KABANATA I

1637 Words
KABANATA I   Nilingon ko ang bahay kung mula sa pwesto ko. Mukhang namimiss na ako nito. Ilang araw din akong nawala. Sa ngayon gusto ko munang magpahinga lalo na at ilang araw akong nawala. Mamaya ay magtatrabaho na naman ako para mabuhay. Dahil baka sa susunod na araw ay wala na akong makain kung puro ako pahinga.   Pinarada ko muna si Saki sa usual spot nito. Kawasaki Ninja ZX-14R, isa ito sa pinakamabilis na motor sa buong mundo. Kaya nitong takbohin ang 208.1 miles per hour pero sumakit din ang bulsa ko nang binili ko ito. Mabuti nalang at marami din akong naipon noong nasa serbisyo pa ako.   “Hoy, Gunner! Ilang araw ka na namang nawala?” napangiti ako nang makita si Aling Mema.   Siya ang landlady sa buong building na ito. Ang desinyo nito ay gaya ng mga building sa America tapos may mga kwarto sa bawat palapag. Tahimik ang buong lugar kaya napili ko ito bukod sa malapit ito sa trabaho ko.   “May out of town lang akong trabaho, Aling Mema. Ayos lang ba ang bahay ko?” tanong ko nang huminto ako sa harap niya.   “Oo naman, Iho. Siya nga pala may bago ka nang kapit-bahay. Mabait naman sila kaya sana ay magkasundo kayo,” imporma niya.   Wala naman akong magagawa kung merong bagong lilipat sa tabi ko. Pero sana hindi ito maingay at hindi nito gulohin ang tahimik kung pamumuhay dahil baka hindi ako makapagpahinga ng maayos at mapilitan na akong lumipat.   Pag-akyat ko nga sa pangalawang palapag ay nakita ko ang mga naghahakot papunta sa kabilang unit ko. Huminto ako tapat nang pintoan ng unit ko. Ilang minuto kung pinasadahan ang frame nito papunta sa door knob at ilalim kung msy bakas ba ito nang pamumwersa. Pero mukhang wala namang nagbago dito kaya dumiretso na ako papasok.   Hinubad ko ang jacket at T-shirt na suot ko bago naglakad paikot sa buong bahay ko ng hubad-baro. Balewala sa akin ang maglakad ng nakahubad dito dahil ako lang naman ang tao dito sa kwarto ko. Pumasok ako sa banyo at pinadaloy ang tubig mula sa shower sa katawan ko. f**k! I miss this for twenty-four hours without taking a bath, and I feel like I’ve been deprived of water already.   Paglabas ko ng banyo ay napangiwi nalang ako sa ingay na sumalubong sa akin. Parang mababasag ang eardrum ko sa tinis ng mga boses ko. Sinubokan ko nalang balewalain dahil baka mamaya ay tumigil din ito pero mukhang mali ako. Dahil isang oras na simula nang mahiga ako sa kama ay wala pa ring tigil ang ingay mula sa kabilang kwarto. Kwentohan at walang katapusang tawanan ang tanging naririnig ko.   “f**k! Hindi ba sila napapagod?” bulong ko nang magtalukbong ako ng unan sa ulo ko. “s**t! Hindi ko na talaga kaya ang kaingayan nila. May trabaho pa ako mamaya,” bulong ko sa sarili.   Mabilis akong tumayo at binuksan ang pintoan ng bahay ko bago naglakad papunta sa kabilang pinto na nakabukas pa. Marami pa ring gamit ang nakaharang sa hallway. Hindi ba nila alam na nakakaabala sila? Kakababaeng tao ay napaka-burara.   “May problem aba Mister?” lapit sa akin ng isang babae mahaba ang buhok at may malalaking kulot ang dulo ng buhok.   Napapiling ang ulo ko ng makita ang itsura nito nang makalapit sa akin. Nakasuot ito ng maiksing maong shorts at ang damit ay parang hinati sa gitna kaya hindi na magkasya sa kanya. Kitang-kita ang mapuputi at flat nitong tiyan habang gumagalaw ito. Napasimangot ako ng ngumiti ito sa akin.   “Oh, my. Isa ka ba sa tenant dito? Ang bait naman pala ng mga nakatira dito binisita pa kami—“   “Tsk! Hindi ko kayo binibisita, Miss. Dahil ang totoo nandito ako para sawayin kayo. Ang ingay niyo kasi at nakakaistorbo kayo,” saad ko bago siya talikoran.   Napaismid nalang ako ng makita ang gulat sa mukha niya sa sinabi ko. Anong akala niya iwi-welcome ko sila? Okay lang akong mag-isa kaya ibig sabihin hindi ko kailangan ng kapit-bahay lalo na kung kasing ingay lang din nila.   Akala yata ng babaeng ‘yon ay nasa sarili niya itong bahay kaya ganoon ang asta pati na rin ang itsura. Tsk! Masyadong eskandalosa manumit pati na rin ang bibig niya. Mukhang hindi masusunod ang gusto ni Aling Mema na magkasundo kaming dalawa.   Tinalikoran ko nalang siya at walang lingon likod na naglakad pababa ng apartment. Susundoin ko na pala si Horace baka namimiss na ako nito. Ilang araw din kaming nagkahiwalay kaya kailangan ko na siyang sunduin. Total hindi na rin naman ako makatulog dahil sa ingay ng mga bago kung kapit bahay. Sana lang ay magkasundo sila ni Horace dahil baka mas lalo akong hindi makapag-pahinga kapag nagsabay sila.   Napangiti ako ng pagtapat ko sa bahay ng kaibigan kung si Diego ay hawak niya na ang Horace ko. Malayo palang ay mabilis na itong tumalon mula sa pagkakakarga ng Tito Diego niya.   “Hello, baby. Namiss mob a si Daddy?” nakangiti ko sa kanyang tanong.   Napahalakhak nalang ako ng talunin niya ako at parang batang nakayakap sa akin. Habang walang tigil na dinidilaan ang mukha ko. “Namiss ka din ni Daddy, baby.” Pati si Diego ay tawa ng tawa sa itsura naming dalawa.   “Mabuti naman at sinundo mo na ‘yan. Naghihirap na ako sa lakas kumain—“ natigil si Diego ng biglang tumahol si Horace at kinagat-kagat ang pantalon niya. “Sorry, hindi pala si Horace ang matakaw. Si Tita Nia pala ang malakas kumain. Hindi ang baby naming.”   “Salamat, bro. Uwi na kami saka na ako dadaan ulit dahil may pasok pa ako.”   Tumango lang si Diego sa akin bago bumalik sa shop niya. Nagtaxi lang ako dahil hindi ko naman pwedeng iikot si Horace habang nakasakay kay Saki. Horace is a Bichon Frise breed. Ang baby ng buhay ko. Dumaan lang kami ng grocery bago umuwi para bumili ng ilang stocks at pagkain.   Pagdating ko ay akala ko tumigil na ang dalawang kapit bahay ko. Pero mukhang marami pa silang enerhiya dahil nasa hagdan palang ako ay naririnig ko na ang malakas nilang tawanan. Isang oras na yata akong nawala pero hindi pa rin sila nauubosan ng sasabihin? Ngayon lang ba sila nagkita? Bakit ba ang daldal ng mga babae? Kahit yata maliit na bagay ay pinagkukwentohan ng mga ito. Tsk!   Pagdaan ko sa hallway ay wala na ang kalat nila pero nakabukas pa rin ang pintoan nila. At halos malaglag ang panga ko ng pagtapat ko sa pinto nila at napatingin ako sa loob nila ay bumungad sa akin ang isang babaeng biglang yumuko at nakaharap siya sa pinto kaya kitang-kita ko ang dibdib niya sa luwang ng suot niya. Wala pa yata itong suot na bra. Napahawak nalang ako sa batok ko dahil parang aatakihin na ako anomang oras dahil sa bagong kapit bahay ko.   “Hoy, bastos ka! Bakit mo tinitingnan ang dibdib ko? Binubusohan mo ako ano? Bastos ka! Wala kang modo.” Nagsisisigaw ito na parang baliw doon.    Ilang minuto pa akong nakabawi sa gulat ko dahil sa kanya. “Hoy, babae! Hindi kita binubusohan. Ikaw ang yumuko sa harap ko at hindi ko na kasalanan ‘yon. Magdamit ka nga ng maayos at isara mo ang pintoan ng kwarto mo wala ka sa bahay niyo!” asik ko sa kanya.   Bago dire-diretso kaming naglakad dalawa ni Horace. Dinudumihan pa ang virgin na mata ng baby ko. Naku sana ay hindi laging magcross ang landas naming dalawa dahil  baka mapaaga talaga ang pagputi ng buhok ko. Sa asal at itsura palang nito ay mukhang hindi talaga kami magtatagal.   Maingay, makulay at walang kataposang sigawan ang naririnig ko paglabas ko ng entablado. Tuwing gabi nalang ay ganito ang bubungad sa akin—sa amin. Parang hindi nag-sasawa ang mga taong ito na makita kami o panoorin. Sabagay kapag wala sila, baka wala na rin kaming trabaho.   Kasabay ng pagbukas ng ilaw ay umugong ang masigabong palapakan at sigawan ng mga babae at lalaking nasa harap ko. Solo ko ang entablado ngayon wala akong kasamang back-up kaya mas lalo akong napansin ng lahat.   “Gunnerrr! Buntisin mo na ako!” sigaw ng isang baklang mula sa isang grupo.   Nang lingonin ko sila at kindatan ay mas lalo pa silang nag-ingay na para bang naiihi na. Sa saliw ng kantang Pony ay mas ginalingan ko pa ang paggiling ko pagdating nito sa chorus. Bawat indak at galaw ng bewang ko ay buong lakas koi tong ginigiling na para bang may hinahagod ako. Kinuha ko ang upoan at nakatayo akong humarap dito habang nakatalikod sa mga nanonood sa akin at gumiling na para akong may inaararo sa harap ko.   Ilang taon ko na itong ginagawa pero hanggang ngayon ay hindi ko akalain na aabot ako sa ganito. Hindi ko akalain na magagawa ko ito sa harap ng maraming tao.   “Take it off! Take it off!”   People chant in front of me when I turn around. I was wearing a white shirt and a denim pants right now. Ang suot kung putting tshirt ngayon ay basing-basa na at yumayakap na sa katawan ko. Napangisi nalang ako nang sabay-sabay silang naghiyawan ng hubarin ko ito at ihagis sa kanila   “Woaaahhh!”     Their shouts and compliments seem to give me more energy, especially urges me to dance even better. Because while I can hear this fun every time I go out I feel like I want to shake this whole bar even more.   Ito ang buhay ko sa loob ng ilang taon. Ang yanigin ang bawat kanto ng bar na ito. Pasayahin at paligayahin ang mga babae, matron, baklang nangangailangan ng kakaunting aliw sa buhay nila.   Welcome to Queen Men’s Lair Bar.   Where the pleasures reside. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD