudyanteng babae kaming kasabay. Tamad siyang nagkibit balikat. Sumamdal siya sa metal na pader. "Hindi ako pwede mamaya, Scar." Hinarap ko siya kahit na hindi naman siya nakatingin sa akin. Tinanggal ko ang kamay ko na nakakapit sa kanyang braso. "Bakit? Lunch lang naman, eh. Mabilis lang. Ang tagal na nating hindi nagsasabay tuwing lunch." Ngumuso ako. "Hindi pwede." Inis siyang bumaling sa akin. Napatingin tuloy sa amin ang mga kasama namin dito sa elevator. "Kailangan naming mag practice buong araw. Malapit na ang championship.." Tumango na lang ako. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Basketball yan. Next week ay championship na nila. Kaya naman siguro palaging mainit ang ulo niya dahil palagi siyang pagod. Di bale, pagkatapos ng game nila, magkakaroon na ulit siya ng oras sa akin. Paglabas namin ng elevator ay kumapit ulit ako sa kanyang braso. Mas matangkad siya sa akin kaya kailangan kong tapatan ang kanyang mga hakbang. Kaya nga agad din siyang nakuha nung nag try out siya, ang tangkad kasi. Tumigil kami ng paglalakad pagdating sa tapat ng aking classroom. Hindi naman kasi kami magkaklase. Magkaiba ang aming kurso. Architecture ang akin. Habang siya naman ay sa Nursing. "Bye.." Hahalikan ko na sana siya sa pisngi kaso ay agad niya akong tinalikuran. Naglakad na siya palayo. Hindi man lang siya nagpaalam sa akin. Pumasok na lang ako sa aming classroom. Nakita ko agad si Macy, malaki ang ngisi sa akin. Isa siya sa mga kaibigan namin ni Timonthy simula High School. Walo kaming magkakaibigan, yung iba ay galing sa ibang kurso at Universities. Kapag may pagkakataon, o kaya naman ay maluwag ang mga schedules namin, nagkikita kita kami.  Umupo ako sa tabi ni Macy. "Goodmorning, Scar!" Masayang bati niya. Ngumiti ako ng tipid. "Morning.." Biglang naging seryoso ang kanyang mukha nang mapansin niya ang pagiging matamlay ko. Hindi ko maitago ang lungkot na ipinapadama sa akin ni Timothy. "Oh, bakit ang lungkot mo ata? Don't tell me inaaway ka na naman ng boyfriend mo?" Umiling agad ako sa kanyang sinabi. "Hindi. Bat naman niya ako aawayin?" "Aba, malay ko.." Kibit balikat niya. "Madalas kang pinagsusungitan nun ngayon, ah? Baka mamaya may-" "Ano ka ba.. busy lang siya sa practice nila kaya ganun. Championship na kasi next week." Ayokong tapusin pa niya ang kanyang sasabihin. Kabisado ko na kasi siya, sasabihin niya na may babae si Timothy. Alam ko naman na wala. Malaki ang tiwala ko sa kanya. Pagod lang talaga siya kaya naman palaging mainit ang ulo niya. Babalik ulit siya sa dati pagkatapos ng championship. "Tsk! Ewan ko, ah? Pero sa tingin ko talaga may babae yang boyfriend mo. Hindi naman siya ganyan dati, diba? Ang sweet niya sa 'yo. Palaging nakangiti. Tapos ngayon, ano?" Napairap siya. "Naging varsity lang, nagbago na!" "Hindi naman. Pagod lang talaga siya.." Pagtatanggol ko. "Tss.." Iling niya. "Kami ni Wayne break na." Siwalat niya na siya namang ikinagulat ko. Si Wayne, ang boyfriend ni Macy, ay kaibigan din namin. Information Technology ang kurso niya, ngunit sa ibang campus siya nag-aaral "Ano?! Totoo?! Bakit? Hindi ba't magkasama pa lang kayo kahapon?" Sunud-sunod na tanong ko. Tumawa siya sa reaksyon ko. Tinapik niya ang aking balikat. "Desisyon naming dalawa na maghiwalay na. It's not working anymore. Kahit na anong gawin namin, wala na.. I'm not in love with him. He's not in love with me. What's the point of being together, 'di ba?" Aniya na parang normal lang sa kanyang ang mga nangyari. "Pero... ang tagal niyo na. Grade 7 pa lang tayo!" Napailing ako.  Hindi talaga ako makapaniwala na naghiwalay sila. Nanghihinayang ako para sa kanilang dalawa. They were the perfect couple. Childhood lovers. Tapos, itatapon na lang nila ang  kanilang pinag samahan? Posible ba yun? Bigla na lang mawawala ang pagmamahal mo sa isang tao? Hindi ko lubos maisip na isang araw, bigla na lang mawala ang nararamdaman ko kay Tomothy.  Hindi mangyayari ang araw na 'yun. Ngumiti ulit siya nang magsalita. "I know.." Aniya. "Pero palagi na lang kaming nag aaway. We tried to save our relationship. Binigyan namin ng tatlong buwan ang isa't isa para ayusin ang sarili namin. Then, after that, we decided to cut it off. You know, to save our friendship. Kahit yun man lang, matira samin." "I can't.. I don't understand.."  Kahit kailan ay hindi ko maiintindihan ang naging desisyon nila. Paano nila natanggap ang kanilang paghihiwalay? Kaya ba nilang manatili bilang magkaibigan gayung alam nila na meron silang nakaraan? "Maiintindihan mo din, Scar. You know, if you're not happy anymore, then go. Hindi naman habang buhay pipilitin mo ang sarili mo na maging masaya. Just accept it, and later on, leave it.." Hindi na namin natuloy ang kwentuhan dahil dumating na ang aming professor. Pero kahit nag uumpisa na ang aming kalse, hindi pa rin maalis sa isip ko ang aking mga nalaman. Oo, may mga away na rin naman kami ni Timothy pero agad din naman naming inaayos ang mga ito. Kahit kailan, hindi dumaan sa isip ko na hiwalayan siya. Hindi ko itatapon ang limang taon namin. Gagawin ko ang lahat para sa aming dalawa. Pinangako ko sa sarili ko na siya ang una at huling taong mamahalin ko. Sabay kaming nag lunch ni Macy pagkatapos ng halos na dalawalng oras na lecture namin. Siya palagi ang kasabay ko dahil hindi naman ako sinasabayan ni Timothy. Gusto ko rin siyang usisain pa tungkol sa paghihiwalay nila ni Wayne. "Sabi ko naman sayo.. maiintindihan mo din ang lahat pag naramdaman mong pagod ka na. Sa ngayon... alam ko naman na inlove ka pa rin dyan kay Timmy." Aniya bago isubo ang kanyang pagkain. "Mahal ko talaga si Timmy. Hindi ko hahayaan na mangyari sa amin ang nangyari sa inyo.." Sabi ko bago rin isubo ang aking pagkain. Natawa na lang siya at umiling. "Hi, girls.." Natigilan kami ni Macy sa pagkain nang may umupo sa harapan namin. Si Gabriel lang pala. Pasimple akong umirap. Sasabay na naman ba siya sa amin? Pinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain. Isa rin sa mga kaibigan namin si Gabriel. Siya ang pinaka playboy at palabiro sa aming lahat. Hindi kami close, pero siya kung maka asta, parang bestfriends kami. Naiinis talaga ako sa kanya. Hindi ko siya makasundo dahil sa ugali niya. Pinapaiwas ko nga si Timothy sa kanya, eh. Magkaklase kasi sila. Baka mahawa ang boyfriend ko sa pagiging playboy ng lalaking 'to! "Oh, Scar! Nasa court si Timothy, ah?" Aniya. Dumampot siya ng isang pirasong fries ko at isinawsaw sa ulam ko. Hindi ko na lang pinansin ang ginawa niya kahit na nainis ako. Mas lalo lang akong maiinis kapat pinansin ko ang bawat galaw niya. "Alam ko. May practice sila." "Ows?" Kumuha ulit siya ng fries at isinawsaw na naman sa ulam ko. "Wala na yata silang practice, eh? Sabay-sabay lang silang nagla-lunch ng mga teammates niya. Kasama pa nila 'yung mga cheerdancers." Napatingin na ako kay Gabriel dahil sa sinabi niya. Kita ko rin sa gilid ng mga mata ko na natigilan si Macy sa pagkain. "Anong sinasabi mo?" Kumunot ang noo ko. "Hindi ba niya sinabi sa 'yo? Alam ko, wala na silang practice. Puro work out na lang. Sure win na raw kasi." Tumawa siya sa kanyang sinabi. "Ang yabang nga ng mga teammates niya. Kahit na nire-represent nila 'yung department namin, gusto ko pa rin na matalo sila!" Isa lang naman ang tumatak sa utak ko sa lahat ng kinuwento niya. "Hindi na sila nagppractice? Kailan pa?" "Ewan.. hmm.. siguro mga tatlong araw na? Basta mga ganu'n.." Nagkatinginan kami ni Macy. Tumalim ng kanyang mga mata. Napalunok ako. Nagsisinungaling sa akin si Timothy? Hindi! Hindi niya kayang magsinungaling sa akin. Kilala ko siya, kahit kailan ay hindi siya nagsinungaling sa 'kin. "Totoo ba yang sinasabi mo, Gab?" Lingon ni Macy sa kanya. Natigilan siya sa pagsubo ng fries. "Oo naman! Kailan pa ko nagsinungaling?" Naninikip ang dibdib ko. Hindi muna ako maniniwala. Kailangan ay makita muna ng dalawang mata ko bago ko paniwalan ang sinasabi ng iba. Gusto kong kumpirmahin. Ayokong pagdudahan ang boyfriend ko. Kailangan ay magtiwala ako sa kanya. Lunch lang naman yun kasama ang teammates niya. Wala namang masama dun. "Hay naku! Sabi ko na nga ba may-" Inunahan ko na si Macy sa pagsasalita. "Lunch lang naman 'yun. Okay lang." Depensa ko kahit na nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.  "Ang gusto ko lang naman sabihin, bakit inuna pa niya ang teammates niya kaysa sa girlfriend niya?" Iritadong sabi ni Macy. Pinilit kong ngumiti. "Okay lang naman. Magkikita naman kami mamayang uwian." Napairap na lang si Macy sa aking sinabi. Pinagpatuloy ko na lang ang aking pagkain kahit na nawalan na ako ng gana. Ayokong ipakita sa kanila na naapektuhan ako. Kailangan makita nila na malaki ang tiwala ko sa boyfriend ko at ayos lang sa akin kung ano man ang gawin niya. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang kaibigan naming si Jude. "Hi guys!" Masayang bati niya sa amin. Tumabi siya kay Gabriel. Sabay namin siyang binati ni Macy. Tinapik naman siya ni Gabriel sa balikat. "Grabe! Gusto ko ng sumuko ng Engineering." Reklamo niya. "Oh, bakit?" Natatawang tanong ni Gab. "Ang hirap! Yung utak ko dumudugo araw araw. Babagsak pa ata ako ngayong sem." "Hoy! Jude, ayusin mo nga yang buhay mo." Sermon ni Macy sa kanya. Tapos na siyang kumain. Ako naman ay hindi na maisubo ang aking pagkain. Inaalala ko pa rin ang mga sinabi ni Gabriel kanina tungkol kay Timothy. Hindi ko na lang ito tinapos. Inabot ko lang aking softdrinks para uminom. "Inaayos ko naman, Macy! Pero Nursing talaga ang gusto ko. Para kasama ko sana si Timothy at Gab. Kaso, ayaw talaga ni Papa." Napabuntong hininga siya. Masunuring anak talaga ni Jude. Sa aming magkakaibigan, siya ang maaasahan. Siya ang takbuhan ng lahat kapag may problema. "Mag shift ka!" Tudyo sa kanya ni Gab sabay akbay. Bad influence talaga kahit kailan. "Kala mo naman ganun kadali.." Bulong ko. Binaba ko ang can ng softdrinks sa mesa. "Ansabe mo, Scar?" Bumaling siya sa akin, nakakunot ang noo. Tinanggal niya kanyang braso sa balikat ni Jude. "Wala.." Masungit na sabi ko. Nilipat ko ang tingin kay Jude. "Konting tiis na lang. Kami nga ni Macy halos igapang na lang din namin ang kurso namin para lang makatapos." Natawa si Macy sa aking sinabi. "Hoy, ako lang kaya ang gumagapang. Scar! Sa talino mo ba namang yan?" "Oo nga!" Sang ayon ni Jude. "Ang talino mo kaya Scar! Hindi ako naniniwala na ginagapang mo