The Intruduction

2490 Words
THE EVENT Tahimik lang pinagmasdan ng dalagita ang sarili niya sa harapan nang malaki na salamin sa loob ng sariling kwarto, katatapos lang kasi siyang inayosan ng mga bakla, para sa event na dadaluhan nila ngayong gabi. "This is my first time interacting with other people." Usal ng dalaga sa kanyang sarili. Take note; hindi lang ito basta-basta na mga tao, dahil mga malalaking tao ito at sikat O kilala bilang negosyante sa buong Pilipinas O di kaya'y sa ibat-ibang bansa. Meron pang mga politiko na dadalo ngayong gabi. Wala rin namang magagawa ang dalaga dahil pumayag na siya sa gusto ng lalaki, kapalit ng kaligtasan niya sa loob O labas ng mansion. Tinignan ulit ng dalaga ang kanyang repleksiyon sa malaking salamin at hindi makapaniwalang may ika ganda pa pala siya, gustong gusto niya ang suot na gown para ngayong gabi, dahil sequence design ito at may pa slit pa. Tumayo na ang dalaga at handa na sanang lumabas ng pag-pihit niya paharap ay bigla siyang nauntog sa matigas na bagay?—"Ouch!" Usal ng dalaga at napahawak sa noo nito. "Si Lincoln lang pala— kabuti ba ang isang to?" Usal ng dalagita sa sarili. "Are you ready?" Sabi ng binata at pina-harap ulit ang dalaga sa malaking salamin, kaya kita ng dalagita ang repleksyon nilang dalawa. “Ang gwapo niya tignan sa suot na tuxedong kulay itim.“ Usal ng dalagita sa kanyang isip. Tumango naman ang dalaga at sabay sabing, "Yes, I'm ready for tonight Lincoln." Napaiktad ang dalaga, dahil may naramdaman siyang malamig na bagay na dumampi sa kanyang bandang leeg. Mabilis na ibinaling ng dalagita ang tingin sa repleksyon galing sa salamin, nakita niya ang isang kuwentas na sobrang ganda at sa unang tingin mo palang ay alam mong mamahalin na ito. Dahil puro diamante ang ginawang desenyo. “It's beautiful and unique.“ Nasabi nalang ng dalaga sa sarili. "What is this Mr.Lincoln?" Tanong ng dalaga sa lalaki at handa na sanang tanggalin ito sapagkat hindi niya kayang tanggapin ang mga ganitong klaseng bagay, dahil alam niya sa sarili na sobrang mahal ng halaga ang ganitong mga bagay. "Hindi ko kayang tanggapin ang bagay na'ito," Na-usal nalang ng dalaga at tinitigan ang binata mula sa salamin. "That's for you Eirene." Sagot sa kanya ng binata at tumalikod na, "Let's go were going to be late kung tumunganga kalang diyan." Sigaw ng binata at tuluyan ng nakalabas. Dinampot naman ng dalagita ang isang pouch at bagay na bagay ito sa suot nya ngayong gabi, dahil sequence rin ang desenyo. Malalaki ang ginawang hakbang ng dalaga para maabutan niya ang lalaki sa ibaba at sabay na lumabas. Pagkalabas nilang dalawa ay nakita nila kaagad ang limousine na kulay itim na nakaparada sa harapan ng mansion. Pina-unang pinapasok ng binata ang dalaga at siya naman ang sumunod. Tahimik lang ang dalaga sa byahe ng— "Hindi mo ako pwedeng tawagin na Mr. lincoln sa harapan ng maraming tao Eirene, maybe you can call me, babe, baby or honey and by the way suotin mo ito." Saad ng binata sakanya at hinagis pa ang maskara na kulay itim na sequence rin ang desenyo at may parang buntot pa ito ng ibon na ginawang pang desenyo. Tumango naman ang dalaga at sinuot ang maskara na inihagis kanina sa kanya, "Maybe honey will do," Saad ng dalaga at tinapos ang pag susuot ng maskara at tumingin nalang ito sa labas ng bintana. Hindi alam ng dalaga kung malayo pa ba sila O malapit na dahil puro nag tataasan na mga building ang nakikita niya. Hindi naman nag tagal ay huminto sila. Napatingin ang dalagita sa mataas na building kahit na nasa loob palang siya ng limousine. “Cooper five star hotel," Basa ng dalaga. "It's yours right?" Tanong niya sa binata pero hindi siya agad nasagot nito, dahil nakalabas na ito ng sasakyan. "Yes, this is the main C,F,S,H." Sagot nang binata at inilahad sa kanya ang kamay para doon makakapit. Tinanggap ng dalagita at tuluyan ng lumabas ng sasakyan. "Thank you," Saad ng dalaga sa binata at ngumiti ng kay tamis. “This is it, it's time to unlocked my acting skills,” Kumbinsi niya sa sarili. "Your welcome honey," Sagot sakanya ng binata, kahit na medyo nagulat ang dalaga sa pag tawag nito sakanya ng katagang “Honey,” ay ngumiti parin ito. Kumapit and dalaga sa braso ng binata at nag umpisa na silang naglakad papasok sa venue. Ngumiti ang dalaga pero ang binata ay nanatiling seryoso, sabay sabay na nag flash ang mga camera ng reporter's. Kahit na nakasuot sila pareho ng maskara ay sobrang stunning parin nila pareho. Nang tuluyan na nakapasok na silang dalawa ay agad nilang hinanap ang lamesa na nakalaan sa kanila. Nakita ng binata ang isang grupong kumaway sakanya, Pinaliit niya pa ng kaunti ang mata at sinigurado kung sino ang nakikita niya, "That's Mr. Suarez," Usal nito sa sarili at hinawakan niya ng mabuti ang kamay ng dalaga. "Doon tayo—Eirene," Saad ng binata sa dalagita at sabay silang naglakad patungo sa isang grupong puro matatanda. Nang nakalapit sila sa grupo ay kaagad natahimik ang nagsasaya kani-kanina lang at napalitan ito ng gulat na mukha natawa nalang ng bahagya ang binata dahil alam niya na ganito ang magiging reaksyon kapag makikita siyang may kasamang babae. Tinignan isa isa ng dalaga ang mga taong kanina pa nag hihintay sa sasabihin niya. "Hello I'm Lincoln wife, nice meeting you all," Saad ng dalaga at ngumiti ng matamis. “Maniwala kayo." Sabi ng dalaga sa isip. "Hello—Mrs. Cooper, your beautiful and you looked stunning tonight." Bati sa isang ginang na asawa ni Mr. Suarez. "Thank you, Mrs. Suarez and your beautiful too and stunning." Sagot ng dalagita at ngumiti ng pagkatamis-tamis. "O, Kilala muna pala ako i-iha?" Hindi siguradong saad ng ginang, hindi alam kung ano ang dapat itawag sa babae dahil alam nito na mas matanda siya. "You can call me, Iha...Madam," Ngiting saad ng dalaga at inilibot naman nito ang tingin at nakita niya si Lincoln na may kausap na matandang lalaki, “Negosyante rin siguro yan panigurado,” Usap ng dalaga sa sarili. “Hindi ko alam na may asawa na pala si Mr. Cooper,” Salita ng ginang, “Bagong mag asawa lang kayo iha?“ Tanong ulit ng ginang sa dalaga. “Oho—madam mag dadalawang taon narin po,” Sagot ng dalaga at pinag-katitigan ang mga mata ng ginang. Hilaw namang ngumiti ang ginang dahil sa naging sagot ng dalaga. “Sana itanong mo nalang din kung pa'no kami nagkakilala at kong magkatabi ba kami matulog, tanda, kahiya naman diyan sa naging tanong mo,” Sa-isip ng dalaga. “Alam mo bang gusto ng pamangkin ko 'iyang si Lincoln, jusko malulungkot talaga 'yon kapag nalaman niyang kasal na lalaki na pala itong si Cooper.“ Kwento pa ng ginang at di man lang nag preno sa bunganga. “Aba't kinuwento pa, itong matanda na'to bigwasan ko kaya?“ Sa-isip ng dalaga. “Ganon po ba— paki-balita nalang po sa kanya, Excuse me po.” Saad ng dalaga at umalis sa harapan ng ginang. Naglakad ang dalaga papunta sa puwesto ng binata dahil nanggigil na siya sa kausap na ginang. Pagkalapit niya sa binata ay bumakas kaagad ang kanyang pekeng ngiti sa lalaki, “Honey,” Lambing na saad ng dalaga at napa-sulyap sa kausap ng lalaki. “It's del Fierro; the adopted son of Israel del Fierro, the rumored heiress of International shipment and airport ferry flight of del Fierro business…That's the huge business and money though, pero sakanya ba talaga ipapamana ang lahat? walang kahit isang anak ang mga del Fierro napaka imposible naman 'yon,“ Usal ng dalaga sa sarili. “I'm sorry about that Mr. Del Fierro…and by the way this is my wife Eirene Cooper,” Pakilala ng binata sa kausap na negosyanteng si Cedrick Del fierro. “Hon, this is Cedrick del Fierro,” Saad ng binata sa dalaga. Tumango naman ang dalaga at nilahad ang kamay para makipag kilala. “Hi, Mr. del Fierro nice to meet you, I'm Eirene,” Saad ng dalaga at mas nilahad ang kamay para makipag kamayan. Tinanggap naman ng lalaki ang kamay ng dalaga, “Nice meeting you too Mrs.Cooper, I'm Cedrick,” Sagot ng lalaki at tinanggap ang kamay ng dalaga, nakaramdam ng kakaiba ang lalaki sa pagtanggap niya sa kamay ng dalagita ganon paman ay binalewala niya nalang ito. "ba't kakaiba ang pakiramdam ko sakanya? Kilala ko ba siya noon?" Tanong ng dalaga sa sarili. Tumingin ang mga mata ng dalaga sa binatang si Lincoln at kung titigan ito ay parang nag uusap ang kanilang mata, tumango ng kaunti ang lalaki at hinapit niya ang dalaga sa bewang, napa-sulyap naman ang dalaga sa kausap na lalaki, kita niya pano nag iba ng anyo ito, "Anong problema niya?" usal ng dalaga at sininyasan ang binatang si Lincoln. "Magkaaway ba kayo?" Bulong na tanong ng dalaga sa lalaki. Nagtaka naman ang binata sa naging tanong ng dalaga, hindi naman kasi sila magkaaway ng mga del Fierro, "No, why?" Tanong nito sa dalaga. "Nothing," Sagot nalang ng dalaga at inilibot ang tingin. Nagpatuloy naman ang binata sa pakikipag-usap sa kaharap na negosyante. Napahinto ang mata ng dalaga sa isang babaeng parang modelo dahil mataas at sobrang sexy at syempre maganda rin, dahil siguro sa klaseng pagtutok ng dalagita sa babaeng modelo ay nakaramdam ito na may nakamasid. Hinanap ng babaeng modelo ang matang nakatingin sakanya at huminto ito sa nakatayong si Savvy. Buong akala ng dalagita ay ngiti-an siya pero akala lang niya pala 'yon dahil umismid ito para bang ayaw nitong tinitigan O disappoinment ito dahil babae ang tumitig. Binalewala nalang ng dalagita ang nakita at ibinaling ulit ang tingin sa lalaki na busy parin sa pakikipag-usap. Umupo ang dalaga sa katabing upuan ni Lincoln, may nakita naman siyang waitress na malapit sa kanilang inuupuan itinaas niya ang kamay para mapalapit ito. Paglapit naman ng waitress ay agad siyang kumuha ng dalawang champagne, “Thankyou,” Pasasalamat nito sa waitress, tumango lamang ang waitress at umalis nadin. “Honey, You want this?“ Saad nito at pinakita ang champagne na hawak, binalingan siya ng binata at nginitian. “Yes, thankyou hon.“ Sagot ng binata at bumulong. “It's sound great, keep it up!“ Bulong nito sa dalaga. Namula naman ang dalaga, hindi dahil sa kilig kundi dahil sa hiya sa mga kausap nito. Dahil titig na titig ito sa kanilang dalawa. “Mukha bang great itong nangyayari baliw… Jusko! sana lamunin nalang ako ng lupa dahil sa walanghiyang lalaki na'to.“ Usal ng dalaga sa sa isip. “Ang sweet naman ng asawa mo Mr. Cooper, nakakatuwa,” Sabi ng ginang na asawa ni Mr. Valero. Napa-kibot naman agad ang labi ng dalaga dahil sa narinig galing sa matanda, “Isa rin tong matandang na'to pareho lang sila ni Mrs. Suarez.“ Sa isip ng dalaga. Tumawa nalang sila pareho dahil sa narinig, “ Lincoln asan ba ang restroom rito naiihi ako,” Saad ng dalaga na pabulong sa binata. Akala niya ay sasabihin nito kung saan pero nagulat siya ng tumayo ito at nag paalam, “Excuse me, sasamahan ko lang muna ang asawa ko sa restroom.“ Paalam ng binata at hinawakan ang bewang ng dalaga. Naguguluhan namang tumayo ang dalagita at sabay na humakbang palayo doon sa grupo. “Ano kaba naman Lincoln pwede mo namang sabihin kung saan e,” Maktol na saad ng dalaga. “Alam mo ba ang pasikot-sikot rito?“ Supladong saad ng binata, napa-kagat naman ng labi ang dalaga dahil sa tama nga itong lalaki. Malayo paman ay kita na niya ang pinto na may nakatatak na Restroom kaya mabilis ang kilos ng dalaga dahil para ng puputok ang pantog niya. Malapit na sana siya ng biglang— “Oh my god! Tumingin ka naman sa dinadaanan mo!“ Sigaw sa babaeng nakabangga ng dalaga. “Sorry,” Hinging tawad ng dalagita at magpapatuloy na sana sa paglalakad ng— “Sorry? Hindi mo ba nakikita ang suot kong natapunan ng wine!”Sigaw sa kanya ng babaeng kulang nalang sabunutan siya. “Hindi ko naman sinasadya, kailangan ko na talagang pumunta ng restroom.“ Muling saad ng dalaga at magsisimula na sanang maglakad ng bigla siyang hinawakan sa braso. “Huwag naman sana niyang pag diskitahan itong braso ko, hindi panga ito gumagaling,” Salita ng dalaga sa isip. “Hep-hep, diba ikaw 'yong kasama ni Lincoln?“ Biglang tanong nito sa dalaga. Nagtaka naman ang dalaga,” Oo, bakit?“ Sagot naman ng dalaga. “So, tama nga ang sabi-sabi na walang modo at ignorante nga ang naging asawa ni Lincoln,” Ani ng babae at umalis din. Nalito man ang dalaga ay hindi nalang niya ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. “Ang lakas niyang sitahin ako dahil diko naman kasama ang mokong, dahil tinawag ito ng isang negosyanteng hindi niya kilala.“ Napapa-lingo na saad ng dalaga at tuluyan ng nakapasok sa restroom. Agad nag hanap ng bakanteng cubicle ang dalaga at ng nakakita ng bakante ay agad pumasok at umupo para maka ihi na. “Akala ko di na ako pakawalan ng babaeng 'yon, baka naka-ihi na ako ngayon sa panty hyst ,” Buntong hiningang salita ng dalaga at tatayo na sana ng may pumasok na nag uusap. “Girl—alam mo bang nakabangga ko 'yong asawa raw ni Lincoln, sobra siyang nakakatawa.“ Saad ng babae sa labas. “Ha? bakit anong nangyari ba?“ Tanong naman ng kasama ng babae. “Para siyang tuta na takot sampalin, Hahahahaha,” Tumatawa pang sagot nito sa kausap. ”Ha?“ Nasabi nalang ng dalaga sa isip habang naka-upo sa anidoro. “Bagay lang yon sakanya, mang-aagaw kasi akala mo naman maganda, kapag mag sawa sakanya si Lincoln my baby kawawa talaga siya.“ Ani ng isang babae. “Oo nga girl, magsawa rin yan si Lincoln sakanya tapos maghiwalay din 'yan, hintayin ko talagang mag hiwalay sila dahil kami naman talaga ang bagay ni Lincoln at hindi 'yong babaeng 'yon na gold digger ,” Aniya ng babae. Narinig ng dalaga na umalis na kaya siyaka palang siya lumabas ng cubicle at tinignan ang bawat sulok baka may makakita sakanya. Humakbang siya papunta sa lababo at naghugas ng kamay at inayos ng kunti ang buhok na nawala sa style. Nang natapos ay lumabas na siya. Pagkalabas ay nagulat siya ng may biglang humablot—”Si Lincoln lang pala,” Usal ng dalaga at tinignan ng masama ang binata. “Bat ba nanghahablot ka?“ Malditang aniya ng dalaga. “Bat ang bagal mo? Akala ko kinain kana ng anidoro.“ Matigas na asik sa kanya ng binata at hinawakan ang bewang ng dalaga. “We need to go back, dahil mag sisimula na ang event.“ Ani nito, matigas ang mukha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD