We planned to camp beside the beach, at heto ako sobrang excited, sabi pa ni Lincoln huwag masyadong excited, “Kasalan ko bang gustong gusto ko ang plano?” Naghalungkat ako ng mga damit at buti nalang may nadala akong isang pair na pantulog at makakapal pa. Bitbit ko ang nga damit ng lumabas ako, hindi panga ako tuluyang nakalabas ng kwarto ay nakita ko nang may kahalikan si Lincoln,“L-lincoln?” Ramdam ko ang sakit sa bandang dibdib ngunit binalewala ko 'yon, wala akong karapatan sa kanya, dahil peke lang naman ang meron kami. Agad akong pumasok ulit sa kwarto at lumabas nalang sa balcony, Bumuntong hinanga ako at na nanuot kaagad sa aking ilong ang amoy alat na hangin. Pilit kong winaksi sa isip ang nakita ngunit patuloy ko pa rin itong naalala. “Si Grace ba 'iyon? Siya siguro 'yon.