na lang yang Architecture." "Ano ba naman kayo!" Iling ko. "Hindi naman talaga ako matalino-" "Masipag lang talaga akong mag aral." Sabay sabay na sabi nila. Natawa na lang ako. Mukhang kabisado na nila ang linya ko. "Nga pla, Macy, nagtext sa akin si Wayne. Break na daw kayo?" pag iiba ni Gab sa usapan. Muntik naman mailuwa ni Jude ang tubig na iniinom niya nang marinig ang balita. "Oo.." Walang alinlangan na sagot ni Macy. "Nachismis na pala niya sayo.." "Totoo? Break na talaga kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ni Jude. Sa reaksyon ng kanyang mukha, tila nakarinig siya ng pinaka pangit na balita ngayong taon. "Oo nga! But.. we're friends." "Sus! Friends daw. Hindi niyo naman matitiis ang isa't isa. Baka bukas kayo na ulit." Biro ni Gab. "Kaya nga! Patay na patay kaya sa 'yo si Wayne." Dagdag pa ni Jude. "Naku! Kayo talagang mga lalaki. Sige, kampihan niyo pa. Basta, hindi na kami magkakabalikan.." "Sige, pag nagkabalikan kayo liligawan ko si Scarlett!" Pusta ni Jude. Napatingin kaming lahat sa kanya. Sinapok siya agad ni Gab. "May boyfriend yung tao, tanga!" "Kung maka tanga ka naman!" Hinawakan niya ang kanyang ulo. "Biro lang syempre!" Nang matapos ang lunch break namin ay bumalik na kami sa kanya kanya naming klase. Hindi na ako dumaan pa ng court. Mamaya ko na lang tatanungin si Timothy tungkol sa mga sinabi ni Gabriel. Mabilis lang natapos ang isang oras namin sa klase. Naunang umalis si Macy. May kailangan pa raw kasi siyang gawin. Sa library na lang ako nag stay. Isang oras na lang naman ang hihintayin ko bago matapos ang klase ni Timothy. Ginugol ko ang isang oras sa pagre review para sa quiz namin bukas. Hanggang sa makatanggap na ako ng mensahe mula kay Timothy. Pinapapunta na niya ako sa parking lot. Inayos ko na ang aking mga gamit at nagmamadali ng umalis. Baka kasi mauna pa siya sa 'kin. Ayoko namang paghintayin pa siya. Mabuti na lang at nauna ako. "So.. I'll text you tonight." Narinig ko na ang boses ni Timothy. Nanlaki ang mata ko nang makita siya na may kasamang babae. Hawak pa niya ang shoulder bag ng babae. "Alright. Bye." Kinuha ng babae ang bag niya kay Timothy. Pinagmasdan ko silang kumakaway at nakangiti sa isa't isa. Napansin lang ni Timothy ang presensya ko nang pumasok na ang babae sa kanyang sasakyan sa di kalayuan. Unti-unting nawala ang ngiti ni Timothy nang makita ako. Kumunot ang noo niya. Pinatunog niya ang kanyang sasakyan. "Let's go.." Agad siyang pumasok ng sasakyan. Sumunod agad ako sa kanya. Ibinato niya ang kanyang bag sa backseat. "Uh, kaibigan mo yung babaeng yun?" Alanganing tanong ko, tinatantya kung maiirita ba siya o hindi. "Yeah.." "Ahh.. ang ganda naman niya." Tumango naman agad siya. Binaling ko ang tingin ko sa aking mga daliri. "Nga pala.. kwento ni Gab puro work out na lang pala kayo, wala ng practice. Akala ko ba-" "Yeah, whatever. Tss.." Napalunok ako sa kanyang inasal. Kinurot ko ang aking mga daliri para pigilan ang hapding nararamdaman. Bakit ka ba ganyan, Timothy? "Nag lunch pala kayo kanina sa court, 'no?" Hinarap ko siya  kahit na kinakabahan ako. "Kasama niyo raw yung mga cheerdancers." "Oo. Anong masama dun?" Iritado niya akong hinarap. "Wala naman.." Iling ko. "Pwede ba akong sumabay sa inyo sa susunod? Para makilala ko-" "Ba't ka sasabay? Baka ma-OP ka lang dun. Tss.." Pinaandar na niya ang kanyang sasakyan. Kinagat ko ang aking labi. Mananahimik na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD